na, at ang puso ko ay nanibago sa pagtibok. Sa gayong
anyo, ay napaupo ako sa isang luklukan, at halos di pa man nagluluwat,
ay siya namang pagdating ng pinipista, na matapos mabiguiang upuan
ang kanyang mga kakilala ay tinungo ang dalawa kong kaibigan at
pinagsabihang:
--"Asa ko'y hindi kayo magsisidaló, ah ...--at sinabayan ng isang n~giti.
--"Mali ang sapantaha mo,--ang tugon ni Carlos.
--"Siya nga,--kaya't pinasasalamatan ko ang gayon.
--"Angela,--ang sabi ng kaibigan kong Andrés--ipinakikilala ko sa iyo
ang aming kaibigang Dario Reyes, binatang compositor at balitang
violinista,--at sinabayan ng pagtuturo sa akin.
Naragdagang lalo ang aking dinamdam, at sa gayon ay wala akong
nasabi ng abutín ang kanyang kamay kung hindi:
--"Aling Angela, pag-utusan mo po....
--"Ikinagagalak ko po ang pagkakilala sa bantog na violinista,--ang
tugon niya sa akin na sinabayan nang isang titig na kinapapalooban ng
boong kabuhayan at pag-giliw.
"Matapos ang pananghalian, at sa mga sandaling nan~gagpapahin~ga
ang mga masambahin kay Terspcicore, ang tanang panauhin ay
nan~gagkaisa ng paghin~gi nila na tugtugin ko ang isa sa aking
maririkit na tugtuguin. Noon naman ay kasalukuyang ang tanang
mawilihin sa "musica" ay walang tinutugtog kung hindi ang kayayari
ko pa lamang na ang pamagat ay Agonias, at sa pagnanasa ko n~gang
makasunod sa pinipita sa akin ng tanan, ay hiniram ko ang violin ng
isang orquesta at kaagad n~gang tinugtog ang Agonias na sinaliwan
naman sa piano ni Angela. Di pa man halos natatapos ang aking
pagtugtog, ng pumulas sa bibig ng lahat ang salitang: ¡Magaling! Isa't
isa ay yumakap sa akin at ako naman sa kanila, kahit na sa mga labi ay
namumutawi ang n~giti, sa aking puso naman ay isang kalumbayan ang
kaagad na pumaloob.
Sumandaling tumiguil si Dario na waring nahahapo, at pagkatapos na
ininom ang isang vasong tubig na kaniyang hinin~gi, ay itinuloy ang
pagsaysay:
"Ganap na isang lingo ang nakaraan, buhat ng pistahin si Angela. Isang
hapon na magtatakip silim na, ay napadaan ako sa tagiliran ng hardin ni
Angela. Akay palibhasa ng pagnanasang mailuhog sa kaniya ang aking
pag ibig na buhat pa ng mga unang sandaling magkatamang mata ay
namahay na sa puso, ay sinamantala ko ang kaniyang pamumupol ng
sampaguita, at karakarakang binati siya: sumagot naman sa akin ng
malumanay at inanyayahan akong pumasok; anyayang kaagad kong
tinupad, at mga ilang sandali kong ilinuhog sa kanya ang aking pakay.
Palibhasa'y talaga na nga yata ng Diyos na ako'y palarin, si Angela ay
tinangap ang aking pagluhog at binitawan sa akin ang mahiwaga,
matamis at mahalaga niyang "Oo".
"¡Kaylan man ay di ko malilimot ang mga sandaling iyon na
ikinaginhawa ko!
"Sa di kawasa, ng akoy'y nagpaalam na kay Angela, at sagutin na niya
ng: "Hangang sa Jueves irog ko"; siyang paglapit sa amin ng ina ng
guiliw ko at nanglilisik ang matang nagturing na:
--"Angela, hindi ka na narimarim na tawaging irog mo ang dayupay na
iyan?
"Sa gayong pag alipusta sa aking kahirapan, sa dibdib kong mapag bata,
ay waring narin~gig ang piping hiyaw ng aking puso na anya'y:
¡Ipagsangalang mo ang iyong karalitaan!" at dahil sa bagay na ito'y
itinaas ko ang aking ulong nakayuko at nagsabi nang:
--"Da. Amalia, magpakarahan po naman ng pag-alipusta sa aking
karalitaan.
--"Sasagot ka pa;--ang tugon niya sa akin,--Naito ang marapat sa iyo, at
noon din nga ay ipinalo sa akin ng walang patumanga ang isang
palasan na kaniyang tinutungkod.
Sa gayong nangyari, niyakap ni Angela ang kaniyang Ináng kasabay ng
pagsasabi sa akin ng: "Dario, yumaon ka na".
"Sinunod kong dagli ang sabing iyon ni Angela. Kinamakalawahan,
nang pangyayaring iyon, ay tinangap ko ang isang liham ni Angela na
gayari ang nasasabi:
"Irog kong Dario:
"Buhat ng mangyari ang pananampalasan sa iyo ni Ina, ako'y náhiga na
at di tinitigilan ng lagnat."
"Hindi lamang ikaw ang nagdurusa, irog ko; ako man ay sakbibi din ng
kapan~glawan, ako man ay ginigiyagis ng lungkot."
"Kung ako'y kapu-in ng palad at maputi ang aking hinin~ga, ay
makaaasa kang sa mga huling tibok ng aking puso, ang mga hulíng
salitang pupulas sa aking bibig, ay ang n~galan mo, pagka't ang
pag-ibig ko sa iyo ay walang makakatulad at malawak pa kay sa dagat
at himpapawid."
"Huwag mo ngang lilimutin ang iyong iyo lamang na sí,"
"angeling."
"Di masayod na lungkot ang sumaakin ng ang gayon ay matanto at
palibhasa't simula ng gawin sa akin ni Da. Amalia ang pag-hiya, binuo
ko na sa loob ang pan~gin~gibang bayan.
Kinabukasan, at bago pa lamang ipinakikita ni Febo ang mga unang
anag-ag niya, ay iniwan ko na ang bayang ito at tinun~go ko ang
Pangasinan.
"Isang hapon na kasalukuyang ang mga ibong naglalagalag ay
tinun~gong muli ang kanilang pinag-iwang mga pugad; hapong
hustong ikapitong araw ng pagsapit ko doon, walang ano ano'y lumapit
sa akin ang alila ko at sinabing may mga tawong humahanap sa akin;
iniutos ko sa kaniyang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.