indio, at ang minamasamang totoo nang aquing calooban,
ay ang ualang casinghamac na ugali ninyo, na pag nagcacaroon cayo
nang caunting cuarta, cung mayroon cayong mañga anac na lalaqui ay
agadagad paluluasin ninyo sa Maynila itong inyong mañga anac, nang
mag-aral doon, aninyo, cahit casingtigas nang batobalani ang canilang
ulo, at uala silang cabait-bait.
Caya, ang uica co sa iyo cañgina, at inuulit co ñgayon, at uulitin cong
magpacailan man, na, ang caramihan, sa macatouid baga, na sa
sanglibong indiong nag-aaral sa Maynila, ay ang siam na raan at limang
puo,i, ualang ibang natutuhan doon cundi mañga capalaluan, mañga
casalbahian, mañga casalauolaan, mañga calayauan nang catauoan at
ibang ganganito, at tinutunao pa nila ang salapi nang canilang
magugulang.
Dito rin sa ating bayan ay mayroong maipaghalimbaua aco sa iyo:
Ano caya ang naalaman ni Basteng anac nang nasirang Maestrong
Sensio, ganoong catagal siya sa Maynila, na cung sa aquing balita,i,
mayroong ualo ó siam na taon siya roon?
Ay ualang-ualang iba, cung sa naquiquita co at pinagmamasdan, cundi
ang pagsosoot nang matitigas; ang pagmamarunong; ang
pagpapaquialam min sa lahat nang bagay; ang pambababayi; ang
pagbabañgon nang usap sa mañga ualang casaysayan, at ang
pagpapalalo sa lahat. At saca hindi sila nagcocompisal sa panahon nang
Santa Cuaresma, at magsimba man sila, cung Domingo at Fiestang
pañgilin, ay hindi guinagaua nila ito alangalang sa pagsunod sa utos
nang santa Iglesia, cundi nang sila,i, maquita, at sila nama,i, macaquita.
At bucod dito,i, hinihicayat pa nila ang ibang tauo sa paggaua nang
canilang guinagaua.
Di baga totoo ito, Andrés? Icao rin ang magsabi, at mayroon canamang
mata, tayiñga at pag-iisip na paris co. Di baga totoo itong aquing
sinasalita sa iyo?
--Houag, pó, ang sagot ni cabezang Dales, houag póng maguing
casiraan nang puri nang capoua tauo; datapoua,t, ay totoong-totoo ang
inyong sinasalita, at siyang naquiquita co, at naquiquita nating lahat
dito sa bayan.
--Cung gayon, ang uica nang Cura, cung gayo,i, acalain mo, Andrés, ó
hugutin mo caya dito sa nangyari at sa nangyayari cay Isco, cay Julian
at cay Baste, acalain mo, anaquin, cung ano ang mangyayari sa anac
mong si Próspero, cung paluasin mo siya sa Maynila.
--Salamat, pó, ang uinica ni cabezang Dales sa Cura, salamat, pó, nang
maraming-marami, at cung sana sa bulag, ay pinamumulat, pó, ninyo
ang aquing mata. Aco, po,i, nagpapaalam na sa inyo, cung uala, pó,
cayong ipag-uutos sa aquin.
--Adios, Andrés, ang uica nang Cura, adios, Andrés, at houag mong
pahamacan itong hatol ó pañgañgaral co sa iyo, sapagca,t, hindi
nangagaling sa isang biglang sompong, cundi sa isang matagal at
sadyang pagmamasid co nang inyong mañga ugali at
paquiquipagcapoua tauo....
Yumaon na si cabezang Dales sa Convento, at nagtuloy sa caniyang
bahay, at palibhasa,i, balisa ang loob ni Felicitas, ay sinalubong niya sa
pinto ang caniyang ama, at inosisa sa caniya, cung ano caya ang
naguing hatol sa caniya nang Padre Cura, at ang sagot nang caniyang
tatay ay ganoon:
--Ang hatol sa aquin nang ating Cura ay paris din nang hatol mo, na
houag co bagang paluasin si Proper, na baca sacali, aniya,i, mapahamac.
Datapoua,t, isipin co ma,t, isipin, ay hindi co matatalastas, cung baquit
mapapahamac itong anac co, cung papag-aralin co siya nang caunti sa
Maynila.
--Tatay, ang maamong uica ni Pili; tatay, maano, po,i, sundin, pó, ninyo
ang hatol nang ating mahal na Cura, sapagca,t, siya ang ama nang ating
caloloua, at _segurong-seguro_, po,i, hindi ihahatol niya sa inyo nang
gayon, cundi talastas niya, na siyang matouid at tapat sa cagaliñgan
natin.
--Siya ñga, ang uica ni Dales, siya ñga, ñguni,t, tila nagugulo ang
aquing pag-iisip, at ang loob co,i, catua, sapagca,t, hindi co matantong
maigui ang tunay na cahulugan nang mañga quinacatouiran sa aquin
nang ating cagalang-galang na Padre Cura.
--Pabayaan, pó, ninyo, tatay, ang ulit ni Pili, pabayaan, pó, ninyo, tatay,
iyang pag-iisip na iyan, at houag, pó, ninyong alalahanin iyang mañga
bagay na iyan. Cung ano, pó, ang hatol sa inyo nang ating mahal na
Padre Cura, ay siya pó, ang inyong sundin, at hindi, pó, cayo
magcacasala sa ating Panginoong Dios.
Pagcasalita nang gayon ni Felicitas ay umalis na ang caniyang ama at
nagtuloy sa mañga pag-gaua niya sa buquid; at buhat niyo,i, hindi
pinag-uusapan nila itong mañga bagay na ito; caya lagay na lagay ang
loob ni Pili, at ang boong acala niya,i, hindi na paluluasin si Próspero
sa Maynila.
Datapoua,t, nang maguing tatlong lingong magmula nang pagharap ni
Dales sa aming Cura, at casalucuyang pinaguusapan nang mag-ina ni
Felicitas itong di pagluas ni Próspero sa Maynila, at casalsalang
ipinahahayag ni Pili sa caniyang ina ang malaquing toua niya dahilan
sa hindi pag-alis nang capatid, ay siyang pagdating ni cabezang Andrés,
at capagcara,i, tinauag niya ang mag-ina, at iniutos sa canila nang isang
masiquip na utos, na agad-agad, ang uica, ay bumili sila nang cáyo at
gumaua sila nang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.