Sa Tabi ng Bangin | Page 5

Jose Maria Rivera
violin.
--Dine sa atin--ang sabi ng isa doon na wawalungpuin ang gulang, ay may sumipot na isang violinistang hanga n~gayon ay hinahan~gaan ng tanang makaririn~gig sa kaniya.
--Ah, si Dario: siya nga; tunay ang tinuran mo,--ang sabi naman ng isa pa din sa nan~garoroon.
--Datapwa't sa aking wari,--ang kabuhayan ng taong iyan ay nababalot ng isang malaking hiwaga,--anang na unang nagsalita.
--At bakit naman?--ang tanong ng isa doon.
--Bakit nga naman?--ang mapiling usisa ng isa pa rin.
--Mangyari, si Dario na n~gayon ay magkakaroon na marahil ng 65 ta��n, waring di nakikilala ang gawang umibig.
--At bakit po, tio?--ang magalang na tanong ng binatang sapul ng simul��n ng mga matatanda ang usapan, ang boong pakinig niya'y doon na lamang ilinagak.
--Gayon ang sabi ko, pagka't nakapanggigilalas ang sinapit niyang gulang na 65 ta��n ay bagong tao pa, at....
N~guni't ang kaniyang iduduktong ay nawala, sa pagkakataong noon din ay dumating sa tindahang pinaglilipunan nang isang matandang kaiguihan ang taas, sunod sa moda ang suot na damit at kahit sa mukha niya nagsisimula na ang pan~gun~gulubot nang balat, ay di pa din yumayaon ang m~ga badha nang kaniyang kapanahunan: isa sa mga Magandang Lalake.
Bitbit niya sa kaliwang kamay ang isang kaha ng violin.
--?Magandang gab�� po sa inyong lahat!--ang sabi niya.
--?Aba, Dario! ?Saan ka ba nangalin?--ang tanong ng isa't isa sa nangaroroon, sa dumating.
--Diyan lamang mga kaibigan sa bahay ng isa kong pamanking lalaki na ikinasal kan~ginang umaga.
--Ang pamankin mo'y napagkikilalang hindi mawilihin sa pagkabagong tawo na tulad mo--anang matandang naunang nagsalita.
--Tunay nga ang tinuran ninyo--ani Dario;--Datapwa't kung aking inabot ang gulang na ito sa pagkabagongtawo, ay dahil lamang sa isang malaking hiwagang hanga n~gayon ay bumabalot sa aking kabuhayan.
--?Hiwaga?--ang pamaang na tanong ng nan~garoroon.
--?At alin ang hiwagang iyan?--ang tanong ng isa naman.
--?Di baga maaring aming maalaman?--ang sal�� ng isang matanda pa din.
--Kung hindi kayo man~gaiinip ay aking isasalaysay sa inyo.
Sa gayon, ang lahat ay nagsipag-igue ng upo; nan~gagunahan ang bawa't isa na mapalapit sa magsasalaysay ng kaniyang kabuhayan.
Ang may ari ng tindahan pati, sa gayong nangyari ay nahawa na at nang matapos mabigyan ng isang luklukan si Dario, ay dalidaling isinar�� ang kaniyang tindahan, ng upang hwag magambala ang gayong salaysayin.
* * * * *
Sumandaling tinutop ni Dario ang noo ng kaniyang kamay at pagkatapos ay sinimulan na ang pagtuturing ng gayari:
"Di na kaila sa inyo na ang aking kabataan ay isa sa mga inahele ng kapighatian Apat na, taon pa lamang ang aking gulang ng ang sinisinta kong Ina ay tinawag ni Bathala sa kaniyang sinapupunan. Ang aking Ama na tapat magmahal, ng makilalang ang aking hilig ay sa pagtugtog ng violin, ay pinaturuan ako sa isang bantog na guro. Sa pag-aarimuhanan ng aking Ama, ako na ang pinatutungo sa bahay ng aking guro, n~guni't, di naman naglipat buwan at ang Ama ko ang sumunod na nalunod sa ilog Estigia.
"Simula na noon ay nadanas ko ang hirap ng maulila, hirap na di nakuhang maalis, ng mga paing paunlak ng karamihan, na sanhi sa kahusayan kong tumugtog ng violin, ang bawa na ay nagsisiwalat.
"Isang araw ng Lingo, dalawa sa aking pinakamatalik na kaibigan, matapos kaming makasimba, ay niyaya ako sa bahay ng isang mayaman, na ng araw na iyon ay ipinagpipista ang kaarawan ng kapan~ganakan sa kaniyang anak. Marami ng panauhin ang inabot namin doon, at sa tanan, ay ipinakikilala ako ng aking dalawang kaibigan, tan~gi nga lamang sa pinipista na di namin inabot doon at sinundo ang kanyang mga kalapit-loob.
"Datapwa't hindi ko natanto at kung bakit simula sa mga unang sandali pa lamang ng aking pagdatal sa bahay na iyon, ang aking pag-iisip ay umulik-ulik na, at ang puso ko ay nanibago sa pagtibok. Sa gayong anyo, ay napaupo ako sa isang luklukan, at halos di pa man nagluluwat, ay siya namang pagdating ng pinipista, na matapos mabiguiang upuan ang kanyang mga kakilala ay tinungo ang dalawa kong kaibigan at pinagsabihang:
--"Asa ko'y hindi kayo magsisidal��, ah ...--at sinabayan ng isang n~giti.
--"Mali ang sapantaha mo,--ang tugon ni Carlos.
--"Siya nga,--kaya't pinasasalamatan ko ang gayon.
--"Angela,--ang sabi ng kaibigan kong Andr��s--ipinakikilala ko sa iyo ang aming kaibigang Dario Reyes, binatang compositor at balitang violinista,--at sinabayan ng pagtuturo sa akin.
Naragdagang lalo ang aking dinamdam, at sa gayon ay wala akong nasabi ng abut��n ang kanyang kamay kung hindi:
--"Aling Angela, pag-utusan mo po....
--"Ikinagagalak ko po ang pagkakilala sa bantog na violinista,--ang tugon niya sa akin na sinabayan nang isang titig na kinapapalooban ng boong kabuhayan at pag-giliw.
"Matapos ang pananghalian, at sa mga sandaling nan~gagpapahin~ga ang mga masambahin kay Terspcicore, ang tanang panauhin ay nan~gagkaisa ng paghin~gi nila na tugtugin ko ang isa sa aking maririkit na tugtuguin. Noon naman ay kasalukuyang ang tanang mawilihin sa "musica" ay walang tinutugtog kung hindi ang kayayari ko pa lamang na ang pamagat ay Agonias, at sa pagnanasa ko n~gang makasunod sa pinipita sa akin ng tanan, ay hiniram ko ang violin ng isang orquesta at kaagad n~gang tinugtog
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.