Sa Tabi ng Bangin
The Project Gutenberg EBook of Sa Tabi ng Bangin, by Jose Maria Rivera This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Sa Tabi ng Bangin Kasaysayan Tagalog
Author: Jose Maria Rivera
Release Date: October 18, 2005 [EBook #16899]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK SA TABI NG BANGIN ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page scans provided by University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
Jose Maria Rivera
Sa tabi ng Bangin....
AKLATANG BAYAN ...III AKLAT
=Kalakal Tagalog=
Aywan kung sino ang nagsabing: "ang pilipino ay di marunong tumangkilik sa kalakal ng kalahi"; sa sino man, ay di sasalang siya'y kaayaw ng bayang tagalog, sapagka't ayon sa mga pangyayari ay napagkitang tsang lubus na kasinun~galin~gan ang gayong kasabihan.
Nagsisipan~gusap na katibayan ang masasaligan ng ganitong paniwala at isa na rito'y ang "BAKAL", Sto. Cristo, blg. 86 Maynila, Almacen ng Cemento, Lierro galv, Alambre, Petroleo, araro at ibp. na, totoong malusog, at ang kalusugang ito'y di utang sa kanino man kungdi sa pag amakabayan ng kanyang mga mananangkilik at sa mga iya'y walang nabibilang na isa mang taga ibang lup��.
Isang batas ng kalikasan na ang lan~gis ay hanapin ang kaawa lan~gis at ang tubig ay sa kapwa tubig.
=Jose Maria Rivera=
=SA TABI N~G BAN~GIN....=
=KASAYSAYANG TAGALOG=
=UNANG PAGKALIMBAG=
=Maynila,=
=1910=
=Limbagang "MAPAGPUYAT" Daang Santiago de Vera Blg 10 Bagtasan ng Moriones at Morga,= =TUNDO.=
=MGA KATHA NI J.M.a RIVERA=
KASALUKUYANG LINILIMBAG
=Dalawang Lilo= =Tamis at Pakla.=
=IPALILIMBAG=
=Luha ng Puso.= (Mga Tula.)
=Bagong Magdalena.=
=Hiyaw ng Diwa.= (Mga Tula.)
=?Alipin!.......=
=Sa babasa=
Mangbabasang guiliw:
Bago siyasatin ang pinakalam��n ng akl��t na it��, ay pagkaabalahang tunghayan sandali ang mga pang-unang titik, na siy��ng maghahatid sa iny��ng tunghayan ng mga larawan ng maykatha at ng kaniyang katha.
?Kung sino si Jos�� Mar��a Rivera? An��k sa bayan ng Tund��, halaman na naging punlaan ng mga Zorrila, Joseng Sisiw ... at mga iba pang lak�� sa alo ng tula; si Jos�� Maria Rivera ay is��ng kaluluwang busog sa mga pan~garap. Bat��ng bat�� pa siya ng mabilang sa hanay ng mga mamamahayag: lalabing pitong ta��n. Hindi nalaunan at ang manunulat ay naging masikap na kampon ni Minerva pagkatapos, na mapabilang sa mga manghihimagsik ... Panulat at baril, sa kamay niy��, ay iis��ng bagay: pananangg��l ng buti, panggiba ng sama.
Sa gulang na dalawangpuong ta��n, ang manghihimagsik, ay tumahak na naman ng bagong landasin: nanulat ng dulang tagalog.
At mangdudula na at manghihimagsik at mamahayag, ay inibig pa ring kumita ng lalong dan~gal. Kaya't pinilit pang makapag "Bachiller en Artes", "Perito Mercantil" at "Licenciado en Derecho".
Makat��s na likha ng talinong ito ang:
* * * * *
"SA TABI N~G BAN~GIN"--Tatlong personahe ang lumilikha ng mga pangyayari: Ernesto, binat��; Armando at Magdalena, mag asawa. Si Ernesto ay is��ng bant��g, dakila, at matalinong makata at mangdudula--kaluluwa ng kadakilaan, pusong bakal. Magdalena "Pusong Babae", mahina, yuko at tiklop ang tuhod sa mahiwagang kapangyarihan ng puso. Don Armando--mayamang man~gan~galakal, punong ganid, pusong nadadarang sa kinang ng pilak, at sumasagot lamang sa pan~gan~gailan~gan ng ginto.
Ang pagkamuhi ni Magdalena sa kaniyang asawa, at paghanga nito sa bantog na makata at mangdudulang si Ernesto, ay siyang nagbulid sa kaniya sa makamandag na kamay ng mahiwagang kapangyarihan ng puso. Ipinahiwatig niy�� at ipinakilala kay Ernesto ang kanyang pag ibig, bagay na tinanggap ni Ernesto ng boong galak at pagdiriwang na tulad sa usok na pumapaitaas at kusang napaparam sa himpapawid--isang panagimpan; pagka't ng si Ernesto ay sumapit sa kaniyang tahanan, at muling suriin sa kaniyang isip ang mga nangyari, ay isang malak��s na ?Hindi ...! ang narinig niyang ipinaghihiyawan ng boong lak��s ng kaniyang "conciencia"--ginamit ni Ernesto ang kaniyang pagkapusong bakal, kinuha ang panitik at inakda ang dulang "SA TABI N~G BA?GIN", dulang naglalarawan ng buhay nila ni Magdalena.
Sa araw ng unang pagtatanhal ng bant��g na dula, ay inaniyayahan ang mag asawang Armando at Loleng. Di natapus ang dula, at si Loleng ay niyapos ng takot, siya'y nanglamig, nan~galisag ang kaniyang buh��k, nan~gatal ang kaniyang katawan, at sandaling pinanawan ng pagkatao ... Sinakal ng takot ang kaluluwa ni Loleng sa harap ng gayong pagkakasala.
Matapus ang gayong pangyayari, ay nagsadya si Ernesto sa bahay ng kaibigan niyang mag-asawa, at nagpaliwanag ng bagay na nag-udyok sa kaniya ng pagakda ng gayong dula; si Loleng ay nagsisi, si Armando ay pinatawad siya, at si Ernesto ay nakatupad sa hiy��w ng kaniyang "conciencia".
"KASAYSAYAN NG ISANG HALIK", salaysaying pinaglalarawanan ng isang Dariong dalisay umibig, ng isang Angela na bago namatay ay binigkas muna ang pan~galang ?Dario ...!, pan~galan ng sinta na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.