Sa Ano Nabubuhay Ang Tao | Page 8

Leo Nikoleyevich Tolstoy
ikinangiti. Napangiti
akong muli ng pumarito ang _barini_, sapagka't naihayag sa akin ang
ikalawang salita; at ngayon, pagkakita ko sa mga bata ay ikinangiti
kong pangatlo sa pagkarinig ko ng ikatlong salita ng Diyos.
Tinanong siya ni Semel: sabihin mo sa akin, Mikhail kung bakit ka
pinarusahan ng Diyos at kung anong mga salita ito upang malaman ko
naman.
Si Mikhail ay sumagot:
Pinarusahan ako ng Diyos dahil, sa aking paglabag. Sa langit ay isang
anghel ako, at siya ay aking sinuway. Nuon ay isa ako sa mga anghel sa
langit at sinugo ako ng Diyos sa isang kaluluwa, sa kaluluwa ng isang
babae. Bumaba ako sa lupa at nakita ko ang isang babae na
nakalugmok sa higaan, may sakit at kapanganganak lamang sa
dalawang batang babae. Ang mga ito ay nangagsisihibik sa tabi ng ina,
at siya'y napakahina na di niya mapasuso sila. Pagkakita sa akin ay
nataho na kailangan ng Diyos ang kanyang kaluluwa; tumangis at
nagsabi sa aking namamanhik:
Anghel ng Diyos, ang aking asawa ay namatay, na nabuwalan ng isang
punong-kahoy sa gubat; ako'y walang ina, o kapatid, o ali: ang aking
mga ulila ay walang inaasahan, liban sa aking abang kaluluwa:
pabayaan mo akong mapalaki ko ang aking mga anak; ipagpaubaya
mong sila'y makalaki sapagka't ang mga bata ay hindi maaaring
mabuhay ng walang ama o ina.
Sinunod ko ang babae, ipinatong ko ang isang anak sa kandungan at
ang isa'y sa kanyang bisig; muli akong napailanlang sa langit, at
pagharap ko sa Panginoon ay sinabi kong: Hindi ko nagawing dalhin
ang kaluluwa ng nanganak. Ang ama'y namatay, siya'y may dalawang
anak na kambal at ipinamanhik sa akin na siya'y pabayaan kong
mabuhay hanggang sa mapalaki niya ang kanyang mga anak na hindi
mangyayaring mabuhay ng walang ama o ina. Hindi ko nga dala ang
kaluluwang iyan.
Sinagot ako ng Diyos:
Ikaw ay yumaon at dalhin mo sa akin ang kaluluwa ng inang iyan, at

mapagkikilala mo ang tatlong salita ng Diyos; iyong malalaman ang
_sumasa mga tao, ang hindi ipinabatid sa tao at ang bumubuhay sa tao_.
Pagkakilala mo ng tatlong salitang ito ay babalik ka sa langit.
Nagbalik ako sa lupa at dinala ko ang kaluluwa ng abang ina. Ang mga
bata ay nagsibitiw sa sinapupunan ng ina at ang bangkay, sa
pagkabuwal sa tagilirang kaliwa, ay nadaganan ang paa ng isa sa mga
bata. Ng ako'y nakatayo sa may dakong itaas ng nayon upang dalhin
ang kaluluwa sa Maykapal ay hinadlangan ako ng isang buhawi,
nanghina ang aking pakpak at nangatikom: Ang kaluluwa ay
naipalanlang sa langit, at ako'y napalugmok sa lupa sa tabi ng
lansangan.

XI
At napag-unawa nga ni Semel at ni Matrena kung sino yaong kanilang
binihisan at pinakain at kung sino yaong kasama nila. Sila'y napaiyak
sa kagalakan at katuwaan, at ang anghel ay nagpatuloy ng pananalita:
Ako'y nanatiling mag-isa at hubad na nasa daan. Nuo'y hindi ku pa
kilala ang anumang kahirapan ng tao, ang ginaw o ang gutom man.
Ako'y naging tao, nagdamdam ako ng gutom at di ko malaman kung
anong gagawin. Nakakita ako ng isang simbahan, na itinalaga sa
Walang Hanggan at inisip kong tumuloy roon. Ang pinto ay
nakatalasok. Sapagka't hindi ako makapasok ay naupo ako sa pintuan at
pinagsikapang kong duon makasilong; gumabi, nagdamdam ako ng
ginaw, nagdamdam ako ng gutom, ininda ko, at ako'y nanginig. At ang
hirap ay sumaakin. Agad akong nakarinig ng yabag sa daan; may
dumarating na isang tao; may dalang mga bota at nagsasalitang ang
mga ngipin ay nagngangalit. Nuon ako nakakitang una ng mukha ng
taong may kamatayan, at kung sa bagay na ako'y tao na rin ay natakot
pa rin sa mukhang yaon, Inilingon ko ang aking ulo at aking narinig, na
nagsasalitang laban sa akin.
Paanong pakakanin ko ang aking asawa at, aking mga anak? Paanong
kakandilihin ko sa ginaw ng taginaw ang mga nanginginig na sangkap
namin ng katawan? At inisip kong:
Ako'y namamatay sa ginaw at gutom at naito na dumaraan ang taong
ito na ang iniisip lamang ay ang kanyang kailangan at di matutuhan ang
ako'y saklolohan.
Nakita ako ng nagdaraan, nagkunot ng noo, nag-anyong marahas at

nagpatuloy ng paglakad ... Nawalan ako ng pag-asa. Pagdaka'y nakita
kong bumalik, siya'y aking tinignan at hindi ko nakilala: Ang kanyang
mukha ay patay ng una at nakita kong nagliwanag ng larawang Diyos.
Ang nanauling buhay ay lumapit sa akin, binihisan ako, tinagnan ako sa
mga kamay at ipinagsama ako sa kanyang bahay. Ang kanyang asawa
ay nasa sa pintuan ng dampa at nangusap: ang babaing yaon ay lalong
kakila-kilabot kaysa lalaki; ang anyo ng kamatayan ay nabubuka sa
kanyang bibig, ang anyong nakamamatay ng kanyang mga salita ay
umiinis sa akin, at ako'y nanlupaypay; inibig niyang mahandusay na
muli ako sa ginaw, sa hirap, sa kamatayan, at aking napag-unawa na
siya man ay mamamatay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 13
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.