co at pinagmamasdan, cundi ang pagsosoot nang matitigas; ang pagmamarunong; ang pagpapaquialam min sa lahat nang bagay; ang pambababayi; ang pagbaba?gon nang usap sa ma?ga ualang casaysayan, at ang pagpapalalo sa lahat. At saca hindi sila nagcocompisal sa panahon nang Santa Cuaresma, at magsimba man sila, cung Domingo at Fiestang pa?gilin, ay hindi guinagaua nila ito alangalang sa pagsunod sa utos nang santa Iglesia, cundi nang sila,i, maquita, at sila nama,i, macaquita. At bucod dito,i, hinihicayat pa nila ang ibang tauo sa paggaua nang canilang guinagaua.
Di baga totoo ito, Andrés? Icao rin ang magsabi, at mayroon canamang mata, tayi?ga at pag-iisip na paris co. Di baga totoo itong aquing sinasalita sa iyo?
--Houag, pó, ang sagot ni cabezang Dales, houag póng maguing casiraan nang puri nang capoua tauo; datapoua,t, ay totoong-totoo ang inyong sinasalita, at siyang naquiquita co, at naquiquita nating lahat dito sa bayan.
--Cung gayon, ang uica nang Cura, cung gayo,i, acalain mo, Andrés, ó hugutin mo caya dito sa nangyari at sa nangyayari cay Isco, cay Julian at cay Baste, acalain mo, anaquin, cung ano ang mangyayari sa anac mong si Próspero, cung paluasin mo siya sa Maynila.
--Salamat, pó, ang uinica ni cabezang Dales sa Cura, salamat, pó, nang maraming-marami, at cung sana sa bulag, ay pinamumulat, pó, ninyo ang aquing mata. Aco, po,i, nagpapaalam na sa inyo, cung uala, pó, cayong ipag-uutos sa aquin.
--Adios, Andrés, ang uica nang Cura, adios, Andrés, at houag mong pahamacan itong hatol ó pa?ga?garal co sa iyo, sapagca,t, hindi nangagaling sa isang biglang sompong, cundi sa isang matagal at sadyang pagmamasid co nang inyong ma?ga ugali at paquiquipagcapoua tauo....
Yumaon na si cabezang Dales sa Convento, at nagtuloy sa caniyang bahay, at palibhasa,i, balisa ang loob ni Felicitas, ay sinalubong niya sa pinto ang caniyang ama, at inosisa sa caniya, cung ano caya ang naguing hatol sa caniya nang Padre Cura, at ang sagot nang caniyang tatay ay ganoon:
--Ang hatol sa aquin nang ating Cura ay paris din nang hatol mo, na houag co bagang paluasin si Proper, na baca sacali, aniya,i, mapahamac. Datapoua,t, isipin co ma,t, isipin, ay hindi co matatalastas, cung baquit mapapahamac itong anac co, cung papag-aralin co siya nang caunti sa Maynila.
--Tatay, ang maamong uica ni Pili; tatay, maano, po,i, sundin, pó, ninyo ang hatol nang ating mahal na Cura, sapagca,t, siya ang ama nang ating caloloua, at _segurong-seguro_, po,i, hindi ihahatol niya sa inyo nang gayon, cundi talastas niya, na siyang matouid at tapat sa cagali?gan natin.
--Siya ?ga, ang uica ni Dales, siya ?ga, ?guni,t, tila nagugulo ang aquing pag-iisip, at ang loob co,i, catua, sapagca,t, hindi co matantong maigui ang tunay na cahulugan nang ma?ga quinacatouiran sa aquin nang ating cagalang-galang na Padre Cura.
--Pabayaan, pó, ninyo, tatay, ang ulit ni Pili, pabayaan, pó, ninyo, tatay, iyang pag-iisip na iyan, at houag, pó, ninyong alalahanin iyang ma?ga bagay na iyan. Cung ano, pó, ang hatol sa inyo nang ating mahal na Padre Cura, ay siya pó, ang inyong sundin, at hindi, pó, cayo magcacasala sa ating Panginoong Dios.
Pagcasalita nang gayon ni Felicitas ay umalis na ang caniyang ama at nagtuloy sa ma?ga pag-gaua niya sa buquid; at buhat niyo,i, hindi pinag-uusapan nila itong ma?ga bagay na ito; caya lagay na lagay ang loob ni Pili, at ang boong acala niya,i, hindi na paluluasin si Próspero sa Maynila.
Datapoua,t, nang maguing tatlong lingong magmula nang pagharap ni Dales sa aming Cura, at casalucuyang pinaguusapan nang mag-ina ni Felicitas itong di pagluas ni Próspero sa Maynila, at casalsalang ipinahahayag ni Pili sa caniyang ina ang malaquing toua niya dahilan sa hindi pag-alis nang capatid, ay siyang pagdating ni cabezang Andrés, at capagcara,i, tinauag niya ang mag-ina, at iniutos sa canila nang isang masiquip na utos, na agad-agad, ang uica, ay bumili sila nang cáyo at gumaua sila nang maraming baro at salaual cat Proper, at maghanda pa sila nang ma?ga _pa?o_, chapin, chinelas, talla at nang balang cailangan; at sa isang lingo, aniya, ay paluluasin co si Proper sa Maynila, at papag-aralin co doon nang caunti.
?Catacot-tacot ang pag-iyac ni Felicitas nang mari?gig niya itong utos nang caniyang amba! Di mapalagay-lagay ang caniyang loob, at sari-saring paraan at capamanhican ang guinaua niya, nang houag baga matuloy ang gayong banta nang caniyang tatay. ?guni,t, nagbi?gi-bi?gihan si don Andrés sa ma?ga carai?gan at sa ma?ga luha nang caniyang anac na si Pili, at inulit nang inulit niya ang utos, na gauing madali nilang mag-ina ang ipinagaua sa canila.
Hangan ?gayon oras na ito, na itinatala co sa papel ang nangyari sa mag-anac na don Andrés Baticot, ay hindi co maisip-isip, hindi aco macapag-aacala man lamang, cung sino caya ang nag-odyoc ó humicayat sa naturang Dales, sa pagsouay sa matouid na hatol nang cagalang-galang na Padre Cura namin.
Cung sa aquing sarili, ay uala na acong ibang sucat na pagbinta?gan at paghinalaan, cundi ang mismong Demonio, o cung
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.