ang napapasaisip co; at baga man pinapagpag co, ay hindi co
rin maitapon sa aquing calooban ang pagalaala nang naturan cong
casulatan; at dahilan dito,i, uala acong catulog-tulog niyong magdamag
na yaon.
Caya ang ibig co baga, at ang ninanasa cong totoo,i, sumicat na ang
arao, at lumubog tuloy, nang gumabi agad at macaquita aco at
macabasa nang inuulit cong casulatan. At, palibhasa,i, ang panahon ay
ualang catiguiltiguil sa caniyang paglacad, maigui man, ó masama man
ang simoy nang hangin, ó ang singao nang lupa, ay dumating din ang
oras, na tinutucoy co sa pagdalao sa aquing quinacaibigang matanda, at
agadagad ay naparoon aco sa caniyang bahay.
Nang aco,i, dumating sa bahay nang matanda, ay nagrorosario pa
silang mag-anac; caya aco,i, nag-antay, at umupo aco sa liputan nang
bacuran, hangan sa natapos ang canilang pagdarasal.
Pagcatapos nang canilang dasal, ay sumungao si tandang Basio sa
bintana, at pagcaquita sa aquin, ay sumigao nang gayon:
--¡Aba! ¡cayo, po, pala,i, naririyan! Cami, po,i, inyong patatauarin, at
cayo, po,i, pinaantay namin diyan sa hamogan.
--Uala, pó, ang sagot co, uala, pó, acong sucat na ipatauad sa inyo, at
uala, pó, cayong casalanan, sapagca,t, inaagapan co ang aquing
pagparito.
--¿At comusta, pó, cayo? Cayo, pó, yata,i, naligo cangina sa bucal.
--Siya nga, pó, ang aquing sagot, doon aco,i, naligo canginang umaga,
at namaril acong tuloy nang caunting oras sa manga tabing palayan.
Pagcatapos nitong aming pagbabatia,t, pagcocomustahan, ay pumanhic
na aco sa canilang bahay, at capagcaraca,i, sumigao si tandang Basio
nang gayon: ¡Silia! ¡Silia!... cunin mo yaong balutang natatabi sa loob
nang aquing caban, doon sa ilalim nang manga damit.
Pagca maya-maya,i, ito na si tandang Siliang may taglay ang naturang
balutan na iniabot sa caniyang asaua. Binuclat ni matandang Basio, at
hinango roon ang isang parang librong munti, at ang uica niya sa aquin:
--Ito, pó, aniya, ang casulatang sinabi co sa inyo cagabi. Cung gusto, po,
ninyong basahin, ay basahin, pó, ninyo, at cung ang gusto po, ninyo, na
aco,i, siyang bumasa, ay babasahin co, pó.
--Cayo, na, pó, ang aquing sabi cay tandang Basio, cayo na, po, ang
bumasa, at paquiquingan co.
--Salamat, pó, cung siya ang inyong gusto. Subali,t, bago cong sapulan
ang pagbasa nito,i, mayroon, po, acong ipahahayag sa inyo.
--Cayo, pó, ang bahala; at aco,i, ayunayunan sa inyo.
--Salamat, pó, ang ulit nang matanda, at tuloy nag-uica sa aquin nang
gayon:--Ito pong casulatan, ay guinaua nang aquing tatay, at palibhasa,i,
siya,i, capoua co ring hangal, ay _segurong-seguro_ po,i, maraming
mapipintasan ninyong salitang hindi matotouid. Datapoua,t, cung sa
laman, pó, ay totoong-totoo ang nalalaman dini; at cung caya,i,
pinatotoohanan co, sapagca,t, inabot co at naquilala co rin ang lahat
nang tauong nasasambit dito sa tinatangnan cong libro.
--Houag, pó, cayong, ang sagot co; houag, po, cayong mag-alaala niyan
at nang anoman, at aco,i, isa ring hangal. Ang ibig co, pó, lamang ay
matalastas co ang laman niyang casulatang hinahauacan ninyo; caya,
cung baga minamatapat, pó, ninyo, ay inyong sapulan na.
--Cung ganoon, pó, ay inyo, pong paquingan, at aco,i, sasapol na.
--Pagcasagot nang ganito ni tandang Basio, ay lumapit siya sa ilao,
binuclat niya ang casulatan, pinahiran nang _paño_ ang caniyang mata,
suminga nang caunti, tumic-him pang dahan-dahan, at binasa niyang
tuloy itong manga susunod, na isinalin co dito sa papel, na ualang
culang at ualang labis:
IV
Buhay nang isang mag-anac na tagarito sa Tanay.
Sa taong sanglibo, ualong daan at labing tatlo,i, mayroon dito sa bayan
nang Tanay isang mag-anac na mayaman at mabait. Aapat silang
catauo: ang ama,t, ina baga, at dalaua nilang anac, bucod ang manga
alila.
Ang ngalan nang ama ay si D. Andrés Baticot na Cabezang pasado, na
cung tauaguin dito,i, si cabezang Dales; ang pangalan nang ina, ay si
D.a Maria Dimaniuala, na cung tauaguin ay si cabezang Angi; at ang
ngalan naman nang canilang dalauang anac, ay si Prospero ang lalaqui,
at si Felicitas ang babayi, na cung tauaguin ay si Proper at si Pili.
Dito sa boong bayang ito,i, uala cayong ibang mariringig cundi manga
pagpupuri sa naturan cong manga tauo, palibhasa,i, mababanal sila,t,
masimbahin; maauain sa manga pobre at mahihirap na tauo;
masusunurin sa manga utos nang Dios, nang Padre Cura, at nang
manga Justicia na cung sabihin co sa catagang uica at: ualang-ualang
sucat ipagpintas sa canila sa ano pa mang bagay.
Lumaqui itong dalauang anac ni cabezang Dales, at naguing bagong
tauo at dalaga, at baga man anac sila nang mayayaman, ay sila
una-una,i, gumugusar nang manga catungculan nang bagong tauo at
dalaga sa panahong yaon, sa pagrorosario baga, sa pagsisimba cung
sabado, sa pagdarasal, sa paggamas sa patio nang Simbahan, at sa iba,t,
iba pang ugaling gauin nang manga bagongtauo at dalaga.
Mahusay sa mahusay ang asal nitong dalauang magcapatid, na si Pili,
baga at si Proper. Marurunong din sila nang manga catungculan nang
tauong cristiano at
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.