cabezang Dales.
--Ano caya ang hinahañgad mo, ó hinahabol mo baga sa anac mong si
Próspero, dito sa pagpapaluas mo sa caniya sa Maynila?
--Uala, po, acong ibang hinahabol at ninanasa sa aquing anac cundi ang
siya,i, matuto nang caunti sa Maynila.
Ay ano, ang ulit nang Cura, ay ano, di baga siya,i, marunong nang
dasal?
--Marunong, pó.
--Di baga siya,i, marunong bumasa, sumulat at nang manga cuenta pa?
--Aua, pó, nang Pañginoon Dios, ay naalaman nang anac co iyang
mañga bagay na iyan.
--Di caya maalam si Próspero nang _mag-araro_, mag-alaga nang
calabao, mañgahuy, at nang iba,t, iba pang tungcol sa inyong
pagcabuhay, at nang ucol naman sa mañga catungculan nang tauong
cristiano?
--Iyan póng lahat na iyan ay naalaman din ni Proper.
--Cung ganoon, ang uica nang Cura, cung ganoon; ano pa ang
hinahabol mo, ó hinahanap mo cay Próspero?
--Ang ibig co, pó lamang, Amo, ang uica ni Dales, ay ang mag-aral si
Prospero nang caunting paquiquipagcapoua tauo, at natatanto rin, pó
ninyo, na dito sa ating bayan, ay hañgal na hañgal ang tauo, na halos
hindi marunong sumagot, cung causapin ninyo, cundi tanuñgin po,
ninyo silang tungcol sa mañga calabao, mañga palayan, mañga caiñgin
ó ibang ganito.
--Totoo iyang salita mo, Andrés; subali,t, talastasin mo namang maigui,
na malaquingmalaquing camaliang umasa, na ang isang puno nang
sampaloc ay mamuñga nang bayabas, at isang, puno nang bayabas ay
mamuñga nang sampaloc. At itong camaliang ito,i, nasasainyong lahat
halos, na bihirang-bihira ang hindi nararamay sa camaliang ito. Caya
ang nangyayari sa caramihan ninyong mañga indio, maguing tagalog,
maguing visaya, maguing vicol, pangpango, ilocano, etc. etc. etc., ay
gayon:
Mayroon cayong caunting salapi, at magcaanac cayo nang lalaqui, at
capagcaraca,i, tinutucso cayo nang demonio, ó nang inyong capoua
tauo, ó nang inyong sariling cahunghañgan ó capalaluan, na paluasin
baga ninyo sa Maynila ang inyong anac na lalaqui, nang doon siya,i,
mag-aral; at hindi ninyong sinusubucan muna,t, pinagmamasdan itong
inyong anac, cung mabait baga at matalinong siya, ó matalas caya ó
mapurol ang caniyang ulo, ang caniyang pagiisip, sa macatouid.
Ang inyong guinagaua lamang sa mañga cataonang ganito, at ang
inyong iniisip at guinugunam-gunam lamang, ay cung quinacaya baga
ninyo, ó hindi quinacaya ang pagbabayad nang pag-aaral at pagtira
nang inyong anac sa Maynila; at cung baga inaacala ninyong
nacacayanan din, ay isinusulong ninyo ang inyong banta,t, calooban, at
siya na.
Dahilan dito sa inyong asal, ang nangyayaring cadalasa,i, natutunao
lamang ang inyong salapi, at ang mañga anac ninyo,i, ualang ibang
pinag-aaralan sa Maynila, cundi mañga capillohan, casalauolaan,
capalamarahan, at iba,t, iba pang masasamang ugali.
Cung dito, ang tuloy na salita nang aming mahal na Padre Cura, cung
dito sa anac mong si Próspero ay masasabi co sa iyo, na minamabait
co,t, minamagaling cong tauo, at inaari co siyang mabuting cristiano at
masunuring anac. Subali,t, cung sa aquing pagtiñgin, cung aquing
pagmamasid sa caniya, ay tila,i, may capurulan ang caniyang ulo, caya
inaalaala co, na baca sacali,t, cung paluasin mo siya sa Maynila, ay
hindi lamang hindi matuto ang inaacala mong matutuhan niya roon,
cundi bagcus ay masira at mauala pa ang caniyang cabaita,t, cagalingan,
at ang humalili dito,i, ang capusuñgan at capalaluhan.
Caya ang hatol co at ang aquing sagot sa mañga ipinahayag mo at
itinanong mo sa aquin ay gayon: Houag mong paluasin si Próspero sa
Maynila: sapagca,t, ñgayon siya,i, mabait na anac, mahusay na binata,
masunuring cristiano at mabuting cababayan; ñguni,t, cung paluasin mo
siya,i, hindi natin naalaman ang caniyang casasapitan.
--Salamat, pó, ang ulit ni cabezang Dales,salamat, pó, at co,i, inaaralan
ninyo,t, hina, hatulan nang magagaling; datapoua,t, cundi icagagalit
nang aquing Panginoon, ay mayroon, pó, acong sasabihin sa inyo.
--Hindi, ang banayad na sagot nang aming Cura, hindi aco magagalit:
caya magsabi ca nang balang maguing calooban mo, at sasagutin co
nang macacayanan co.
--Ang aquin pong sasabihing ayon sa inaabot nang mababao cong
pag-iisip, ay ganito: ang uica ni cabezang Dales. Na tila po,i, ang laman
nang mañga sinalita ninyo sa aquin, ay ang houag bagang mag-aral
caming mañga indio nang mañga iba,t, ibang naalama,t, pinag-aaralan
ninyong mañga castila.
--Hindi at hindi, ang biglang sagot nang Cura, hindi iyan ang cahulugan
nang mañga sinalita co sa iyo. Maling-mali, Andrés, ang caisipan mo.
At cung sa aquin, ay hindi lamang hindi co inaalis, cundi minamagaling
cong totoo, na ang mañga indio, mag-aral nang balan nang carunuñgan
maguing sa pagmemedico, maguing sa pagmamaestro, maguing sa
pagpapare, maguing sa _pag-aabogado_, ó iba,t, iba cayang mañga
oficio at calagayan natin dito sa mundo.
Baquit aco,i, magsasaloob nang ganiyan, at mayroon acong
naquiquilalang mañga Pare, mañga _Médico_, mañga Abogado, na
para-parang mañga indio, na mahusay na mahusay sila sa cani-canilang
catungculan, at naguing uliran pa sila nang ibang mañga Pare, mañga
_Médico_ at mañga _Abogado_? Ang ipinipintas co lamang sa inyo:
pacatandaan mong maigui, Andrés; ang ipinipintas co lamang sa
inyong mañga
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.