Sa Ano Nabubuhay Ang Tao | Page 7

Leo Nikoleyevich Tolstoy
pu bang ganyan?
--Hindi po, natuntungan ng kanyang ina.
Si Matrena, na nakakapakinig ng salitaan ay nakisagot.
--Sino ka,--aniya--at sinu-sino ang mga batang ito? Ina ka ba nila?
--Ako'y hindi nila ina o kamag-anak man; sila'y mga inari kong anak.
--Diyata't pinakaiibig mong maigi ay hindi mga kadugo?
--Bakit hindi ko iibigin sila? Pinasuso ko sila ng aking gatas. Ako'y
nagkaanak ng isang lalaki na kinuha sa akin ng Diyos; hindi ko totoong

inibig na gaya ng mga ito.
--Kanino ngang anak sila?

IX
Si Matrena ay nakipagsalitaan sa babaing yaon, na nanalaysay ng
ganito;
--May anim na taon nang ulila sila. Ang ama ay namatay ng martes at
ang ina ay ng biyernes. Sila'y naulila sa ama bago naipanganak at ang
kanilang ina ay hindi nabuhay ng isang araw man lamang
pagkapanganak sa kanila. Nuon nga ay nakatira kami ng aking asawa
sa nayong yaon, at sila'y aming kakapit-bahay. Ang ama'y gumagawa
sa gubatan, at nabuwalan ng isang punong-kahoy; nasaktan ng di
kawasa na anupa't pag-dating sa bahay ay inihandog ang kanyang
kaluluwa sa Diyos. Ang kanyang asawa'y nanganak pagkaraan ng
tatlong araw, na ang mga ito ang naging anak. Mga kaawa-awa at
walang mag-andukha. Sa palibot ng kanilang higaan, ay walang hilot o
alila; nanganak na mag-isa. Dinalaw ko kinaumagahan, ako'y pumasok
at aking natagpuang patay na ang abang babae. Pagkamatay ay
nadaganan ang munti at napilay ang paa nito. Dinaluhan ng mga tao,
inayos ang bangkay, isinilid sa kabaong at ibinaon sa lupa. Ang mga
kapitbahay ay mabubuting tao, nguni't ang mga sanggol ay naulila at
walang mag-andukha. Ako nga ang tanging nag-alaga sa kanila;
nagpapasuso ako ng aking panganay at ipinakisuso ko sila. Ang mga
mujik ay nagtitipon, nagsalitaan, nagsanggunian kung ano ang marapat
gawin sa kanila, at ito ang sinabi sa akin:
--Ikaw na ang bahalang mag-alaga sa mga sanggol na ito, iyong
pasusuhin at mapagiisip-isip mo ang lalong magaling. Napasuso ko na
ang una, nguni't ang isa, ang abang pilay ay hindi pa, hindi ko akalaing
mabuhay, nguni't agad iniwaksi ko ang aking katigasang-loob;
dumadaing at aking kinahabagan. Bakit maghihirap iyang kaluluwang
anghel? Aking pinasuso at inalagaan ang tatlo, ang aking anak at ang
mga ulila, ako nuo'y bata at malakas, kumain akong mabuti at
nagkaroon ako ng saganang gatas, at ako'y pinagpala ng di kawasa ng
Panginoon. Pinasususo ko ang dalawahg bata at naghihintay ang ikatlo,
pagkabusog ng dalawa, ay saka ko pinasususo ang ikatlo at
ipinagkaloob sa akin ng Diyos na sila'y aking mabuhay. Ang aking
anak ay namatay pagkaraan ng dalawang taon, at hindi na ako

pinagkalooban, pa uli ng Diyos ng anak. Habang ito'y nangyayari ay
bumubuti ang aming pamumuhay, ngayo'y natitira kami sa isang
alilisan, sa bahay ng isang may tindahan. Binabayarang kaming mabuti
at ang aming buhay ay tiwasay, nguni't wala akong anak. Sinu pang
aking lilingapin kung wala ang mga batang ito? Wala nga akong mga
kasama. Bakit ko nga di ibigin at mahalin sila? Sila ang mga anino ng
aking mata at ligaya ng aking buhay.
Niyakap ng babae ang mga bata, hinagkan ang pilay at naglaro ang luha
sa kanyang mga mata.
Nabubuhay ang walang ama at walang ina; hindi nabubuhay ang
walang Diyos, anang kawikaan.
Gayon nagsalitaan at humanda na ng pag-alis ang babae. Sa paghahatid
sa kanya nina Semel ay nalingunan si Mikhail na nakayakap ang mga
kamay sa mga tuhod, ang mga mata'y nakatirik sa langit at nakangiti.

X
Siya'y nilapitan ni Semel at pinagsabihan.
--Anong ginagawa mo, Mikhail?
Tumindig si Mikhail, iniwan ang ginagawa, nag-alis ng tapi, yumukod
sa mag-asawang panginoon niya at nagsabi sa kanilang:
--Patawarin ninyo ako, mga panginoon, pinatawad na ako ng Diyos.
Patawarin naman ninyo ako.
Napagkita nina Semel, na si Mikhail ay nagliwanag. Tumindig si Semel,
yumukod sa kanya at nagsabing:
--Napagkikita ko, Mikhail, na ikaw ay isang taong di gaya ng iba, at
hindi kita mapipigil sa aking piling o matatanong man. Sabihin mo
lamang sa akin: Bakit ikaw ay napakawalang-imik, at totoong gitla ng
ikaw ay aking matagpuan at ipagsama sa aking bahay?
--Bakit ka pinagsaulian ng loob, ng hainan ka ng aking asawa ng
pagkain? Nuon nga'y napangiti ka at sumigla ang iyong kalooban.
Saka ng pumarito ang _barini_, na magpasadya ng mga bota ay
napangiti kang muli at lalong sumigla ang iyong kalooban, at ngayong
dalhin dito ng babaing ito ang mga bata ay napangiti kang makaitlo at
nagliwanag ang iyong mukha. Sabihin mo sa akin, Mikhail. Bakit
sumisilang sa iyo itong dalisay na liwanag at bakit ka ngumiting
makaitlo?
At sumagot si Mikhail.

--Sumisilang sa akin ang liwanag, sapagka't ako'y naparusahan;
hinatulan ako ng Diyos at ngayo'y pinatawad na ako; ako'y napangiting
makatatlo sapagka't dapat akong makarinig nga ng tatlong salita ng
Diyos at aking nangarinig. Narinig ko ang una ng mahabag ang iyong
asawa sa aking kaabaan, yaon nga'y una kong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 13
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.