Sa Tabi ng Bangin | Page 7

Jose Maria Rivera
patuluyin ang mga iyon, n~guni't nang

man~gagsipasok na ang mga bagong dating ay isang malaking
kamanghaan ang umabot sa akin. Nalalaman ninyo kung bakit? Pagka't
ang isa sa mga iyon ay ang iná ni Angela na nang makita ako, ay
nagturing na kasabay ang iyak at yakap sa akin;
--"Dario, patawarin mo ako sa pagkakalait sa iyo: iligtas mo ang aking
mahal na Angela.
"Nang marin~gig ko ang kanyang sinabi ay itinanong ko ang sanhi ng
kaniyang, mga sinabi at noon din nga ay isinalaysay ni Da. Amalia at
ng pinsan niyang Luisa na mula ng hapong ako'y kaniyang linait, si
Angela ay nagkasakit na at ng ikatlong araw ay sinabi na ng medico na
ang tanging kagamutan ng sakít ni Angela ay na sa kaniyang
minamahal.
"Sa gayon nga ay isinamo sa akin ni Da. Amalia na huwag na di ako
sumama sa kanila, at dahil sa mapili nilang pag-anyaya ay sumang
ayon na ako.
Samandaling huminto si Dario na waring ina-ala-ala ang tanang
pangyayari na isinasaysay niya.
Lumipas ang ilang saglit at, pagkatapos na silang nan~gagkakaharap ay
uminom sa dulot na matamis at tubig nang may tinda, ay ipinatuloy ni
Dario ang kaniyang pagsasalaysay.
"Kinabukasan, at dahil na wala na nga akong iba pang nasa kundi ang
mamalas ang aking iniibig na Angela, matapos na makakain ng agahan,
ay lumulan na nga kamí sa tren.
"Dalawang oras at kalahati ang itinagal namin sa paglalakbay, at
pagkatapos ay dumating na kami sa bahay ng guiliw kong Angela.
"Nang ako'y anyong tutun~go na nga sa silid ng aking sinta na kasama
si Da. Amalia, ay sinalubong kami ng manggagamot, na nang
matantong ako ang Dario, ay kaagad akong pinagsabihan, ng:
--"¡Kayo palá!... ¡Si Angela'y walang patid ng tawag sa inyo.

"Hindi ako nakatugon ng kaputok man lamang, kaya't ang mangagamot
nang mamasdan ang gayon ay nagturing na:
--"Kayo, tan~ging kayo ang marahil ay makabubuti kay Angela.
"Nguni't nang kaming tatlo ay anyo nan~gang papasok, ay siya naman
naming pagkadin~gig ng hiyaw na;
--"Dario! Dario!... Halika....
"Dagli na nga kaming tumuloy sa kinalalagian ni Angela ng nadin~gig
ang gayon at kaagad kong tinabanan sa kamay kasabay ng pagsasabi
nang:
--"¡Angela, Angela!
--"¡Dario!--ang biglang sigaw niya ng makita ako.--Asa ko'y hindi na
kita makakausap; asa ko'y mamamatay ako ng hindi ka man lamang
makakaabot sabi, n~guni't napagkikilalang dinin~gig ng Dios ang aking
hiling, ... mamamatay ako n~gayon ng tahimik.
--"Angela, bakit mga kaisipang sakdal papanglaw ang pinapamumulas
sa iyong mga labi?--ang sabi ko sa kaniya.
--"Ah, pagka't tanto ko na lumalapit na ang aking kamatayan.
--"¿Kamatayan? ¿Ang bata mong iyan? Ah, hindi, hindi ka pa
mamatay.
"Tinitigan akong sumandali ng boong guiliw ni Angela, at pagkatapos
ay nagturing na:
--"Dinaramdam ko ngang lisanin ka at lalo ko pang daramdamin kung
magunitang ako'y dagli mong malilimot, sakaling tumugpa na sa
bayang payapa, nguni't ¿ano ang aking magagawa? Wala na kundi
sumang-ayon sa pasya ng may Likha sa ating lahat.
Tumiguil sumandali, at pagkatapos na wari bagang ang kaunti niyang
lakas ay nakuhang natipong lahat, umubong maka tatlo, at pagkatapos

na matabanan ang kamay ko ng sakdal higpit, ay nagturing na:
--"Dario, ipan~gako mo sa akin na, sakaling ako'y mamatay na, ay
hindi ka mag-aasawa kundi sa babayeng higuit pa sa akin.
--"Hindi lamang iyan, Angela, hindi lamang iyan, kundi, sakaling ako'y
lisanin mo, ay hindi na ako mag-aasawa,--ang tugon ko sa kaniya.
--"¿Tupdin mo kaya ang gayon? ¿Hindi mo kaya pagsisihan?
--"Hindi. Asahan mo.
--"¿Isinusumpa mo?
--"Oo.
"Nang maitugon ko ang gayon, ay ikinawit sa aking liig ang kaniyang
mga bisig na sakdal papayat na, at pagkatapos ay hinagkan ako ng
minsan, isang halik na hanga n~gayo'y nararamdaman ko pa....
"Ang ina ni Angela, na nakikita ang gayon, ay hindi umimik kaputok
man.
"Isang sandali lamang ang yumaon at pagkatapos, ay binawian na ang
guiliw kong Angela ng buhay ni
Bathala............................ ..................................................................
--¿At, iyan pala ang sanhi ng di mo pag aasawa?--ang turing ng isa sa
mga kausap.
--Oo, iyan ang sanhi ng kung bakit hanga n~gayo'y bagong tao pa ako.
At noon din ay nag paalam na si Dario sa tanang m~ga kausap,
samantalang sa batin~gaw naman ng sambahan ng X. ay narin~gig ang
sampung tunog.

Aklatang Bayan

I. Aklat "Mananayaw" ni Ros. Almario II. " "Duwag" ni G. Changco III.
" "Sa Tabi ng Ban~gin" ni J. Ma. Rivera
SOMBRERIA NI J. Legaspi
Daang Anloague, dating Lemery blg. 408.
Bago pumahik ng tulay ng Hulo.
[Patalastas: Bahay Limbagang "MAPAGPUYAT"]

End of the Project Gutenberg EBook of Sa Tabi ng Bangin, by Jose
Maria Rivera
*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK SA TABI NG
BANGIN ***
***** This file should be named 16899-8.txt or 16899-8.zip *****
This and all associated files of various formats will be found in:
http://www.gutenberg.org/1/6/8/9/16899/
Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and PG Distributed
Proofreaders from page scans
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.