sa ating Padre Cura, nang cayo,i, matauag na sa Simbahan, cung baga gusto at calooban ninyong dalaua. Caya pinagcaisahan namin ni mamang Juancho, na mula ngayon ay ipagsasama quita gabi-gabi sa caniyang bahay, nang cayo ni Silia,i, magcausap nang inyong sarili sa aming harap, nang cayo,i, magcaquilalang mabuti, at nang maalaman din namin ang nasasacalooban ninyo, bago cayo,i, humarap sa ating mahal na Cura.
Nagaua, po,t, nasunod yaong lahat na sinabi sa aquin ni ama, at iba,t, iba pa, datapoua,t, lilisanin co pó, iyang lahat na iyan, at sasabihin co, pó, sa inyo sa maraling salita na: aua nang Panginoon Dios, cami ni Silia,i, nacasal din; nag-anac, pó, cami nang marami; at sa tulong nang mahal na Virgen, ay hindi nasira ang aming capayapaang magmula niyong cami casalin, na hangan ngayong oras na ito.
Cung anong naquiquita co pong inu-ugali nang aquing ama sa aquing ina, at cung anong inaasal nang magulang co sa aquin, ay siya co pong guinayaha,t, inuugali sa aquing asaua at manga anac at sa malaquing aua nang Poon, ay cami nagcacasundo nang maigui at hindi cami naualan nang aming canin sa ara-arao, mahirap man caming tauo.
Naito, pó, ang sulong na salita ni tandang Basio, naito, pó, ang pitong anac cong nabubuhay. Inyo, pong tingnan, at inyo pong sulitin, at sila,i, para-parang marurunong na magdasal, bumasa, sumulat at nang caunting cuenta pa; at bucod dito,i, sila pong lahat babayi at lalaqui, ay marurunong pang mag-araro, magtanim, umalit, mangahoy, manahi at mangosina. Datapoua,t, houag, pó, ninyong causapin sila sa uicang castila, at baual na baual co, pó, sa canilang lahat ang pag-aaral, at ang pagsambit man lamang nang iisa-isang uicang castila.
--At baquit, pó, gayon ang inyong gaua,t, utos? ang tanong co sa matanda. Di baga lalong mabuti, na ang naalaman na nang inyong manga anac, ay patungan pa,t, dagdagan nang pagcacaalam nang uicang castila?
--Hindi, pó, hindi, pó, ang biglang sagot ni tandang Basio. Ang castila, aniya,i, castila, at ang indio ay indio. Ang ongo, ang uica pa niya, ang ongo,i, sootan man ninyo nang baro at saloual, ay ongo rin at hindi tauo.
--Oo nga, pó, ang uica co; subali,t, pacatandaan, pó, ninyo, na ang carunungan ay hindi nacacahalang sa anoman, cundi bagcus ay nacatutulong sa atin sa maraming totoong manga bagay-bagay sa caloloua,t, catauoan dito sa mundo.
--Tunay, pó, ang inyong sabi, ang ulit nang matanda; subali,t, aniya, sa naquiquita co, pó, sa namamasdan co; at sa nababalitaan co, pó, sa buhay cong ito,i, hindi co, pó, ibig na ang manga tagalog, ang mga indo, alalaon, ay nagaral nang uicang castila.
Ang pinaniniualaan co, póng totoo at sinusunod co, ay ang casabihan nang aquing namatay na amá, (?ingatan nang Panginoon Dios!) na ang madalas na sabi niya baga, ay ganito: _Ang mga tagalog, ang mga indio baga, aniya, na humihiualay caya sa calabao, ay ang cadalasa,i, naguiguing masama at palamarang tauo sa Dios at sa Hari_.
Cung caya, po,i, sumamá ang loob co, at nagalit pa aco, nang sabihin, pó, ninyo sa aquin, na cung ano,t, di aco nág-aaral nang uicang castila.
Tungcol, pó, sa manga bagay na ito,i, maraming-marami acong sucat salitain sa inyo. Subali,t, pó, sapagca,t, hating gabi na ngayon, tayo,i, lumigpit muna, cung baga minamatapat ninyo, at bucas, pó, cung may aua ang P. Dios, ay sasalaysayin co, pó, sa inyo ang lahat-lahat na isinasaloob co,t, inaabot nang aquing pag-iisip, bagay dito sa ating pinag-usapan, at ipaquiquita co pa, pó, sa inyo ang isang casulatan nang tatay co, na iniingatan co,t, itinatago sa cailaliman nang aquing caban, tungcol sa nangyari sa isang mag-anac na tagarito rin sa aquing bayan nang Tanay.
Nanag maringig co itong salita nang quinacaibigan cong matanda, ay nagpaalam na aco sa caniya, at ang uica co lamang:
Maca, pó, cayo,i, nayayamot na sa aquin, dahilan sa pinupuyat co, pó, cayong palagui?
--Hindi, pó, ang sagot ni mamang Basio, hindi, pó, aco nayayamot, bagcus, po,i, malaquing malaqui ang toua cong maquipagsalita sa inyo, palibhasa,i, cayo po,i, marunong cumilala nang catouiran co, ó nang hindi caya catouiran, at marunong din, po, cayong humalang sa aquin, cung baga aco,i, nagcacamali....
III
Aco,i, umoui na; at nang dumating aco sa aquing tinutuluyang bahay, ay guinuguni-guni cong palagui, na cung ano caya ang napapalaman sa casulatang ipaquiquita sa aquing nang caquilala cong si tandang Basio.
Sari-sari ang napapasaisip co; at baga man pinapagpag co, ay hindi co rin maitapon sa aquing calooban ang pagalaala nang naturan cong casulatan; at dahilan dito,i, uala acong catulog-tulog niyong magdamag na yaon.
Caya ang ibig co baga, at ang ninanasa cong totoo,i, sumicat na ang arao, at lumubog tuloy, nang gumabi agad at macaquita aco at macabasa nang inuulit cong casulatan. At, palibhasa,i, ang panahon ay ualang catiguiltiguil sa caniyang paglacad, maigui man, ó masama man ang simoy nang hangin, ó ang singao nang lupa, ay dumating din ang oras, na tinutucoy co sa pagdalao sa aquing quinacaibigang matanda, at agadagad ay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.