Si Rizal at ang mga Diwata

Jose N. Sevilla
Si Rizal at ang mga Diwata, by
Jose N. Sevilla

The Project Gutenberg EBook of Si Rizal at ang mga Diwata, by Jose
N. Sevilla This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and
with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away
or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included
with this eBook or online at www.gutenberg.org
Title: Si Rizal at ang mga Diwata Zarzuelang Tagalog na may
Dalawang Yugto
Author: Jose N. Sevilla
Release Date: July 22, 2006 [EBook #18887]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK SI RIZAL
AT ANG MGA DIWATA ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online
Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Handog ng
Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa pagpapahalaga ng
panitikang Pilipino. (http://www.gutenberg.ph)

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit.]
[Patalastas Manuel de Leos/Libreria de R. Martinez]
=Si Rizal at ang mga Diwata=
=(ZARZUELANG TAGALOG NA MAY DALAWANG YUGTO)=
TUGTUGIN NG
=Gurong Manuel Lopez=
AT TITIK NI
Jose N. Sevilla
(Unang Pagkalimbag)
MAYNILA, 1913.
Imp SEVILLA, Ilaya 601 Tondo, Manila.

[Larawan: Dr. José Rizal y Mercado]
Dr. José Rizal y Mercado
Ala-ala sa dakilang Bayani, bilang pamimintuho sa kanyang mga
banal na mithiin.
=Ang Kumatha=

MGA TAONG GAGANAP
Rizal 14 na taon Filipinas Anangki Sakim Ingit Minerva Panahon
Mga Diwata Kagandahan Karangalan, Kasayahan at Kayamanan
Coro Ng Kabataan Kabinataan Mga Panganay
TAGUBILIN:
Ipinagbabawal ang pagtatanghal na walang pahintulot ng Gurong si G.
Manuel Lopez at ng Kumatha.

=SI RIZAL AT ANG MGA DIWATA=
=UNANG YUGTO=
Sa kabilang dako ng tanawin ay kakahuyan at bundukin at sa kabilang
dako'y bahagi ng dagat BAY.
Isang bangkang lunday ang nakapugal na bay-bayin.
=Lalabas ang Coro ng Kabataan na boong lugad na nagaawit.=

I TUGMA
AWITIN
(Lahat) Tayo na't magpaliguan Dito sa dagat na tabang Tubig niya'y
sakdal linaw Anong sarap! Anong inam!
(Lalaki) Banka'y atin nang ibunsod At sabayan ng pag-gaod Kapit
kayo't mahuhulog Mahirap na ang malunod.
(Babai) Anong sarap na aliwan Ng mamangka sa dagatan Huwag
kayong magagalaw Ang bangka ay gumigiwang.

(Lahat) Tayo na't maglusungan Sa tubig na sakdal linaw Hayo na't
maglundagan Anong sarap manimbulan!
=Magpapasukang lahat sa loob. Si Rizal ay lalabas sa kabilang dako
na wari'y may hinahanap. =

II TUGMA
Rizal:--Ako ay iniwan.... Hindi na inisip, Ang nagsisiluhang Ina at
kapatid, Nagpasasang lahat sumimsim ng tamis Ng pagliliwaliw.... at
kami'y sa sakit.
Anong pagkahirap ng ganitong buhay Maraming kapatid ay di
maasahan, Ang nangatuturing na mga panganay Na dapat huwarin sa
mabuting asal, Sa landas ng puri'y dapat na mag-akay At dapat
magsikap ng ikararangal, Ng kanyang kaanak, ng kanyang pangalan,
Ay siyang nagiging masamang huwaran At dumog sa hilig na
napakahalay.
Ang tanang pag-asa ng Ina kong giliw Ang kabinataang dinaladalangin,
Siyang tatawagan, aking ituturing Yaring kalagayang balot ng hilahil.
Nguni't hindi kaya ariing aglahi Ng mga kapatid ang gayong
mungkahi?
(Mag-iisip ng boong alinlangan)
Sa ano't ano ma'y aking luwalhati, Ang agad malaman yaring
pagwawari.
(Anyong hahanapin, sa kabilang dako'y lalabas ang Kabinataan.)

III TUGMA
(ANG KABINATAAN AT SI RIZAL)

SALITAAN:
Kabinataan:--Ang buhay ng tao ay isang pangarap Isang kasayahang
walang makatulad Ang di magtamasa ay hangal at uslak Laging
magtitiis, laging maghihirap.
Rizal:--(sa sarili) Ang kabinataan.... (lalapitan) Kayo 'y siyang pakay
Talagang sadya kong kayo'y tatawagan, Sana'y isasamong si Ina'y
káwaan.
(tunog) Ibig baga ninyo mga hinihirang Na samahan ako't Siya'y
saklolohan?
Kabinataan:--Kami ay may lakad; huwag abalahin At ang kasayaha'y
dapat tamasahin, Hindi mo ba tantong ang hindi sumimsim Sa kanyang
tagayan ay mangmang ó baliw?
(hihimukin) Sumama ka Rizal, sa ami'y sumama At doon pahirin ang
bakas ng dusa.
Rizal:--(malungkot) Sumama pa ako?.... Paano si Ina?....
Kabinataan:--(pakutya) Si Ina?... Bayaan. Siya ay saka na. (Pasubali)
Tawagan na muna ang mga panganay:
Rizal:--Kayo'y kapatid ding dapat na asahan;
Kabinataan:--Sila'y siyang unang dapat na dumamay.
Rizal:--Samahan na ako. Tayo na't suyuan.
Kabinataan:--Nalalaman mo nang kami ay may lakad.
Rizal:--Matitiis kayang hindi bigyang lunas Ang sakit ni Ina sa gitna ng
hirap?
Kabinataan:--May panahon pa rin.... (aalis)
Rizal:--Kung tapos nang lahat.

=IV TUGMA=
Mapagiisa si Rizal.
Rizal:-- Ang aking pag asang mangakakatulong Na mangag-iibis ng
dusa't lingatong, Di man nabahala sa tapat kong lungoy, Hindi man
dinigig ... Agad nang yumaon.
Masayang masayang parang walang malay, Nagsasamantala ng galak
sa buhay; Parang mga musmos na di nalalamang Ligayang sandali'y
agad napaparam.
(Mayuyukayok sa isang dako ng tanawin na waring may iniisip.)
Lalabas Ang Mga Diwata Na Mag Aawitan Ng Kaakit-akit. Si Ingit at
Si Sakim Ay Sa Kabilang Dako.
=SALITAAN.=
Anangki:-- Mga Diwata kong hirang Inyong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 8
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.