nang iba pang nauucol sa pagcabuhay, at sa
paquiquipagcapoua tauo. ¿Ano pa?; Ang pananamit nilang magcapatid,
at ang quilos man nang canilang catauoan, ay tapat na tapat, na ualang
cahalong capalaluan ó calibugan.
¡Ay cung baquit naisipan nang magasaua ni cabezang Dales, na
paluasin ang canilang anac na si Prospero sa Maynila nang mag-aral
doon, anila, nang caunti!
¡Hindi co maiisip, hindi co naalaman, cung sinong manunucsong tauo,i,
naguudioc sa canila sa gayong bagay!
Nang mabalitaan ni Felicitas itong manga naisipan nang caniyang
magulang ay nalumbay siyang totoo; at sa malaquing caramdaman
nang caniyang loob, ay nangusap siya sa caniyang tatay nang ganito:
--¿Totoo, pó, baga, tatay, na paluluasin, po, ninyo si Próspero sa
Maynila?
--Oo, ang sagot nang caniyang ama.
--¿At ano,t, paluluasin, pó, ninyo?
--¡Balio ca! ang sigao ni cabezang Dales, ¡baliu ca!, nang siya,i,
mag-aral-aral sa Maynila nang iba,t ibang hindi mapag-aralan dito sa
atin na para-para tayo,i, manga hañgal, na ualang naalamang iba cundi
cumain at mag-araro.
--Maano pó, tatay, ay houag, pó, ninyong paluasin si Próspero.
--¿At baquit?
--Ayuan co pó; subali,t, masasabi co, pó, sa inyo, na
masamang-masamang totoo ang cotug nang aquing loob, at
malaquing-malaqui, pó ang tacot co, na baca sacali,t, mapahamac ang
aquing capatid, na minamahal at manamabait co póng totoo, cung
paluasin, pó, ninyo siya sa Maynila.
--Houag cang magbaliu-baliu, Pili, ang sagot ni cabezang Andrés.
¿Baquit, aniya, mapapahamac ang capatid mong si Proper, ganiyang
cabait siya, paluasin co man siya sa Maynila?
--Hindi, pó, aco macasagot sa inyo; datapoua,t, di baga naquiquita pó
ninyo, ó nabalitaan caya, ang nangyayari sa caramihan nang batang
pinapag-aral sa Maynila, na mababait na mababait sila, nang sila,i,
umalis sa casiping nang canilang magulang, at pag-oui, pó, nila sa
canicanilang bayan, ay iba na ang canilang asal at ugali; na tabi sa di
gayon, ay ualang-uala silang naalaman, cundi lumigao at gumala
oras-oras; magsoot nang matitigas, at lumayao sa catauoan?
--Di baga naquiquita, pó, ninyo, ó nabalitaan caya, na pangagaling sa
Maynila niyong mañga nasabi cong bata, at cahit ano ang natutuhan
nila doon; ay pagdating, pó, rito sa bayan, ó sa bayang canilang
pinagbubuhatan; ay hindi na sila marurunong gumalang sa matatanda,
at ang pagpupugay man pó, sa mañga puno, at sa mañga Sacerdote ay
hindi na guinagaua?
Di baga naquiquita, pó, ninyo, ó nabalitaan caya, na ang caramihan
nating mañga tagalog, tabi sa di ganoon, na nag-aaral sa Maynila, ay
ualang ibang natutuhan doon cundi ang dilang capalamarahan sa
canilang capoua tauo?
Cayo, póng bahala, tatay; cayo rin, pó, ang aming susundin; nguni,t,
ipinamamanhic co póng totoo sa inyo, na bago pó, paluasin ninyo si
Proper, ay cumuha, pó, cayo muna nang tanong at sanguni sa ating
mahal na Padre Cura, ó sa iba cayang nacacaalam; maca, pó, sacali; ang
inyong casasapitan, ay malayong-malayo sa inyong hinahañgad.
At saca, pó, tatay; ay alalahanin, pó, ninyo, na sa pagcacamit nang
Lañgit, ay hindi cailañgang mag-aral muna nang uicang castila at
_cánones_, ó cung ano pong ñgalan niyong pinag-aaralan nang mañga
estudiante sa Maynila, at madalas naringig co, pó, sa mañga Confesor,
at binasa co pa sa mañga libro, na, cung sa Pañginoon Dios, ay ualang
castila, ualang tagalog, ualang ingles, ualang inchic, ualang mahirap,
ualang mayaman, ualang marunong at ualang hañgal; tayo,i,
para-parang hohocoman niya, at ayong sa ating mañga gaua, ay ganoon
din ang caniyang ganti ó parusa sa atin.
Baga man ticang-tica nang loob ni cabezang Andrés, na paluluasi,t,
paluluasin sa Maynila ang caniyang anac, na si Próspero, ay
pinaquingan din ang matouid, at malaman, at mainit na salita ni
Felicitas; at baga man hindi sumagot cay Pili, doon sa oras na yaon,
nang isa mang uica, ay nang quinabucasan niyon, ay naparoon si
cabezang Dales sa Convento, hinanap niya ang aming mahal na Padre
Cura, at doon cumuha nang sanguni.
Ang Cura dito sa amin, niyong panahong yaon, ay baga man castila,
(siya,i, Franciscano na paris nang mañga hinalinhan niya, at nang
mañga humalili sa caniya), baga man castila, anaquin, ay tagalog na
tagalog cung sa pañguñgusap; at palibhasa,i, matagal siyang totoo dito
sa catagaloga,i, naalaman niya ang lahat na mañga asal at ugali naming
mañga indio. Caya nang humarap sa caniya si cabezang Dales, at
ipinahayag sa caniya ang talagang isasanguni sa caniya, ay sinagutan
siya nang aming cagalang-galang na Padre Cura nang isang mahaba at
malinao na sagot, na sasaclauin co dito sa maicsing salitang susunod:
--Mabuting-mabuti ang uica nang Padre Cura, mabuting-mabuti ang
inaacala mo, Andrés; palibhasa,i, maigui ñga na ang tauo,i, mag-aral
nang mag-aral, hangang macacayanan niya, nang mañga bagay-bagay
na carunuñgan, macatutulong sa caniya sa mañga iba,t, ibang calagayan
natin dito sa lupa. Caya, naguing cauicaan nang mañga pantas na
marurunong, na _ang carunuñgan ay hindi nacabibigat, cundi
nacagagaan nang mañga pasan natin dito sa mundo_. Nguni,t, mayroon
acong itatanong sa iyo.
--Cayo póng bahala, ang uica ni
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.