Si Rizal at ang mga Diwata | Page 3

Jose N. Sevilla
mag-uusig Asahan; asahang ano mang masapit Kita'y
tatalian ng mga pasakit.
(tatawag) Ingit, Sakim, Ayan: (ituturo) Siya'y kilalanin Siya'y
higantihan ng ngit-ngit ng baliw Sa hapis na buhay, huwag pagitawin
At ipaglubugan sa tanang hilahil.
Sakim:--(boong kasiyahan) Ako ang bahala; aking nalalaman Ang
aking gagawin upang pasakitan.

Sakim:--Di ako tutugot na siya ay gumitaw Aking pipilitin na siya'y
mamatay.
=TABING.=

=SI RIZAL AT ANG MGA DIWATA=
=IKALAWANG YUGTO=

I TUGMA
Pagbubukas ng tabing ay makikita si Rizal nayuyukayok. Lalabas ni
Filipinas na nag-aawit ng isang mapanglaw na karaingan.
AWITIN:
Filipinas:-- Rizal, Rizal, bunsong hirang Ina mo'y huag bayaan Ina'y
iyong saklolohan Sa dagat ng kahirapan.
Ang Ina mong tumatangis Nalulunod na sa sakit Wala nang kayang
magtiis Sa lingap mo'y nagnanais.
SALITAAN.
Rizal:--(alinlangan) Anong aking magagawa Sa ako'y mus-mos pang
bata.
Filipinas:--Sukat ang banal mong nasa Kung iyong isasagawa.
Rizal:--(susuyuin) ¡Ina! siya na ang pag-luha Handa akong kumalinga.
Filipinas:-- Ay Rizal ng aking buhay. Sa tanang kong katiisan, Hininga
mandi'y papanaw; Mga binata'y tawagan Nang ikaw ay matulungan.
Hanapin, tawagan sila, Ibalita yaring dusa Nang kanilang maalalang
May tumatangis na Ina. At sa kanila'y isulit, Ang pighating tinitiis Ng
Inang tanging ninibig Sa libinga'y maghahatid; Kailangan ko ang

tangkilik. (malulugmok)
Rizal:--(aalalayan) Ina ... Inang minamahal Huag mo akong iiwan
Aanhin ko yaring buhay Kung ikaw ay mamamatay?
=Lalabas ang mga Panganay na may dalang manok, baraha at bote ng
alak.=

=II TUGMA=
Ang Mga Panganay, Si Rizal at Si Filipinas
SALITAAN:
Panganay 1.º:--Mabuhay ang kasayahan!
Panganay 2.º:--Mabuhay ang paglilibang!
Lahat:--Mabuhay! Laging mabuhay!
Rizal:--(luhog) Lingapin ninyo si Inang Mga kapatid kong hirang Ako
ay inyong tulungan, Kung kayo man ay may buhay Ay sa kanya
tanging utang.
Lahat:--(pakutya) Ohu?... mapagdunung dunungan. (sa sarili) Bakit
malakas ang sugal Hahanapi'y kapalaran.
Filipinas:--(sa mga Panganay) Ay mga anak ko ...kayo'y nasisinsay Sa
dapat landasin....
Panganay 1.º:--(padabog) Aking nalalamang Kaliwa'y kaliwa at kanan
ang kanan. (anyong aalis)
Rizal:--Kami na'y lingapin ... Sandaling maghintay ...
Panganay 2.º:--(kay Rizal) At ibig mo yatang kami pa'y turuan?...
Panganay 3.º:--Kung sana'y marunong ó kaya'y mayaman Disin ay

agad kang pinaniwalaan.
Panganay 1.º:--Tayo'y tanghali na.
Panganay 2.º:--Halina at iwan.
Rizal:--(boong lungcot) At kami ni ina?...
Panganay 3.º:--Kayó?
Lahat:--Ating lisan. (sabay ng alis)

=III TUGMA=
=Si Rizal at Si Filipinas=
SALITAAN
Rizal:-- Ituro sa akin Inang ginigiliw Kung sino ang dapat na aking
suyuin At pakaasahang kahit puhunanin Ang murang buhay kong aking
ihahain.
Filipinas:-- Tanging bunsong nagmamahal Ikaw mandin ang nahirang
Na sa aki'y tumangkakal Noong Bathalang Kumapal.
Rizal:-- Kung magulang yaring bisig. Kung ganap na yaring bait,
Asahan mo Inang ibig Na sisikapin kong pilit Ang sa iyo'y
pagtangkilik.
Filipinas:-- Napakabanal ang nasa Kung iyong isasagawa Ang iyong
layong dakila Na sa aki'y pagkalinga.
Subalit lalong mainam Ang ikaw sana'y tulungan Ng aking mga
Panganay Na kapatid mo ring tunay. Kailangan mong tanglawan Ang
isip na nadidimlan. Tumawag ka kay Minerva At sa kanya ay pasama
Tiising mawalay muna Sa nalulunos na Ina. Siya kita na'y iiwan Di na
ako makalaban Sa dahas ng kahirapan. (anyong aalis)

Rizal:-- Ina, Inang minamahal Ang bunso mo'y huag lisan.
Filipinas:-- Kailangan mawalay muna Sa namimighating Ina. (sabay
alis)
Rizal:--(anyong hahabulin) Subali't ...May matuwid ka, At ayaw mong
ipakita Sa akin ang pagdurusa At aayaw kang talaga Na ang puso ko'y
magbata. Pagsisikapan ko ano mang masapit Na sa iyong mata'y huag
ng tumigis Ang saklap ng luhang animo ay batis, Pagpipilitan kong
magkapatid-patid Ang tanikala mo ng mga pasakit (papasok)
=(Tabing Na Lansangan)=

=IV TUGMA=
=Lalabas ang mga Panganay=
SALITAAN:
Panganay 1.º:--Nanalo ka ba?
Panganay 2.º:--Kung ako'y nanalo ... Ako ay nahughog.
Panganay 1.º:--Ako ay natalo Sa masamang hilig tayo ay nabuyo.
Panganay 3.º:--Hindi pa rin huli ... Tayo na'y magbago. Maling mali
tayo ng tinungong landas, Ang lansangang yao'y patungo sa hirap;
Maligoy matinik, mabato't madawag At pawang balahong hindi
madalumat.

=V TUGMA=
=Lalabas ang Kabinataan=
Ang Mga Panganay at Ang Kabinataan

SALITAAN:
Kabinataan:--Oh! mga Panganay ... Nasaan si Rizal?... Kami ay
samahan
Panganay:--Siya naming pakay Ang aming ginawing madumog sa
sugal Siyang naging sanhi ng sakit ni Inang
Kabinataan:--At kami?... Oh! kami'y nagsisipagsisi
Panganay 1.º:--Tayo na; halina't alayan ng puri Ang Ina't kapatid na
laging duhagi. Halina't lunasan ang sakit ni Ina Kalagin ang gapos ng
pighati't dusa Halina tuntunin ang himok tuwi na Ng bunsong si Rizal
Lahat:--Halina ... Halina, (papasok na lahat)
=(Bubuksan Ang Tabing)=

=VI TUGMA=
Sa kabilang dako'y lalabas si Rizal at sa kabilang dako'y si Minerva.
SALITAAN:
Rizal:--Minerva.... Minerva, ako ay tulungan Ako ay akayin sa landas
ng dangal.
Minerva:--Ano ang nais mo magiting na Rizal? Sabihin ng agad.
Rizal:-- Ang iyong pagdamay Ang Ina kong minamahal Sa pighati'y
mamamatay; Minerva ako ay tulungan, Ang hirap niya'y lunasan, Ang
isip ko ay tanglawan Ng ningning ng karunungan, Nang si Ina'y
maalayan Ng bahagyang kaaliwan.
Minerva:-- Ano ang aking magagawa Sa Ina mong lumuluha?
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 8
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.