Sa Ano Nabubuhay Ang Tao | Page 6

Leo Nikoleyevich Tolstoy
anyo na hindi magagamit na
pambota. Ibig niyang magsalita, nguni't kanyang naisip:
--Marahil ay hindi ko naulinigan kung anong anyo ng bota ang
kailangan ng _barini_; nalalaman ni Mikhail ang ginagawa, at hindi ko
siya pakikialaman.
Ginawa ni Mikhail na isang susuutin sa paa at tinahing parang
sandalyas. Namangha si Matrena, nguni't hindi siya pinakialaman, at
ipinagpatuloy ni Mikhail ang pagtahi. Dumating ang oras ng pagkain.
Tumindig si Semel at kanyang napuna na ginawang sandalyas ni
Mikhail ang katad at hindi ginawang bota, bagay na nakapagtataka sa
isang tao na kailanman ay hindi nagkamali. Si Semel ay nakapagbigkas
tuloy ng isang badyang pamangha.
--Ating nasira ang katad; ano kayang sasabihin ko sa _barini_? Saan
kaya ako makakasumpong ng ganyang katad?
At sinabi kay Mikhail.
--Anong ginawa mo. Ako'y iyong ipinahamak, katoto. Hinihingan ako
ng barini ng bota. Nasaan?
Noon nga ay may tumuktok sa pintuan. Sa dungawan ay nakita ang
alila ng _barini_, na nagtatali ng kanyang kabayo sa pintuan.
Pinagbuksan ni Semel at ang alila ay patang-pata sa pagod.
--Magandang gabi po, suki.
--Magandang gabi rin pu naman. Anong nangyayari?
--Inutusan pu ako ng asawa ng barini upang kunin ang mga bota.
--Ang mga bota?
--Opo, hindi na pu kailangan ng _barini_; hindi na pu niya maisusuot.
Nais sa inyo ng asawa ng barini na humaba nawa ang inyong buhay.

--Hindi pu nagawing dumating na buhay sa bahay. Namatay sa vozok o
karwahe. Dumating kami, aking pinagbuksan at nakita kong
nakatimbuwang at bangkay. Pinaghirapan namin ng paglalabas sa
vozok. Inutusan ako sa inyo ng asawa ng _barini_, na
sinabing:--Pumaroon kang sabihin mo sa magsasapatos, na ang gawin
ay sandalyas na pansuot sa bangkay at huwag bota na gaya ng
ipinasadya ng barini. Sabihin mong ipagmadalian. Ikaw ay maghintay
at dalhin mo ang mga sandalyas.
Dinampot ni Mikhail ang sandalyas at pati ng pinagputulang katad,
binalot na lahat at iniabot ang balutan sa alila, na naghihintay:
--Adiyos mga kapatid, tulungan nawa kayo ng Maykapal.

VIII
Nakaraan ang isang taon, dalawa, at may anim nang taon na si Mikhail
ay na sa bahay ni Semel. Ang buong pamumuhay, ay di rin nagbabago.
Kailanma'y hindi siya umaalis. Bahagya nang magsalita at
mamakalawa lamang napangiti, na ang una, ay ng hainan siya ng asawa
ni Semel, at ang ikalawa'y ng dumalaw ang barini. Si Semel ay
tuwang-tuwa sa kanyang pangulong manggagawa at di niya tinatanong
kung saan galing; iisang bagay ang kanyang pinapanimdim, na baka si
Mikhail ay lumayas.
Isang araw ay nagkakapisan silang lahat. Ang mga bata ay naglalaruan
at nangaghahagaran sa mga bangkong malapit sa mga dungawan. Si
Matrena ay nagpapainit ng mga bakal na pambaluktot; si Semel ay may
hawak na pambutas; at si Mikhail ay nagtatapos ng isang takong. Isa sa
mga bata ay humilig sa balikat ni Mikhail na nasa tabi ng dungawan at
nagsabing:
--Tignan mo, Mikhail, naito ang isang tindera na may kasamang
dalawang batang babae; tila mandin paparito sa atin. Isa sa mga batang
babae ay pipilay-pilay.
Pagkarinig ng mga salita ng bata ay iniwan ni Mikhail ang gawain at
dinungaw. Si Semel ay napataka; si Mikhail ay hindi nanunungaw
kailanman at ngayo'y nakikita niyang nakadukwang. Si Semel ay
nakidungaw rin. Kanyang nakita nga, na may isang babaing lumalapit,
na maigi ang pagkabihis at may kasamang dalawang batang babae na
nangababalabalan ng katad at nangakapamindong sa ulo ng panyong
lana. Ang dalawang bata ay magkamukha at halos hindi mawari ang

pagkakaiba nilang dalawa, nguni't ang isa sa kanila ay napipilay at
kinakaladkad ang paa.
Ang babae ay tumigil sa pintuan, ibinukas ang pinto, at nasok na
kasunod ang dalawang bata.
--Magandang umaga po, mga maestro,
--Dumating nawa kayo ng maligayang oras. Anupung sadya ninyo?
Ang babae ay naupo, at ang mga bata ay hindi humiwalay sa kanyang
siping.
--Ititingin ku po ng sapatos ang mga batang ito.
--Kailanman po ay hindi kami gumawa ng napakaliit, nguni't
maigagawa namin kayo ng inyong ibigin. Amin pung titignan kung
maigagawa namin kayo ng aporong basahan o ng katad. Sabihin ninyo
ang inyong ibig. Si Mikhail na aking pangulong manggagawa ay
totoong matalino.
Lumingon si Semel at nakita niya na walang kaalis-alis ang mata sa
mga bata.
Si Semel ay napamangha ng higit at higit. Tunay na ang mga munting
batang yaon ay magaganda, nakatutuwa, may mga pisnging
namumula-mula at maiitim ang mata; ang mga balabal at ang mga
pamindong ay napakarikit, nguni't hindi niya maunawa kung bakit
nakahalina ng gayon na lamang kay Mikhail, na para bagang
kilalang-kilala na niya. Si Semel ay nakipagsalitaan sa babae at
kanyang kinuha ang sukat.
Kinalong ng babae ang pilay at nagsabing:
--Kunan ninyo ng dalawang sukat ito.
Igawa ninyo ng isang sapatos ang paang pilay at tatlo ang magaling,
sapagka't kambal ay magkapara ng sukat.
Pagkatapos na masukatan, ay nagtanong si Semel na nakatingin sa
pilay:
--Anu po ang ikinapilay? Ipinanganak na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 13
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.