Si Tandang Basio Macunat | Page 4

Fray Miguel Lucio y Bustamante
co, pó, ang aming manga hayop, ó liniligpit co caya ang
manga casangcapang aming guinamit. Nagpapahinga, pó, cami nang
caunti, at tuloy nagdadasal cami nang santo Rosario, na ualang
capallapalla gabi-gabi, maguing ano ang hirap nang catauoan namin ni
tatay. Ang minamatouid ni Ina, cun cami dumadaing, ay ganoon: _Ang
pagdarasal, aniya, nang santong Rosariong gabi-gabi, ay hindi
nagbibigay-pagod, cundi bagcus isang malaquing caguinhauahan nang
caloloua,t, catauoan_.
Pagcatapos nang dasal namin, cami, po,i, cumacain nang hapunan, at
saca nagsasalitaan cami nang caunting casama nang aming capitbahay
at ibang caquilalang napapa roon sa bahay, at pagtugtug nang _á las
diez_, ay ligpit na caming lahat sa cani-canilang bahay at banig, at ang
minamatouid, pó, nang tatay co, ay masamang totoo, rao, na mapuyat
cung gabi ang tauong nagpapaupa, sapagca,t, cung umaga,i, mag aantoc
at matatamad tuloy.
Doon, pó, sa buhay at lagay cong yao, ay mayroon acong
nararamdamang isang bagay, na di matatalastas co ang pinangagalingan.
Aco, pó,i, hindi lumiligao; hindi palagala; hindi palapanaog; uala rin sa
loob co ang pag-aasaua; ay, cung baquit, pó, aco,i, guinitian nang
pag-ibig sa isang dalagang capitbahay co, pó, at casing edad co naman.
Pinaglabanan co póng totoo, at pinangatauoanan cong patayi,t, bunutin
itong minamasama cong binhing tumutubo sa aquing dibdib, at hindi co,
pó, macuhang patayin, cundi bagcus, ang damdam co, po,i, lalo,t,
lalong lumalago at tumataimtim sa aquing puso. Gayon man, ay

pinipiguil cong maigui ang aquing calooban, at hindi aco nagsalita sa
babaying yaon nang isa mang uica lamang tungcol sa humahalungcay
nang loob co. Cami, pó, lamang ay nagbabatian nang ugaling bati nang
manga capitbahay, at siya na, pó.
Subali,t, sa hindi co, pó, matiis itong nangyayari sa aquin, na
iquinagugulong totoo nang aquing loob at pag-iisip, tulog man, ó guisin
man aco, ay ninanasa cong totoong ipahayag sa nanay co itong bagay
na ito; caya, pó, minsang nagcataong cami ni inda ay nag-iisa sa bahay,
ay binucsan co ang aquing loob cay nanay, at nag-uica aco sa caniya
nang ganon:
Nanay, mayroon, pó acong ibubulong sa inyo; datapoua,t, houag, pó,
cayong magalit sa aquin, cung sacali,t, mali ang aquing sasabihin.
Baliu na baliu ca, ang uica sa aquin ni ina. Baquit, aniya, baquit aco,i,
magagalit sa iyo, maguing ano ang ibubulong mo sa aquin? Di baga
sinabi co,t, ipinagbilin sa iyo, na houag mong ilihim sa aquin ang
ano-anomang mangyayari sa iyo, ó nararamdaman mo caya, nang cata,i,
gamutin, cung cailangan mo ang gamot; nang cata,i, aliuin cung
cailangan mo ang aliu; nang cata,i, hatulan, cung cailangan mo ang
matouid na hatol; at nang cata baga,i, _paloi,t,_ parusahan, cung
cailangan mo ang palo at parusa? Caya, magsabi ca na, at houag cang
matacot, at hindi aco magagalit. ¡_Segurong-seguro_, ang dagdag na
uica ni nanay _segurong-seguro_ icao,i, may novia, cung caya,i,
palico-lico ang iyong salita! Ay ano, di baga totoo?
Baga man, pó, nahiya acong totoo dito sa uinica ni nanay, ay
nagpacatapang din aco, at tila,i, nagcaroon nang caunting lacas ang
aquing loob, caya ang sagot co sa aquing ina,i, ganito:
Nanay, cung sa natuturang _novia,i,_ uala, pó, acong novia; subali,t,
mayroon dito sa ating calapit isang dalaga, na palagui póng sumasagui
sa aquing loob at pag-iisip, dahilan sa minamabait cong totoo siya, at
minamagaling co naman ang caniyang ugali. Di co, pó,
mapagpag-pagpag ang pag-aalaala sa caniya arao,t, gabi. Ano pa, pó?
Cung sasabihin co, pó, ang lahat nasasacalooban co, ay sasabihin co, pó,
sa inyo, na ang ibig at nasa nang aquing loob, ay ang siya lamang at
houag ang iba, ang maguing asaua co, cung baga pahintulutan nang
Panginoon Dios, na aco,i, mag-aasaua.
At sino, ang tanong sa aquin ni inda, sino cayang ngalan niyang
dalagang sinasabi mo, sapagca,t, dito sa ating calapit ay maraming

dalaga?
Ang pangalan, pó,i, Ceciliang anac ni Alguacil Juancho Catouiran, ang
sagot co.
¡_Ay picaro-picaro_!, ang sigao ni ina. ¡Marunong ca palang pumili! At
tuloy niyapos aco, gaua, yata, nang malaquing toua niya, at nag-uica sa
aquin nang gayon:
Pabayaan mo, Basio, at houag mong alalahanin iyang manga bagay na
iyan, at acong bahala sa tatay mo.
Pinabayaan co nga, pó, at hindi na acong umimic tungcol sa manga
bagay na yaon; datapoua,t, nang maguing tatlong lingong magmula
niyong pagbubulungan naming mag-ina, at casalucuyan caming mag
anac ay nag-iisa sa bahay, ay nagtanong sa aquin si tatay nang gayon:
--Ano baga icao, Basio; icao,i, may edad na, gusto mo cayang
mag-asaua na?
--Aco, pó, ang sagot co, aco pó,i, sunod sunoran sa inyo; cung ano, pó,
ang inyong calooban, ay siya ang calooban co.
--Icao baga,i, may catipan ó novia caya? Sabihin mo sa aquin ang totoo.
--Uala, pó, acong catipan.
--Ay baquit ang sabi sa aquin nang inda mo, na icao,i, may gusto cay
Siliang (Cecilia) anac ni Alguacil Juancho?
--Totoo, pó, iyang sinabi sa inyo ni inda, subali,t, uala acong catipan ni
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 33
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.