Sa Tabi ng Bangin | Page 2

Jose Maria Rivera
sa kaniyang puso, ay hindi nakatkat, ni ng matuling panahon, ni ng matagal na pagkakalayo; at isang Amalia, in��ng sa hirap ng an��k ay nakalimot sa kaniyang sarili upang wala ng mithi��n kundi ang ililigaya no��n.
* * * * *
Ang lahat ng mga naunang talata ay siyang laman ng aklat ng kaibigang Pepe Maria Rivera, aklat na dahil sa kaniyang mainam at kalugodlugod na pangyayari, ay ina-asahan kong babasahin ng tanang mahiligin sa mabubuting babasah��n.
Sa kahulihulihan, na aalaala ko ngayon ang isang pangyayari ng kaibigang Rivera, ng kasalukuyang kami ay nagtatapos ng pag-aaral sa "Liceo de Manila, na, samantalang kaming lahat ay nag-aaral ng paggawa ng "composici��n" at pagdin~gig sa aming Profesor (ang namatay na D. Juan Basa), ang kaibigang Rivera naman ay walang pinagkakaabalahan kundi ang pagsulat ng mga tula at tuluyang ilinalathala sa pahayagang "La Patr��a".
Perfecto del Rosario.
Tund��, Disiyembre ng ta��ng 1910.

I.
=Langit na maulap=
Umaga.
Ang araw ay maliwanag na sumisikat, at tinatanglawan ang lahat ng pinagharian ng gabi; ang lan~git ay walang mga panganorin na nakadudun~gis sa kulay niyang azul; ang mga sampagang nangag tikum ang dahon matapos na matangap ng kanyang talulod ang ban~go sa isang mahiwagang gabi, ay paraparang ilinalahad at pinahahalimuyak ang ban~go niyang na impok ng sakdal lwat.
Si D. Armando, matapos na makapagbihis at makakain ng agahan, ay dagling tumun~go sa sabitan ng sumbalilo at matapos kunin ang kailan~gan ay nagsabi sa isang babayeng nakaupo pa sa kakan��n, ng:
--Hangang mamaya, Magdalena.
--Hintay ka muna Armando at maaga pang-lubha--anang babaye na may halong lambing.
--Namamali ka nang pagsasabi ng gayon. Alamin mo Magdalena na ang tatlo nating vapor ay man~gagsisialis sa umagang ito, at marami sa mga kinakailan~gan ay wala pa. Bawa't saglit na ikabalam ko, bawa't isang "minuto", ay libo-libong piso ang mawawala sa atin at ito'y di marapat na mangyari.
--Mahal pa sa iyo ang oficina kay sa akin, Iniibig mo pa ang "negocio" mo kay sa akin....
--At di mo dapat ipagtaka, pagka't ang kualta ay kailan~gan at ng di natin abutin ang paghihikahos. Diyan ka na.
At noon din ay nanaog si D. Armando at sumakay sa kanyang carruaje.
Samantala, ang naiwan niya ay mangiak-n~giak halos kaya't sa bibig ay pinapamumulas ang mga salitang:
--Gaya din ng mga araw na nagdaan. Inibig ko siya sa pagsasapantahang, sa kaniyang puso ay walang ibang sasambahin kundi ako lamang, n~guni't ako pala ay nagkamali: sa puso pala niya ay may tan~gi pang nasusulat ng higit sa n~galan ko ?Saan matatagpuan ang isang pusong makapagdudulot sa aking mga pinipithaya?
Matapos na sabihin ito, ay biglang tumindig sa kinakanang lamesa at pumasok sa kanyang silid.

II.
=Ang mag-asawa ni D. Armando=
Bago ipatuloy ang pagsasalaysay ng mga bagay na nangyari, sandali kong tuturan sa mga nanas��, kung sino si D. Armando at si Magdalena.
Si Dn. Armando ay isang ginoong pagka husto na ng isip ay kinamatayan ng kaniyang mga magulang na naiwanan ng di kakaunting "mana". Palibhasa't siya'y mauilihin sa pangangalakal, ay itinuloy ang bahay kalakalan ng kaniyang ama. Kaiguihan ang taas at pangangatawan, at ang gulang ay sasakay na marahil sa 45.
Si Magdalena naman, ay dili iba kundi ang asawa ni D. Armando; siya ay magandang lubha at masasabi ngang sa Bayan ng M. ay walang mangunguna. Sa taglay na puso na uhaw at kailan man ay di masasapatan ang mga kahilingan, ay walang ninanasa kun di ang samyuin ang pag ibig. Datapwa't sa isang pagkakataon ang napangasaua ay may pagka mahilig sa pangangalakal at di na halos naaalaala ang kabiak ng kanyang puso, bagay itong ipinagdadalamhating labis! Ang gulang niya'y 26 �� 27 na.

III.
=SUMANDALING LANGIT=
Isang umaga na bilang pangatlo na nang mga nangyaring pagpapaalam ni Dn. Armando kay Magdalena, ay may kumatog sa pintuan ng tahanang iyon na ng patignan sa isang alagad ay nakitang iyon pala'y si Ernesto del Rio.
Palibhasa't ang tumawag ay ipinalalagay ni D. Armando na matalik niyang kaibigan, kaya't naaaring kahit anong oras ay nakaparoroon.
Binuksan na nga ang pintuan na daan at makaraan ang ilang sandali ay tuluyang umakiat ang binatang Ernesto.
Mamalas ng dumating ang ayos ni Magdalena, ay nagturing na:
--Magdalena, ?bakit at sa pagmumukha mo'y nalalarawan ang hapis? ?Bakit ang sun~git ng yamot ay lumululan sa iyong puso?
Tinitigan sumandali ng kinakausap ang katatapos na tumanong, bago sinundan ng isang buntong hinin~gang sumasaksing mabigat na lubha ang pagbabakang nangyayari sa kanyang puso, at pagkatapos ay nagsabing:
--Ernesto, tunay ang iyong sinabi, pagka't....
--?Ang alin?--ang sambot ng kausap.
--Ako'y di ini-ibig ng aking asawa.
--Bulaan ang sapantaha mong iyan, Magdalena, pagka't ang di umibig sa iyo, ay walang puso, at si Armando ay pinatunayang, lalaki siyang marunong umibig pagka't hinirang ka niyang maguing asawa na pipintuhuin....
--Nagkakamali ka Ernesto, pagka't sa puso ni Armando ay di ako ang sinasamba kundi....
--?Sino? ?May iba pa siyang iniibig?
--Oo, mayroon.
--Maaari ko kayang makilala?
--Bakit hindi
--Turan mo, Magdalena.
--Ang "kualta," ang "ginto."
Hindi nakakibo sa gayon si Ernesto, at ang pagkatao'y waring lumayo sa kaniya, ng saglit.
--?Di ba totoo Ernesto na kung sa iyo mangyayari ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.