Sa Tabi ng Bangin | Page 6

Jose Maria Rivera
ang Agonias na sinaliwan naman sa piano ni Angela. Di pa man halos natatapos ang aking pagtugtog, ng pumulas sa bibig ng lahat ang salitang: ?Magaling! Isa't isa ay yumakap sa akin at ako naman sa kanila, kahit na sa mga labi ay namumutawi ang n~giti, sa aking puso naman ay isang kalumbayan ang kaagad na pumaloob.
Sumandaling tumiguil si Dario na waring nahahapo, at pagkatapos na ininom ang isang vasong tubig na kaniyang hinin~gi, ay itinuloy ang pagsaysay:
"Ganap na isang lingo ang nakaraan, buhat ng pistahin si Angela. Isang hapon na magtatakip silim na, ay napadaan ako sa tagiliran ng hardin ni Angela. Akay palibhasa ng pagnanasang mailuhog sa kaniya ang aking pag ibig na buhat pa ng mga unang sandaling magkatamang mata ay namahay na sa puso, ay sinamantala ko ang kaniyang pamumupol ng sampaguita, at karakarakang binati siya: sumagot naman sa akin ng malumanay at inanyayahan akong pumasok; anyayang kaagad kong tinupad, at mga ilang sandali kong ilinuhog sa kanya ang aking pakay. Palibhasa'y talaga na nga yata ng Diyos na ako'y palarin, si Angela ay tinangap ang aking pagluhog at binitawan sa akin ang mahiwaga, matamis at mahalaga niyang "Oo".
"?Kaylan man ay di ko malilimot ang mga sandaling iyon na ikinaginhawa ko!
"Sa di kawasa, ng akoy'y nagpaalam na kay Angela, at sagutin na niya ng: "Hangang sa Jueves irog ko"; siyang paglapit sa amin ng ina ng guiliw ko at nanglilisik ang matang nagturing na:
--"Angela, hindi ka na narimarim na tawaging irog mo ang dayupay na iyan?
"Sa gayong pag alipusta sa aking kahirapan, sa dibdib kong mapag bata, ay waring narin~gig ang piping hiyaw ng aking puso na anya'y: ?Ipagsangalang mo ang iyong karalitaan!" at dahil sa bagay na ito'y itinaas ko ang aking ulong nakayuko at nagsabi nang:
--"Da. Amalia, magpakarahan po naman ng pag-alipusta sa aking karalitaan.
--"Sasagot ka pa;--ang tugon niya sa akin,--Naito ang marapat sa iyo, at noon din nga ay ipinalo sa akin ng walang patumanga ang isang palasan na kaniyang tinutungkod.
Sa gayong nangyari, niyakap ni Angela ang kaniyang In��ng kasabay ng pagsasabi sa akin ng: "Dario, yumaon ka na".
"Sinunod kong dagli ang sabing iyon ni Angela. Kinamakalawahan, nang pangyayaring iyon, ay tinangap ko ang isang liham ni Angela na gayari ang nasasabi:
"Irog kong Dario:
"Buhat ng mangyari ang pananampalasan sa iyo ni Ina, ako'y n��higa na at di tinitigilan ng lagnat."
"Hindi lamang ikaw ang nagdurusa, irog ko; ako man ay sakbibi din ng kapan~glawan, ako man ay ginigiyagis ng lungkot."
"Kung ako'y kapu-in ng palad at maputi ang aking hinin~ga, ay makaaasa kang sa mga huling tibok ng aking puso, ang mga hul��ng salitang pupulas sa aking bibig, ay ang n~galan mo, pagka't ang pag-ibig ko sa iyo ay walang makakatulad at malawak pa kay sa dagat at himpapawid."
"Huwag mo ngang lilimutin ang iyong iyo lamang na s��,"
"angeling."
"Di masayod na lungkot ang sumaakin ng ang gayon ay matanto at palibhasa't simula ng gawin sa akin ni Da. Amalia ang pag-hiya, binuo ko na sa loob ang pan~gin~gibang bayan.
Kinabukasan, at bago pa lamang ipinakikita ni Febo ang mga unang anag-ag niya, ay iniwan ko na ang bayang ito at tinun~go ko ang Pangasinan.
"Isang hapon na kasalukuyang ang mga ibong naglalagalag ay tinun~gong muli ang kanilang pinag-iwang mga pugad; hapong hustong ikapitong araw ng pagsapit ko doon, walang ano ano'y lumapit sa akin ang alila ko at sinabing may mga tawong humahanap sa akin; iniutos ko sa kaniyang patuluyin ang mga iyon, n~guni't nang man~gagsipasok na ang mga bagong dating ay isang malaking kamanghaan ang umabot sa akin. Nalalaman ninyo kung bakit? Pagka't ang isa sa mga iyon ay ang in�� ni Angela na nang makita ako, ay nagturing na kasabay ang iyak at yakap sa akin;
--"Dario, patawarin mo ako sa pagkakalait sa iyo: iligtas mo ang aking mahal na Angela.
"Nang marin~gig ko ang kanyang sinabi ay itinanong ko ang sanhi ng kaniyang, mga sinabi at noon din nga ay isinalaysay ni Da. Amalia at ng pinsan niyang Luisa na mula ng hapong ako'y kaniyang linait, si Angela ay nagkasakit na at ng ikatlong araw ay sinabi na ng medico na ang tanging kagamutan ng sak��t ni Angela ay na sa kaniyang minamahal.
"Sa gayon nga ay isinamo sa akin ni Da. Amalia na huwag na di ako sumama sa kanila, at dahil sa mapili nilang pag-anyaya ay sumang ayon na ako.
Samandaling huminto si Dario na waring ina-ala-ala ang tanang pangyayari na isinasaysay niya.
Lumipas ang ilang saglit at, pagkatapos na silang nan~gagkakaharap ay uminom sa dulot na matamis at tubig nang may tinda, ay ipinatuloy ni Dario ang kaniyang pagsasalaysay.
"Kinabukasan, at dahil na wala na nga akong iba pang nasa kundi ang mamalas ang aking iniibig na Angela, matapos na makakain ng agahan, ay lumulan na nga kam�� sa tren.
"Dalawang oras at kalahati ang itinagal namin sa paglalakbay, at pagkatapos ay dumating na kami sa bahay ng guiliw
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.