catauoan_.
Pagcatapos nang dasal namin, cami, po,i, cumacain nang hapunan, at saca nagsasalitaan cami nang caunting casama nang aming capitbahay at ibang caquilalang napapa roon sa bahay, at pagtugtug nang _á las diez_, ay ligpit na caming lahat sa cani-canilang bahay at banig, at ang minamatouid, pó, nang tatay co, ay masamang totoo, rao, na mapuyat cung gabi ang tauong nagpapaupa, sapagca,t, cung umaga,i, mag aantoc at matatamad tuloy.
Doon, pó, sa buhay at lagay cong yao, ay mayroon acong nararamdamang isang bagay, na di matatalastas co ang pinangagalingan. Aco, pó,i, hindi lumiligao; hindi palagala; hindi palapanaog; uala rin sa loob co ang pag-aasaua; ay, cung baquit, pó, aco,i, guinitian nang pag-ibig sa isang dalagang capitbahay co, pó, at casing edad co naman.
Pinaglabanan co póng totoo, at pinangatauoanan cong patayi,t, bunutin itong minamasama cong binhing tumutubo sa aquing dibdib, at hindi co, pó, macuhang patayin, cundi bagcus, ang damdam co, po,i, lalo,t, lalong lumalago at tumataimtim sa aquing puso. Gayon man, ay pinipiguil cong maigui ang aquing calooban, at hindi aco nagsalita sa babaying yaon nang isa mang uica lamang tungcol sa humahalungcay nang loob co. Cami, pó, lamang ay nagbabatian nang ugaling bati nang manga capitbahay, at siya na, pó.
Subali,t, sa hindi co, pó, matiis itong nangyayari sa aquin, na iquinagugulong totoo nang aquing loob at pag-iisip, tulog man, ó guisin man aco, ay ninanasa cong totoong ipahayag sa nanay co itong bagay na ito; caya, pó, minsang nagcataong cami ni inda ay nag-iisa sa bahay, ay binucsan co ang aquing loob cay nanay, at nag-uica aco sa caniya nang ganon:
Nanay, mayroon, pó acong ibubulong sa inyo; datapoua,t, houag, pó, cayong magalit sa aquin, cung sacali,t, mali ang aquing sasabihin.
Baliu na baliu ca, ang uica sa aquin ni ina. Baquit, aniya, baquit aco,i, magagalit sa iyo, maguing ano ang ibubulong mo sa aquin? Di baga sinabi co,t, ipinagbilin sa iyo, na houag mong ilihim sa aquin ang ano-anomang mangyayari sa iyo, ó nararamdaman mo caya, nang cata,i, gamutin, cung cailangan mo ang gamot; nang cata,i, aliuin cung cailangan mo ang aliu; nang cata,i, hatulan, cung cailangan mo ang matouid na hatol; at nang cata baga,i, _paloi,t,_ parusahan, cung cailangan mo ang palo at parusa? Caya, magsabi ca na, at houag cang matacot, at hindi aco magagalit. ?_Segurong-seguro_, ang dagdag na uica ni nanay _segurong-seguro_ icao,i, may novia, cung caya,i, palico-lico ang iyong salita! Ay ano, di baga totoo?
Baga man, pó, nahiya acong totoo dito sa uinica ni nanay, ay nagpacatapang din aco, at tila,i, nagcaroon nang caunting lacas ang aquing loob, caya ang sagot co sa aquing ina,i, ganito:
Nanay, cung sa natuturang _novia,i,_ uala, pó, acong novia; subali,t, mayroon dito sa ating calapit isang dalaga, na palagui póng sumasagui sa aquing loob at pag-iisip, dahilan sa minamabait cong totoo siya, at minamagaling co naman ang caniyang ugali. Di co, pó, mapagpag-pagpag ang pag-aalaala sa caniya arao,t, gabi. Ano pa, pó? Cung sasabihin co, pó, ang lahat nasasacalooban co, ay sasabihin co, pó, sa inyo, na ang ibig at nasa nang aquing loob, ay ang siya lamang at houag ang iba, ang maguing asaua co, cung baga pahintulutan nang Panginoon Dios, na aco,i, mag-aasaua.
At sino, ang tanong sa aquin ni inda, sino cayang ngalan niyang dalagang sinasabi mo, sapagca,t, dito sa ating calapit ay maraming dalaga?
Ang pangalan, pó,i, Ceciliang anac ni Alguacil Juancho Catouiran, ang sagot co.
?_Ay picaro-picaro_!, ang sigao ni ina. ?Marunong ca palang pumili! At tuloy niyapos aco, gaua, yata, nang malaquing toua niya, at nag-uica sa aquin nang gayon:
Pabayaan mo, Basio, at houag mong alalahanin iyang manga bagay na iyan, at acong bahala sa tatay mo.
Pinabayaan co nga, pó, at hindi na acong umimic tungcol sa manga bagay na yaon; datapoua,t, nang maguing tatlong lingong magmula niyong pagbubulungan naming mag-ina, at casalucuyan caming mag anac ay nag-iisa sa bahay, ay nagtanong sa aquin si tatay nang gayon:
--Ano baga icao, Basio; icao,i, may edad na, gusto mo cayang mag-asaua na?
--Aco, pó, ang sagot co, aco pó,i, sunod sunoran sa inyo; cung ano, pó, ang inyong calooban, ay siya ang calooban co.
--Icao baga,i, may catipan ó novia caya? Sabihin mo sa aquin ang totoo.
--Uala, pó, acong catipan.
--Ay baquit ang sabi sa aquin nang inda mo, na icao,i, may gusto cay Siliang (Cecilia) anac ni Alguacil Juancho?
--Totoo, pó, iyang sinabi sa inyo ni inda, subali,t, uala acong catipan ni salitaan man cay Silia.
Ay ano, gusto mo baga, ó hindi mag-asaua cay Silia?
--Gusto co, pó, cung gusto po, ninyo, cung hindi, ay hindi, po.
--Cung ganoon, ang uica ni tatay, cung ganoon ay sumalunga ca na bucas at tumaga ca nang isang limang punong cauayan, at aco nama,i, magpapacuha nang cugon at ating pag-liguihing icoi-icoi ang manga casiraan nitong ating bahay. Sapagca,t, ang salitaan namin ni Alguacil Juancho, ay sa isang sabado, cung may aua ang Panginoon Dios, ay haharap na cayo ni Silia
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.