Dales, ay ang mag-aral si Prospero nang caunting paquiquipagcapoua tauo, at natatanto rin, pó ninyo, na dito sa ating bayan, ay ha?gal na ha?gal ang tauo, na halos hindi marunong sumagot, cung causapin ninyo, cundi tanu?gin po, ninyo silang tungcol sa ma?ga calabao, ma?ga palayan, ma?ga cai?gin ó ibang ganito.
--Totoo iyang salita mo, Andrés; subali,t, talastasin mo namang maigui, na malaquingmalaquing camaliang umasa, na ang isang puno nang sampaloc ay mamu?ga nang bayabas, at isang, puno nang bayabas ay mamu?ga nang sampaloc. At itong camaliang ito,i, nasasainyong lahat halos, na bihirang-bihira ang hindi nararamay sa camaliang ito. Caya ang nangyayari sa caramihan ninyong ma?ga indio, maguing tagalog, maguing visaya, maguing vicol, pangpango, ilocano, etc. etc. etc., ay gayon:
Mayroon cayong caunting salapi, at magcaanac cayo nang lalaqui, at capagcaraca,i, tinutucso cayo nang demonio, ó nang inyong capoua tauo, ó nang inyong sariling cahungha?gan ó capalaluan, na paluasin baga ninyo sa Maynila ang inyong anac na lalaqui, nang doon siya,i, mag-aral; at hindi ninyong sinusubucan muna,t, pinagmamasdan itong inyong anac, cung mabait baga at matalinong siya, ó matalas caya ó mapurol ang caniyang ulo, ang caniyang pagiisip, sa macatouid.
Ang inyong guinagaua lamang sa ma?ga cataonang ganito, at ang inyong iniisip at guinugunam-gunam lamang, ay cung quinacaya baga ninyo, ó hindi quinacaya ang pagbabayad nang pag-aaral at pagtira nang inyong anac sa Maynila; at cung baga inaacala ninyong nacacayanan din, ay isinusulong ninyo ang inyong banta,t, calooban, at siya na.
Dahilan dito sa inyong asal, ang nangyayaring cadalasa,i, natutunao lamang ang inyong salapi, at ang ma?ga anac ninyo,i, ualang ibang pinag-aaralan sa Maynila, cundi ma?ga capillohan, casalauolaan, capalamarahan, at iba,t, iba pang masasamang ugali.
Cung dito, ang tuloy na salita nang aming mahal na Padre Cura, cung dito sa anac mong si Próspero ay masasabi co sa iyo, na minamabait co,t, minamagaling cong tauo, at inaari co siyang mabuting cristiano at masunuring anac. Subali,t, cung sa aquing pagti?gin, cung aquing pagmamasid sa caniya, ay tila,i, may capurulan ang caniyang ulo, caya inaalaala co, na baca sacali,t, cung paluasin mo siya sa Maynila, ay hindi lamang hindi matuto ang inaacala mong matutuhan niya roon, cundi bagcus ay masira at mauala pa ang caniyang cabaita,t, cagalingan, at ang humalili dito,i, ang capusu?gan at capalaluhan.
Caya ang hatol co at ang aquing sagot sa ma?ga ipinahayag mo at itinanong mo sa aquin ay gayon: Houag mong paluasin si Próspero sa Maynila: sapagca,t, ?gayon siya,i, mabait na anac, mahusay na binata, masunuring cristiano at mabuting cababayan; ?guni,t, cung paluasin mo siya,i, hindi natin naalaman ang caniyang casasapitan.
--Salamat, pó, ang ulit ni cabezang Dales,salamat, pó, at co,i, inaaralan ninyo,t, hina, hatulan nang magagaling; datapoua,t, cundi icagagalit nang aquing Panginoon, ay mayroon, pó, acong sasabihin sa inyo.
--Hindi, ang banayad na sagot nang aming Cura, hindi aco magagalit: caya magsabi ca nang balang maguing calooban mo, at sasagutin co nang macacayanan co.
--Ang aquin pong sasabihing ayon sa inaabot nang mababao cong pag-iisip, ay ganito: ang uica ni cabezang Dales. Na tila po,i, ang laman nang ma?ga sinalita ninyo sa aquin, ay ang houag bagang mag-aral caming ma?ga indio nang ma?ga iba,t, ibang naalama,t, pinag-aaralan ninyong ma?ga castila.
--Hindi at hindi, ang biglang sagot nang Cura, hindi iyan ang cahulugan nang ma?ga sinalita co sa iyo. Maling-mali, Andrés, ang caisipan mo. At cung sa aquin, ay hindi lamang hindi co inaalis, cundi minamagaling cong totoo, na ang ma?ga indio, mag-aral nang balan nang carunu?gan maguing sa pagmemedico, maguing sa pagmamaestro, maguing sa pagpapare, maguing sa _pag-aabogado_, ó iba,t, iba cayang ma?ga oficio at calagayan natin dito sa mundo.
Baquit aco,i, magsasaloob nang ganiyan, at mayroon acong naquiquilalang ma?ga Pare, ma?ga _Médico_, ma?ga Abogado, na para-parang ma?ga indio, na mahusay na mahusay sila sa cani-canilang catungculan, at naguing uliran pa sila nang ibang ma?ga Pare, ma?ga _Médico_ at ma?ga _Abogado_? Ang ipinipintas co lamang sa inyo: pacatandaan mong maigui, Andrés; ang ipinipintas co lamang sa inyong ma?ga indio, at ang minamasamang totoo nang aquing calooban, ay ang ualang casinghamac na ugali ninyo, na pag nagcacaroon cayo nang caunting cuarta, cung mayroon cayong ma?ga anac na lalaqui ay agadagad paluluasin ninyo sa Maynila itong inyong ma?ga anac, nang mag-aral doon, aninyo, cahit casingtigas nang batobalani ang canilang ulo, at uala silang cabait-bait.
Caya, ang uica co sa iyo ca?gina, at inuulit co ?gayon, at uulitin cong magpacailan man, na, ang caramihan, sa macatouid baga, na sa sanglibong indiong nag-aaral sa Maynila, ay ang siam na raan at limang puo,i, ualang ibang natutuhan doon cundi ma?ga capalaluan, ma?ga casalbahian, ma?ga casalauolaan, ma?ga calayauan nang catauoan at ibang ganganito, at tinutunao pa nila ang salapi nang canilang magugulang.
Dito rin sa ating bayan ay mayroong maipaghalimbaua aco sa iyo:
Ano caya ang naalaman ni Basteng anac nang nasirang Maestrong Sensio, ganoong catagal siya sa Maynila, na cung sa aquing balita,i, mayroong ualo ó siam na taon siya roon?
Ay ualang-ualang iba, cung sa naquiquita
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.