gayon, kung ikaw ay magkaka asawa ng isang marunong umibig, ay gagantihin mo naman ng pag-ibig din?--ang dugtong ni Magdalena.
--Magdalena, ... gayon nga ang aking gagawin, gayon ang maaasahan sa akin, datapwa't ... tanto mo marahil na ako mandin ang tanging linikha ni Bathala upang pahirapan na lamang.
--Ah, Magdalena,--ang patuloy na sabi ni Ernesto,--kung ako ang palaring magkaroon ng isang tulad mo na magiging kabiak ng puso, kung ako ang magkakaroon ng pag-ibig ng isang Magdalena, marahil, ang aking mga tula ay lalong pupurihin, at kaiingitan ng mga may maruruming puso.
--Ernesto, ako man ay gayon din. Ako ay nagsapantahang si Armando ay mapapalitan ng kapua pag-ibig ang aking puso, datapua ako ay nagkamali: Ikaw at di pala siya ang makapagdudulot sa akin ng gayon.
--Magdalena, Magdalena, ikaw man ay aking ini-ibig, ang sulit ni Ernesto.
--Salamat Ernesto ito ang unang pagsa-mapalad ko.
IV.
=Pag aalinlangan=
Sakbibi ng isang pagkatwa, ay linisan ni Ernesto del Rio, ng makatang laging tinatakhan ng tanan ang mga ilinalathala sa mga pahayagan, ang marikit na tahanan ni D. Armando.
Datapwa't, nang siya'y na sa bahay na, at anyong susulat, ay isang pag aalinlangan ang pumaibabaw sa kaniyang isip, pag-aalinlangang pumutol sa nais niyang yariin ang tulang ipinangako sa pahayagang "Ang Ilaw."
Umulik-ulik ang kaniyang pag-iisip na tulad ng dahon ng kahoy na linalagas ng masidhing hihip ng hangin at pinagwiwindang-windang bago pasapitin sa lupa, bagay itong ibinitiw ng panulat at pagsapupo ng dalawang kamay sa kaniyang ulo na wari ay di makayang dalhin ng dalawang balikat.
At ang gayo'y, waring siyang ina antay lamang ng pinagbubuhatan na pag-iisip niyang hinahan~gaan, pagka't bahagya pa lamang na nakararaan ang isang saglit, ay pinagharian na siya ni "Morfeo."
V.
=Pangarap=
Mga ilang sandali ang nakaraan ng ang Pangarap ay nakuhang magambala ang katahimikang dulot ni Morfeo.
Nangarap nga si Ernesto ng mga sumusunod:
"Umano, si Dn. Armando ay nabalitaan ang paglililo sa kaniya ni Magdalena at Ernesto, na siyang nagiging sanhi ng panunubok ng tinurang D. Armando, panunubok na pinagkasanhian ng pagkakatutop sa kanilang dalawa, na ang naguing wakas ay ang pagpatay ni Armando kay Magdalena".
--Patawad!--ang pabulalas niyang turing, na siya tuloy ikina-untol ng pagtulog.
Datapwa't bahagya pa lamang nakapagpapahinga, ay siya namang pagdapo uli ng isang panaguinip na gayari:
"Nang matapos mapatay ni D. Armando ang kaniyang taksil na asawa, ay siya naman ang hinarap at pinagsabihan nang:
--"Ernesto, ang ginawa mong iyan sa akin ay walang ibang ngalan kundi kataksilan.
--"Linabag mo ang aking mga paglingap sa iyo,--ang isinunod ni D. Armando,--at dahil sa bagay na ito, ikaw ay tumatag.
--"Patawarin mo ako!--ang paluhod na samo ni Ernesto.
--Hindi kita mapatatawad. Sa guinawa mong iyan ay labis na sana kitang mapatay, datapwa't di ko magagawa ang gayon. Isa sa atin ay labis sa lupa at....
--Hindi ako makalalaban sa iyo.
--Kung gayon,--ito ang marapat sa iyo, at noon din ay iniakma sa kanya ang isang Revolvers, datapwa, ng dumating na dito ang panaguinip ay siya niyang pagkagising na pupun~gas-pun~gas, at ang mga naunang salitang pumul��s sa kanyang bibig ay ang:
--Huag, huag mong kitlin ang aking hininga.
Datapwa't ng masiyahan na siyang di pala kaharap si D. Armando at ang nangyaring yaon ay panaginip lamang, dinapuan siya ng isang kalungkutang na ikinalugmok tuloy sa isang panig ng tahanan.
Sumandaling napalagak sa gayong anyo si Ernesto, at pagkatapos ay nagturing na:
--Hindi, hindi nga nararapat na ako'y mangibig at sangayunan ang sa aki'y idinudulot ni Magdalena. Di ko dapat gantihin ng pagsusukab ang mabuting palagay na akin ni Armando. Si Magdalena'y nagkasala, at kinakailangang ang gayon ay pagsisihan niya.
At noon din ay kumuha siya ng papel at sinimulan ang pagsulat ng isang Dula.
VI.
=Anyaya.=
Ilang araw na ang yumaon.
Sa lahat ng tanyag na kinakabitan ng mga Cartel ng Teatro, ay walang nakikita kundi ang nagpuputiang papel na kinalilimbangan ng mga titik na pula na ang nasasabi'y ang sumusunod:
=Dulaang Makata=
=Unang pagtatanghal ng Dulang tatlong yugto, ng kilalang Makatang Ernesto del Rio at pinamagatang =
=SA TABI NG BAN~GIN=
?daluhan! ?panoorin ang mainam na dulang ito!=
Hapon ng lingo noon.
Sa magandang lan~git ay walang isa man lamang ulap na nakatatabing baga �� nakadudungis.
Si Ernesto, ay tinun~go ang bahay ni D. Armando, na ng mamasdan sa mukha ng dumating ay biglang nagsabi na:
--Ernesto, anong saya mo ngayon.
--Oo nga, pagka't ... nguni't, hindi, hindi ko tuturan hangang di mo ipangako sa akin na ako'y di hihiyain.--ang tugon ni Ernesto.
--Sa ano yaon?
--Di mo ako hiihiya��n?
--Hindi.
--Kung gayon, mamayang gab��, ay itatanghal sa "Tanghalang Makata" ang isang bago kong dula na ang pamagat ay SA TABI N~G BAN~GIN.
--Bagong dula mo na naman?
--Oo, at iya'y ika limangpuo't lima na:
--Wala kang pagod na tao!
--Paparoon ka?
--Oo, asahan mo.
--Kung gayon ay naito ang Palco presidencial. Ibig kong ikao ang man~gulo sa aking palabas.
--Napaka labis naman yata iyan.
--Labis? kulang pa ang sabihin mo sa isang gaya mong bagong Mecenas.
--Salamat sa papuri mong iyan, Ernesto, at inaasahan ko na, n~gayon pa, ang tagumpay mo mamaya.
--Tunay, at sa dulang iyan ay inaasahan kong lalong lalaki ang aking n~galan sa malawak na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.