Sa Ano Nabubuhay Ang Tao | Page 5

Leo Nikoleyevich Tolstoy
kay Semel. Sa tanaw lamang ay kilala na siya at
unti-unting yumaman si Semel.
Isang araw ng tag-inaw, na gumagawang magkatulong ang dalawang
magpanginoon, ay sa darating ang isang voyok o karwahing hila ng
tatlong magagaling na kabayo, na nagtutunugang masaya ang mga
kampanilyang nakakuwintas, at sa titigil sa harap ng pintuan nila.
Bumaba sa piskante ang isang alila na nagbukas ng pinto, at ang sakay
na isang barini o isang maharlika ay bumaba na nababalot ng isang
magaling na balabal. Nanhik sa hagdanan. Binuksan ni Matrena ang
pintuan. Ang barini ay yumuko na nasok at tumayong matuwid; ang

ulo ay halos masukdol sa kisame at nalalaganapan niyang mag-isa ang
isang sulok ng kabahayan. Si Semel ay bumating may pagkamangha sa
barini. Kailanman ay di siya nakakita ng taong gaya niyaon. Si Semel
ay natigilan, si Mikhail ay walang imik; si Matrena ay naging parang
isang tuyong punong kahoy. Ang taong yaon ay masasabing parang
galing sa ibang mundo; ang kanyang pagmumukhang malaki at
mabilog at ang kanyang leeg-toro ay nakapaglalarawan sa kanya ng
isang kakaibang taba.
Pagkahinga ng buong lakas ay nag-alis ng balabal ang _barini_, naupo
sa bangko at nagsabing:
--Sino sa inyo ang maestro sapatero?
Si Semel ay lumapit.
--Ako po, Kagalang-galang.
Tinawag ng barini ang kanyang alila; iabot mo sa akin ang katad,
Fedka.
Dinala ng alila ang isang balutan, inilapag sa hapag (mesa).
--Buksan mo ang balutan.
Ang alila ay sumunod.
Itinuro ng barini kay Semel ang katad.
--Nakikita mo bang maigi, magsasapatos?
--Opo, Kagalang-galang.
--Nakikilala mo ba kung anong uri iyan?
Pinitik ni Semel ang katad at nagsabing:
--Iyan po ay pinakamabuting uri.
--Oo nga, iya'y pinakamabuting uri, tulig; kailanman ay hindi ka
nakakita ng gaya niyan; iyan ay katad na galing sa Alemanya, nalaman
mo ba? Ang halaga ng katad na iyan ay dalawampung rublo.
Si Semel ay natatakot-takot na tumugon:
--Paanong ibig ninyong kilalaning ko?
--Mabuti. Maigagawa mo ba kaya ako ng mga bota sa katad na ito?
--Opo, Kagalang-galang.
Ang barini ay nagbigkas.
--Mangyari! Tignan mong mabuti ang tao na nagpapagawa sa iyo niyan
at pati ng kainaman ng katad na iyan; igawa mo ako ng mga bota na
magluluwat ng isang taon; na isang taon kong magagamit na hindi man
lamang masisira o mapapahiwid. Kung magagawa mo ay tanggapin mo
ang katad na ito at iyong tabasin; kung hindi naman ay iyong tanggihan.

Aking ipinagpapauna sa iyo, na kung ang mga botang iyan ay masira
bago mag-isang taon ay ipapasok kita sa bilangguan, kung magtagal sa
akin ng isang taon ay pagkakalooban kita ng sampung rublo.
Si Semel ay nagitla, nagdili-dili, hindi niya malaman ang gagawin.
Tinignan niya si Mikhail, kanyang siniko at itinanong kung maaaring
tanggapin o hindi.
Tinanguan siya ni Mikhail, at tinanggap ni Semel na nangako na
kanyang gagawing mga bota na hindi masisira o mapapahiwid man
lamang sa loob ng isang taon.
Tinawag ng barini ang alila. Iniunat ang kanyang paa, at nagsabing
kung gayon ay sukatan mo ako, ang paa ng barini ay napakalaki na
nangailangang gumupit pa ng ibang papel bagaman ang una ay
napakalaki na. Sinukat ni Semel ang talampakan, ang ibabaw ng paa at
saka sinukat ang binti; nguni't ang papel ay hindi nag-abot na maigi,
ang binti ay napakataba. Habang kinukunan ng sukat ni Semel, ay
lilingap-lingap ang barini sa lahat ng dako. Namataan si Mikhail.
--Sino ito?--ang tanong.
--Siya kong manggagawa--ang sabi ni Semel.
--Magpakaingat ka! Dapat magluwat ng isang taon.
Tinignan ni Semel ang pagkatungo ni Mikhail at kanyang nahalata na
wala sa loob nito ang _barini_, kundi nakatingala siya sa ulunan ng
barini na parang may nakikita siya. Si Mikhail ay tingin ng tingin.
Agad napangiting masaya.
--Anong ikinatatawa mo?--ang tanong ng barini. Pag-ingatan mo, na
ang mga bota ay iyong mayari sa takdang panahon.
Si Mikhail ay sumagot:
--Mangyari, kailanman at kailanganin.
--Mangyari,--ang bigkas ng barini na sabay isinuot ang balabal.
Tumungo sa may dakong pinto; nguni't nakalimot yumuko, at naumpog
ang ulo sa halang, na anupa't nagbubulong sa galit. Agad lumamig ang
ulo, kinuskos ang noo at sumampa sa vosok.
Pagkaalis ng barini ay sinabi ni Semel.
--Ito nga ang matibay na parang puno ng kahoy; nasira ang halang at
bahagya nang naramdaman.
At sinabi ni Matrenang:
--Sa taglay niyang pamumuhay ay mabuting tao kaya? Parang bakal
mandin at di madadaig ng kamatayan ng gayun-gayon lamang.

VII
Hinarap ni Semel si Mikhail.
--Tinanggap natin ang biling ito,--aniya,--baka tayo'y mapahamak. Ang
katad ay mahal, ang barini ay magagalitin; huwag lamang tayong
magkamali ay ... Ang iyong mata ay malinaw kaysa akin; ang iyong
kamay ay lalong tumpak; naito ang sukat, tabasin mo ang katad at
samantala ay gagawing ko ang iyong ginagawa.
Sumunod si Mikhail, tinagnan ang katad, iniladlad at pinasimulang
tinabas.
Tinitignan ni Matrena, na hirati sa gayong gawain, at ikinamangha na
tinabas ni Mikhail ang katad sa isang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 13
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.