Si Tandang Basio Macunat | Page 7

Fray Miguel Lucio y Bustamante
cabezang Dales, ?baliu ca!, nang siya,i, mag-aral-aral sa Maynila nang iba,t ibang hindi mapag-aralan dito sa atin na para-para tayo,i, manga ha?gal, na ualang naalamang iba cundi cumain at mag-araro.
--Maano pó, tatay, ay houag, pó, ninyong paluasin si Próspero.
--?At baquit?
--Ayuan co pó; subali,t, masasabi co, pó, sa inyo, na masamang-masamang totoo ang cotug nang aquing loob, at malaquing-malaqui, pó ang tacot co, na baca sacali,t, mapahamac ang aquing capatid, na minamahal at manamabait co póng totoo, cung paluasin, pó, ninyo siya sa Maynila.
--Houag cang magbaliu-baliu, Pili, ang sagot ni cabezang Andrés. ?Baquit, aniya, mapapahamac ang capatid mong si Proper, ganiyang cabait siya, paluasin co man siya sa Maynila?
--Hindi, pó, aco macasagot sa inyo; datapoua,t, di baga naquiquita pó ninyo, ó nabalitaan caya, ang nangyayari sa caramihan nang batang pinapag-aral sa Maynila, na mababait na mababait sila, nang sila,i, umalis sa casiping nang canilang magulang, at pag-oui, pó, nila sa canicanilang bayan, ay iba na ang canilang asal at ugali; na tabi sa di gayon, ay ualang-uala silang naalaman, cundi lumigao at gumala oras-oras; magsoot nang matitigas, at lumayao sa catauoan?
--Di baga naquiquita, pó, ninyo, ó nabalitaan caya, na pangagaling sa Maynila niyong ma?ga nasabi cong bata, at cahit ano ang natutuhan nila doon; ay pagdating, pó, rito sa bayan, ó sa bayang canilang pinagbubuhatan; ay hindi na sila marurunong gumalang sa matatanda, at ang pagpupugay man pó, sa ma?ga puno, at sa ma?ga Sacerdote ay hindi na guinagaua?
Di baga naquiquita, pó, ninyo, ó nabalitaan caya, na ang caramihan nating ma?ga tagalog, tabi sa di ganoon, na nag-aaral sa Maynila, ay ualang ibang natutuhan doon cundi ang dilang capalamarahan sa canilang capoua tauo?
Cayo, póng bahala, tatay; cayo rin, pó, ang aming susundin; nguni,t, ipinamamanhic co póng totoo sa inyo, na bago pó, paluasin ninyo si Proper, ay cumuha, pó, cayo muna nang tanong at sanguni sa ating mahal na Padre Cura, ó sa iba cayang nacacaalam; maca, pó, sacali; ang inyong casasapitan, ay malayong-malayo sa inyong hinaha?gad.
At saca, pó, tatay; ay alalahanin, pó, ninyo, na sa pagcacamit nang La?git, ay hindi caila?gang mag-aral muna nang uicang castila at _cánones_, ó cung ano pong ?galan niyong pinag-aaralan nang ma?ga estudiante sa Maynila, at madalas naringig co, pó, sa ma?ga Confesor, at binasa co pa sa ma?ga libro, na, cung sa Pa?ginoon Dios, ay ualang castila, ualang tagalog, ualang ingles, ualang inchic, ualang mahirap, ualang mayaman, ualang marunong at ualang ha?gal; tayo,i, para-parang hohocoman niya, at ayong sa ating ma?ga gaua, ay ganoon din ang caniyang ganti ó parusa sa atin.
Baga man ticang-tica nang loob ni cabezang Andrés, na paluluasi,t, paluluasin sa Maynila ang caniyang anac, na si Próspero, ay pinaquingan din ang matouid, at malaman, at mainit na salita ni Felicitas; at baga man hindi sumagot cay Pili, doon sa oras na yaon, nang isa mang uica, ay nang quinabucasan niyon, ay naparoon si cabezang Dales sa Convento, hinanap niya ang aming mahal na Padre Cura, at doon cumuha nang sanguni.
Ang Cura dito sa amin, niyong panahong yaon, ay baga man castila, (siya,i, Franciscano na paris nang ma?ga hinalinhan niya, at nang ma?ga humalili sa caniya), baga man castila, anaquin, ay tagalog na tagalog cung sa pa?gu?gusap; at palibhasa,i, matagal siyang totoo dito sa catagaloga,i, naalaman niya ang lahat na ma?ga asal at ugali naming ma?ga indio. Caya nang humarap sa caniya si cabezang Dales, at ipinahayag sa caniya ang talagang isasanguni sa caniya, ay sinagutan siya nang aming cagalang-galang na Padre Cura nang isang mahaba at malinao na sagot, na sasaclauin co dito sa maicsing salitang susunod:
--Mabuting-mabuti ang uica nang Padre Cura, mabuting-mabuti ang inaacala mo, Andrés; palibhasa,i, maigui ?ga na ang tauo,i, mag-aral nang mag-aral, hangang macacayanan niya, nang ma?ga bagay-bagay na carunu?gan, macatutulong sa caniya sa ma?ga iba,t, ibang calagayan natin dito sa lupa. Caya, naguing cauicaan nang ma?ga pantas na marurunong, na _ang carunu?gan ay hindi nacabibigat, cundi nacagagaan nang ma?ga pasan natin dito sa mundo_. Nguni,t, mayroon acong itatanong sa iyo.
--Cayo póng bahala, ang uica ni cabezang Dales.
--Ano caya ang hinaha?gad mo, ó hinahabol mo baga sa anac mong si Próspero, dito sa pagpapaluas mo sa caniya sa Maynila?
--Uala, po, acong ibang hinahabol at ninanasa sa aquing anac cundi ang siya,i, matuto nang caunti sa Maynila.
Ay ano, ang ulit nang Cura, ay ano, di baga siya,i, marunong nang dasal?
--Marunong, pó.
--Di baga siya,i, marunong bumasa, sumulat at nang manga cuenta pa?
--Aua, pó, nang Pa?ginoon Dios, ay naalaman nang anac co iyang ma?ga bagay na iyan.
--Di caya maalam si Próspero nang _mag-araro_, mag-alaga nang calabao, ma?gahuy, at nang iba,t, iba pang tungcol sa inyong pagcabuhay, at nang ucol naman sa ma?ga catungculan nang tauong cristiano?
--Iyan póng lahat na iyan ay naalaman din ni Proper.
--Cung ganoon, ang uica nang Cura, cung ganoon; ano pa ang hinahabol mo, ó hinahanap mo cay Próspero?
--Ang ibig co, pó lamang, Amo, ang uica ni
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 32
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.