nakaraang araw ay waring ikinakait ang
kaniyang magandang kulay, ng gabíng iyon ay maliwanag at bahid
mang dun~gis ay wala.
Ang mga bitwin na tila alitaptap, ay tuluyang nan~gawala sa
himpapawid dahil sa liwanag ng buwan.
Han~ging mahinhin at mabanayad ang sa alan~ganin ay pumapaguitna
na nakikisunod at sumasaliw sa gayong kagandahan.
Ang dagat man na sa tuina'y nagbalang gunawin ang sangkapuluan at
guhuin ang mga nagtatayugang tahanan na wari bagáng hinahamon ang
kapangyarihan ni Bathalà, ay mapanatag na lubha ng gabíng iyon: sa
kaniya'y wala man kahit munting bulalás ng gahasang alon.
Lahat ay tiwasay at tahimik.
Samantalang ganap ang katahimikan, sa isang malaking bayang
nasasakop ng Maynila at sa tapat ng isang tindahang tagalog,
nan~gakaupo ang maraming binata at ilang matatanda.
Sapagka't kaugalian na ng lahing Lakandula na ang mga binata't dalaga
ay man~gagliliwaliw sa liwag ng bowan ang karamihan ng binata na
nag upo sa tapat ng tindahang nabanguit ay nan~gagyayaang maglakad
sa liwanag ng bowan.
Yumaon ang mga iyon at doon ay walang nan~galabí kung hindi ang
isang binata at ang lahat ng mga matanda.
Sa di kawasa'y nan~gagusapan ang mga matatanda ng natutungkol sa
pagtugtog ng violin.
--Dine sa atin--ang sabi ng isa doon na wawalungpuin ang gulang, ay
may sumipot na isang violinistang hanga n~gayon ay hinahan~gaan ng
tanang makaririn~gig sa kaniya.
--Ah, si Dario: siya nga; tunay ang tinuran mo,--ang sabi naman ng isa
pa din sa nan~garoroon.
--Datapwa't sa aking wari,--ang kabuhayan ng taong iyan ay nababalot
ng isang malaking hiwaga,--anang na unang nagsalita.
--At bakit naman?--ang tanong ng isa doon.
--Bakit nga naman?--ang mapiling usisa ng isa pa rin.
--Mangyari, si Dario na n~gayon ay magkakaroon na marahil ng 65
taón, waring di nakikilala ang gawang umibig.
--At bakit po, tio?--ang magalang na tanong ng binatang sapul ng
simulán ng mga matatanda ang usapan, ang boong pakinig niya'y doon
na lamang ilinagak.
--Gayon ang sabi ko, pagka't nakapanggigilalas ang sinapit niyang
gulang na 65 taón ay bagong tao pa, at....
N~guni't ang kaniyang iduduktong ay nawala, sa pagkakataong noon
din ay dumating sa tindahang pinaglilipunan nang isang matandang
kaiguihan ang taas, sunod sa moda ang suot na damit at kahit sa mukha
niya nagsisimula na ang pan~gun~gulubot nang balat, ay di pa din
yumayaon ang m~ga badha nang kaniyang kapanahunan: isa sa mga
Magandang Lalake.
Bitbit niya sa kaliwang kamay ang isang kaha ng violin.
--¡Magandang gabí po sa inyong lahat!--ang sabi niya.
--¡Aba, Dario! ¿Saan ka ba nangalin?--ang tanong ng isa't isa sa
nangaroroon, sa dumating.
--Diyan lamang mga kaibigan sa bahay ng isa kong pamanking lalaki
na ikinasal kan~ginang umaga.
--Ang pamankin mo'y napagkikilalang hindi mawilihin sa pagkabagong
tawo na tulad mo--anang matandang naunang nagsalita.
--Tunay nga ang tinuran ninyo--ani Dario;--Datapwa't kung aking
inabot ang gulang na ito sa pagkabagongtawo, ay dahil lamang sa isang
malaking hiwagang hanga n~gayon ay bumabalot sa aking kabuhayan.
--¿Hiwaga?--ang pamaang na tanong ng nan~garoroon.
--¿At alin ang hiwagang iyan?--ang tanong ng isa naman.
--¿Di baga maaring aming maalaman?--ang saló ng isang matanda pa
din.
--Kung hindi kayo man~gaiinip ay aking isasalaysay sa inyo.
Sa gayon, ang lahat ay nagsipag-igue ng upo; nan~gagunahan ang
bawa't isa na mapalapit sa magsasalaysay ng kaniyang kabuhayan.
Ang may ari ng tindahan pati, sa gayong nangyari ay nahawa na at
nang matapos mabigyan ng isang luklukan si Dario, ay dalidaling
isinará ang kaniyang tindahan, ng upang hwag magambala ang gayong
salaysayin.
* * * * *
Sumandaling tinutop ni Dario ang noo ng kaniyang kamay at
pagkatapos ay sinimulan na ang pagtuturing ng gayari:
"Di na kaila sa inyo na ang aking kabataan ay isa sa mga inahele ng
kapighatian Apat na, taon pa lamang ang aking gulang ng ang sinisinta
kong Ina ay tinawag ni Bathala sa kaniyang sinapupunan. Ang aking
Ama na tapat magmahal, ng makilalang ang aking hilig ay sa pagtugtog
ng violin, ay pinaturuan ako sa isang bantog na guro. Sa
pag-aarimuhanan ng aking Ama, ako na ang pinatutungo sa bahay ng
aking guro, n~guni't, di naman naglipat buwan at ang Ama ko ang
sumunod na nalunod sa ilog Estigia.
"Simula na noon ay nadanas ko ang hirap ng maulila, hirap na di
nakuhang maalis, ng mga paing paunlak ng karamihan, na sanhi sa
kahusayan kong tumugtog ng violin, ang bawa na ay nagsisiwalat.
"Isang araw ng Lingo, dalawa sa aking pinakamatalik na kaibigan,
matapos kaming makasimba, ay niyaya ako sa bahay ng isang
mayaman, na ng araw na iyon ay ipinagpipista ang kaarawan ng
kapan~ganakan sa kaniyang anak. Marami ng panauhin ang inabot
namin doon, at sa tanan, ay ipinakikilala ako ng aking dalawang
kaibigan, tan~gi nga lamang sa pinipista na di namin inabot doon at
sinundo ang kanyang mga kalapit-loob.
"Datapwa't hindi ko natanto at kung bakit simulâ sa mga unang sandali
pa lamang ng aking pagdatal sa bahay na iyon, ang aking pag-iisip ay
umulik-ulik
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.