anong bilin sa aquin nang maestro; at cung ano,t, anong guinaua co; at cung ano,t, ano pa, pó, na lubhang marami. Sa pagsusulit pong ito,i, ang catotohanan, pó, ang aquing sinasabi at isinasagot, at malaqui póng totoo ang tacot cong magsabi nang casinungalingan sa aquing magulang.
Sa dacong gabi, at pagcatapos nang aming hapunan, na ang cadalasan po,i, canin lamang na ualang ulam, ó mayroon mang ulam, ay caunting bayabas, ó dulong, ó saguin, ó canduli, ó hipon cayá ay quinacalong aco nang aquing ama, ó nang aquing ina, at sari-sari, pó, ang itinuturo nila sa aquin. Mayroon, pó, sa pagdadasal; may sa pagcocompisal; may sa paquiquinabang, may sa paquiquipagcapoua tauo, at sa iba,t, iba pang catungculan nang tauong cristiano, ayon sa inaabot nang canilang pag-iisip, at magandang calooban nila sa aquin.
Dito, pó, sa lagay na ito ay lumalacad nang lumalacad ang panahon, at aco pó,i, macapagcompisal na, at nacapagcomulgar, cung macailan na; at marunong na, pó, acong bumasa, sumulat at nang caunting _cuenta;_ at caalam-alam co ay sumapit na aco sa cabagongtauohan.
Nang magcagayon; aco pó,i, nananaghiling totoo sa capoua cong bagongtauong naquiquita cong gumagala cung gabi, at lumiligao cung saansaan, sa pahintulot nang canilang magulang. Caya, pó, minsan, dala nang aquing capanaghilian, ay nangusap aco sa aquing tatay sa boong galang nang ganito:
Tatay, baquit, pó,i, hindi ninyo acong pahintulutan, na manaog at lumigao-ligao, at sumaaya-saya diyan sa bayan na para bagang naquiquita cong guinagaua nang capoua cong bagongtauo?
Nang maringig, pó, nang tatay co itong aquing capamanhican sa caniya, tila pó,i, natataua-taua, at tila naman namamangot-mangot, nguni,t, hindi siya nagalit, bagcos sumagot sa aquin nang banayad na banayad nang gayon:
Basio, icao,i, anac co; icao ay iisa-isang anac co, na minamahal cong totoo, at minamabait co pa; subali,t, ica,i, batang bata pa; ica,i, isang hangal pa, na hindi pa marunong na cumilala nang manga silo at carayaan nang demonio, nang manga lamang bayan at nang sariling catauoan caya, inaalaala co, na baca sacali, cung cata,i, pahintulutang manaog at lumigao diyang paris nga nang guinagaua nang caramihan nang casingbinata mo, ay lumubog ca sa putican, at palubuguin mo pati ang magulang mo, at mapahamac nang para-para ang ating caloloua. Caya houag cang managhili, Basio, sa maling caugalian nang capoua nating tagalog, na ang sagot nila baga, cung sila,i, sisihing tungcol sa manga ugaling ito, ay: may bait din, anila, ang canilang manga anac; at cung itong canilang anac ay nalulubog na sa guitna nang putican, ay ang quinacatouiran nang magulang ay gayon: _siyang talaga nang Panginoong Dios, bago_ bago,i, casalanan nilang sarili, dahilan sa canilang capabayaan, at dahilan sa capahintulutan nila sa canilang manga anac na lumagay sa panganib na icalulubog nila. Houag mong alalahanin, Basio, iyang manga bagay na iyan, sapagca,t, cung may aua ang Panginoon Dios ay macaquiquita ca rin nang pacacasalan, di man icao,i, lumigao.
Pinaquingan co, pong, maigui itong hatol nang tatay co, at baga man, tila, may cumucutcot at humahalucay sa aquing dibdib, ay umayon aco,t, umalinsunod sa calooban nang aquing magulang nang puspos at lubos na pagsunod; At ngayong oras na ito,i, masasabi co, pó, sa inyo, na aco,i, nagpapasalamat at nagpapasalamat nang maraming-marami sa aquing namatay na ama, dahilan sa magaling na pagtuturo niya sa aquin. Seguro, po,i, mahahango na, pó, ninyo dito sa aquing sinalita ang naguing calagayan co, niyong aco,i, bagong tauo at soltero: subali,t, gayon man, ay sasalaysayin co, pó, sa inyo, na ualang palico-licong sabi.
Ang naguing buhay co, po, niyong panahong yaon, ay ganito. Pag-umagaumaga na madilim pa, ay guiniguising aco nang aquing tatay, ?saan di, pó, at aco,i, matuluguin, palibhasa,i, bata pa!, at pagcabangon, ay nagdadasal cami nang caunting pagpasalamat sa Panginoon Dios, at inumaga caming buhay pa. Tuloy nagsisimba caming dalaua nang tatay, co, cung maaga ang Misa, at hangan cami, pó,i, nasasasimbahan, ay naghahanda ang aquing ina nang ano-anomang maipacain ó maipainom sa aming magtatay, at masama, pó, rao, ang uica ni inda, na cami ay pasasa-trabajo na ualang laman ang sicmura.
Caya pangagaling, pó, namin sa Simbahan ay cumacain po, cami, ó humuhigop caya nang balang nacayanan ihanda ni ina, at siya na, pó, yaon na, pó, cami nang tatay sa amin-aming guinagua, na ualang oui sa bahay cundi nang sangdaling oras sa _pag-aalmorsal_, nang dacong a las nueve, at saca sa pagcain nang tanghaliang pagtugtog nang a las doce, cung sacali,t, hindi, pó, cami pinacacain nang may patrabajo ó nagpapagaua sa amin.
Pag-oui, pó, namin cung gabi, na pagcatapos nang aming gaua, ay pinahahapon co, pó, ang aming manga hayop, ó liniligpit co caya ang manga casangcapang aming guinamit. Nagpapahinga, pó, cami nang caunti, at tuloy nagdadasal cami nang santo Rosario, na ualang capallapalla gabi-gabi, maguing ano ang hirap nang catauoan namin ni tatay. Ang minamatouid ni Ina, cun cami dumadaing, ay ganoon: _Ang pagdarasal, aniya, nang santong Rosariong gabi-gabi, ay hindi nagbibigay-pagod, cundi bagcus isang malaquing caguinhauahan nang caloloua,t,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.