laran~ganan ng panunulat.
--Gayon din ang haka ko.
--Siya, hangang ika 8:12: isama mo ang iyong asawa.
--Oo. Hwag kang mabahala.
At noon din ay nagkamayan sila, at pagkatapos ay yumaon na si Ernesto.
Si D. Armando naman ay ibinalita kaagad kay Magdalena ang anyayaya ni Ernesto, at noon din ay sinimulan ang paglalabas ng damit niyang gagamitin sa Dulaan.
VII.
="Sa tabi ng bangin."=
Ika walo't kalahati ng gabi.
Ang madlang tao ay nan~gagtayo sa tapat ng "Dulaang Makata", na wari ay nan~gag aantay �� inaaban~gan ang pagpasok ng mga binibining dadalo sa Dulaan ng gabing iyon, nang marin~gig ang pan~galawang tugtog ng isang maliit na batin~gaw ay dagling nan~gag sipasok sa Dulaan, na noo'y punu na ng mga magsisipanood, samantalang ang mga mahihirap na di makaupo sa isang "butaka," ay nanga sa "entrada general."
Ang mga binatang mawilihin sa mga binibining may magagandang ayos ay payak na nakapako ang panin~gin sa asawa ni D. Armando, na nang gabing iyon ay lalo pang gumanda sanhi sa mga suot niya.
Ika siyam na ganap ng gabi, nang ang pangatlong "campanada" ay nadingig ng lahat ng dumalo sa dulaan na sinundan pagkatapos ng pag-aangat ng "Telon de boca."
Sinimulan ang unang yugto at gayon din ang pangalawa sa di magkamayaw na palakpak ng nanganonood at ng matapos ang pangalawang yugto, ay hindi nagpatantan ang mga iyon kundi makita ang makatang Ernesto del Rio, na kung tunay mang kilala na nila, ay ibig na purihing muli.
Nang uliting iangat ang "Telon de boca" at simulan na ang "tercer acto" ay lalo pa ding nagtamo ng maraming palakpak at muling hiniling ang "Autor" noon.
Datapwa't ng dumating na sa "escenang" mahuhuli ni D. Martin (protogonista ng Dula) ang asawa niya sa piling ng kaibigang matalik na ito'y siyang "argumento" ng dulang iyon, si Magdalenang asawa ni D. Armando, ng makita ang balaraw na tangan sa kamay ng "actor" at itatarak sa nagpapapel na asawa, ay sumigaw ng:
--Ang Dramang iyan, ... Armando ... Patawad! at noon din ay hinimatay.
Sa gayon ay nagkagulo sa Dulaan, at pagdaka si D. Armando ay linisan ang inuupan at inaowi sa kanilang bahay si Magdalena, na lubhang di ma-alaman ang nangyaring iyon.
Di din naman lubha nang nagluat at matapos ang pagtatanghal ng Drama, si Ernesto, ay kaagad na tumun~go sa bahay ni D. Armando na ng kaniyang datnan ay mabuti ng lubha si Magdalena.
VIII.
=Pagtatapat.=
--Kaibigang Ernesto,--ang salubong sa kaniya ni D. Armando ng siya'y makita.--Ang dula mo'y mainam, dinaramdam ko lamang na hindi nakita ang lahat dahil sa paghihimatay ni Magdalena.
--Dinaramdam ko din,--ang tugon ni Ernesto, datapwa't kinakailangan mong matanto ang isang lihim na napapaloob sa katha kong hinahangaan mo.
--Tantoin mo kaibigan--ang patuloy ni Ernesto--na sanhi sa kalamigan mo sa pag ibig, ang paningin ng iyong asawa ay ipinako sa akin.
--Gayon pala! Tampalasan,--ang tinurang bigla ni D. Armando at dadaluhungin na sana si Magdalena, datapwa't napigilang agad ni Ernesto at pinagsabihan n~g:
--Maghintay ka muna,--at saka itinuloy ang pagsusulit ng;
--Datapwa't sapagka't tanto ko na kung iyon ay aking bayaan ay lalabagin ko ang ating pagkakaibigan, ay ginawa ko ang Dramang itinanghal ng gabing ito ng upang makapagbalik loob ang asawa mong namali sa daan ng katahimikan.
--At di ka namali, Ernesto ... ang tugon ni Magdalenang ka agad na lumuhod sa harap ni D. Armando na umi-iyak,--ako'y iyong patawarin.
--Magdalena, pagtindig, at kita'y pinatatawad--ang sulit ni D. Armando.--At ikaw Ernesto, ang ginawa mong ito'y pinatunayan ang iyong mabuti at tapat na pakikisama, hinahandugan kita ng walang hangang pasasalamat, at makaaasa ka sa kapalagayang matalik na kaibigan. Buhat ngayon, ikaw ay aking kapatid.
At ang tatlong iyong sa pamamaguitan ng isang mahigpit na yakap ay napagisa ang mga damdamin at puso.
* * * * *
=Kasaysayan ng isang halik=
Sa matalik na kaibigang Marcos de los Santos, lumikha n~g tugtuguing "Los Literatos Tonde?os".
Gab�� noon.
Ang bowan na ng mga nakaraang araw ay waring ikinakait ang kaniyang magandang kulay, ng gab��ng iyon ay maliwanag at bahid mang dun~gis ay wala.
Ang mga bitwin na tila alitaptap, ay tuluyang nan~gawala sa himpapawid dahil sa liwanag ng buwan.
Han~ging mahinhin at mabanayad ang sa alan~ganin ay pumapaguitna na nakikisunod at sumasaliw sa gayong kagandahan.
Ang dagat man na sa tuina'y nagbalang gunawin ang sangkapuluan at guhuin ang mga nagtatayugang tahanan na wari bag��ng hinahamon ang kapangyarihan ni Bathal��, ay mapanatag na lubha ng gab��ng iyon: sa kaniya'y wala man kahit munting bulal��s ng gahasang alon.
Lahat ay tiwasay at tahimik.
Samantalang ganap ang katahimikan, sa isang malaking bayang nasasakop ng Maynila at sa tapat ng isang tindahang tagalog, nan~gakaupo ang maraming binata at ilang matatanda.
Sapagka't kaugalian na ng lahing Lakandula na ang mga binata't dalaga ay man~gagliliwaliw sa liwag ng bowan ang karamihan ng binata na nag upo sa tapat ng tindahang nabanguit ay nan~gagyayaang maglakad sa liwanag ng bowan.
Yumaon ang mga iyon at doon ay walang nan~galab�� kung hindi ang isang binata at ang lahat ng mga matanda.
Sa di kawasa'y nan~gagusapan ang mga matatanda ng natutungkol sa pagtugtog ng
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.