Si Rizal at ang mga Diwata | Page 2

Jose N. Sevilla
akitin si Rizal; Akitin mo
Kagandahan, Ganda ang iyong ialay.
Kagandahan:--Siya'y aking lalambingan.
Anangki:-- Ikaw naman Kasayahan Pilitin mong siya'y mapukaw.
Kasayahan:--Sa puso'y siyang bubuhay.
Anangki:-- Tulungan mo Karangalan Gayumahi't nang masilaw
Karangalan:--Aalayan ko ng dangal.
Anangki:-- Akitin mo Kayamanan Ng salaping makikinang.
Kayamanan:--Sisiluin ko ng yaman.
Anangki:-- Hayo na at siya'y lapitan At gisinging malumanay.

AWITIN:
Mga Diwata:-- Tayo na't ating gisingin Halina't atin siluin Alayan natin
ng lambing Upang siya'y sumaatin.
Rizal, Rizal, gumising na Silayan kami ng mata Asahan mong liligaya't
Malilimot ang balisa.
SALITAAN.
Anangki:-- Rizal, Anó't namamanglaw? Baki't ka ba nagdaramdam?
Sabihin mo, iyong tura't Ako'y handa sa pag-damay
Rizal:-- Dahilan kay Inang mahal Na nagagapos ng lumbay.
Anangki:-- ¡Ah! Yaon ang dahilan Ng di mo ikatiwasay? Ibig mong
aking lunasan Ang mga sakit sa buhay?
Rizal:--(sa sarili) ¡Oh pusong napakarangal! (sa kausap) Kayo ay
pagtatapatan Ang tanging pag-asa, ang Kabinataan, Ang nangatuturing
na mga panganay Ang dapat lumunas, ang dapat dumamay Ay na nga
hihimbing, at nalilimutang Sila'y may ina pang dapat paglingkuran.
Anangki:--Dahil lamang doon, ikaw ay nalumbay? Ayokong makitang
sino may lumuha, Kaya't tangapin mo ang aking kalinga. Ako'y si
Anangki. Ako'y si Tadhana. Nariyat kasama ang tanang Diwata.
(tatawag) Kagandahan: Siya, kayo'y magpasasa Pawiin kay Rizal ang
bakas ng luha Iyong ipatantong ikaw ang Hiwagang Hinababol-habol
ng tanang Makata.
At siya'y suyuin ng boong pag-giliw, Sa kanya'y idulot ang timyas ng
lambing, Siya'y dalhin mo sa mga tanawin Ng mga pangarap.
Kagandahan:--Akin pong gagawin.
(Lalapit at hahawakan si Rizal)
Halína, halina sa bayan ng tuwa, Limutin na Rizal ang mga pag-luha,

Puso ko't puso mo'y mag-iisang diwa At magasusumisid sa dagat
"biyaya".
Ikikitil kita ng mga bulaklak At siyang idadampi sa pusong may hirap
Kita'y susuubin ng aking pag-liyag Ng sa pighati mo'y siyang maging
lunas, Siya na ang sakit.
Rizal:--(alinlangan) Hindi ko magawang Agad na sumimsim ng ala'y
mong tuwa; Ang Ina ko'y siyang sumasagunita Mandi'y nakikitang
lunod na sa luha.
Kagandahan:--Pawiin sa loob ang tanang ísiping Makapagdudulot ng
dusa't hilahil At ngayo'y panahong ating tamasahin Ang galak sa buhay
na sumasaatin.
Buklatin ang pusong iyong iyo lamang, Tanging makikita'y pagsintang
dalisay Tahas masasabing tanging-tanging ikaw Ang itinitibok ng puso
ko't buhay.
Pawang tuwa't suyo, ang ipakikita Ng nananabik kong puso sa
pagsinta't Di ka babahiran bahagya mang dusa.
Rizal:--Tunay ang sabi mo?
Anangki:--Yao'y nasulat na, Nang lalong maganap ang dulot kong alay
Ngayo'y kilalanin ang isa pang abay.
(Tatawag) Kasayahan ... Lapit: Siya ay alayan Ng tanging samyo mong
kabangubanguhan. Ang mga mata mong kapilas ng langit, Ay tanging
kay Rizal dapat mong ititig; Ang masayang ngiting sa dusa'y pambihis,
Ang mabining kilos na nakasakit Ang mahinghing anyo, ang timyas ng
halik,
Ang gandang sariwang laging nagtatalik, Ang matang mapungay, ang
diwang malinis, Idulot kay Rizal.
Kasayahan:--Ganap na ang nais!

Rizal:--(Hangang-hanga) Ito kaya'y tunay?
Kasayahan:--Hindi panaginip.
Anangki:--(tatawag) Karangalan ... Siya ay iyong putungan Ng
nakahihiling iyong katangian: Gawin mong si Rizal ay laging hangaan
Sa boong daigdig ng lalo mang paham. Ibig kong makita na siya'y
kapiling Ng lalong Bayaní, ng lalong Magiting, Ibig kong makitang
siya'y pintuhuin Ng tanang linalan....
Karangalan:--Ang gayo'y gagawin.
Anangki:--At kulang pa yata ... (mag-iisip) Ah! si Kayamanan!
Kayamanan:--Ako po'y utusan.
Anangki:--Ngayon di'y gampanan, Yarin tagubilin, sa íkatitibay Na
kanyang ligayang walang katapusan; Sinupin mong lahat, na ang
kayamanang Mahahagilap mo sa boong tinakpan, Ang lahat at lahat ay
iyong ialay Kung kailanganin ng batang si Rizal.
Rizal:--(magalang) Bago ko tangapin ang tanang biyaya'y Bayaang
ialay ang aking paghanga.
Anangki:-- Sila'y alipin mo; ang mga Diwata'y Iyong iyo lamang.
Hayo't magpasasa.
Rizal:--(Magalang) Anangki, salamat. (sa mga Diwata; boong tamis)
Halina kay Ina Oh! mga giliw kong panglunas sa dusa, Tayo na't
piliting siya'y lumigaya, Yamang ako'y inyo, kayo nama'y kanya.
Lahat:--(sabay) Di kami nanayag. Kami'y iyo lamang.
Kagandahan:--Ang kahi ma't sinong magnais umagaw Ng biyayang iyo,
iyong iyong tunay Ay aming kagalit gagawing kaaway.
Rizal:--Sa makatwid, ay ...
Lahat:--Iyo nang nalaman.

Kagandahan:--Na sino't sino mang sa iyo'y pumiling, Sino mang aagaw
ng sariling amin Ay sisiphayuin ng siphayong baliw.
Rizal:--(magalang) Anangki, Tadhana, ako'y patawarin. Ang tanang
Diwatang kaloob sa akin Ay di maaaring aking tamasahin, Náiyan,
kunin na, muli mong bawiin.
Anangki:--Sa anong dahilan?
Rizal:-- Sa malaking bagay. Ako ay di akin, ako ay kay Inang, Ang
kanyang tiisin ay akin ding tunay, Ang aking ligaya'y kanyangkanya
lamang Kaya't di maaring ang tanan mong alay ay tamasahin ko at
pagpasasaan.
Anangki:--(matimyas) Ano pa ang ibig? pinawi kong lahat Ang mga
hirap mo ng mabisang lunas.
Rizal:--Di ko kailangan ... Nais ko pa'y hirap Kung akin sarili. Aanhin
ang galak Na di maihandog sa Ina kong liyag?
Anangki:--(payamot) At tumatangi ka sa mga biyaya?
Rizal:--(boong saklap) Hindi maaari, di ko magagawang Ako ay mag
isang lumasap ng tuwa.
Anangki:--(boong poot) Ako'y ginagalit.
Rizal:--(mayumi) Ikaw ang bahala.
Anangki:--(galit) Ang ngit-ngit ni Sakim, ang poot ni Ingit Ang aking
higanti'y siyang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 8
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.