Sa Ano Nabubuhay Ang Tao | Page 4

Leo Nikoleyevich Tolstoy
Biglang napatingin
doon sa di kilala at tumahimik. Nakaupo sa bangko na di umiimik, Ang
kanyang dibdib ay nanlalaki, halos magputok, na nakayakap ang mga

kamay sa mga tuhod, nakatungo ang ulo, naka-pikit ang mga mata, na
parang napipighati. Napatahimik si Matrena. Siya'y malugod na
pinagsabihan ni Semel.
--Matrena; nawala na ba kaya ang Diyos sa iyong kalooban?
Pagkarinig nito ng asawa ay napatingin doon sa di kilala, na nakatingin
naman sa kanya, at ang kanyang kalooban ay nabagbag. Siya'y muling
nasok at upang maghanda ng hapunan. Siya nga ay naghain at kanyang
inihain ang kahuli-hulihang tinapay.
--Hala, kumain ka,--ang sabi.
Binatak ni Semel ang binata hanggang sa dulang.
--Lumapit ka kapatid.
Pumutol ng tinapay, binasa at nagpasimulang kumain.
Si Matrena ay naupo sa isang sulok na nakapangalumbaba at
nakapatong ang mga siko sa mga tuhod saka minasdan yaong hindi
kilala.
Nagdalang habag siya; at nagtaglay siya ng habag sa kaaba-abang yaon.
Agad nagalak ang kalooban ng di kilala at pagtataas ng ulo ay
tuminging napangiti doon sa abang babae. Pagkatapos ng pagkain ay
iniligpit ng asawa ang mga pinggan at nagsabing:
--Saan ka nanggaling?
--Ako ay hindi tagarito.
--Bakit nasa tabi ka ng simbahan?
--Hindi ko masabi.
--Sinong naghubad sa iyo?
--Pinarusahan ako ng Diyos.
--At hubad ka na bang ganyan?
--Nanatili ako roong hubad. Ako'y naninigas sa ginaw, nakita ako ni
Semel at nahabag sa akin; isinuot sa akin ang kanyang damit at
pinasunod ako sa kanya. Ikaw ay nagdalang habag sa aking hirap; iyo
akong pinakain at pinainom. Pagpalain ka nawa ng Diyos!
Si Matrena ay tumindig, binuksan ang kanyang baul at kinuha ang
limang baro ni Semel na kanyang sinursihan at upang maisuot sa
kinabukasan, kinuha ang salawal at pagkabigay niya ng mga yaon doon
sa di niya kilala ay magiliw na sinabing tanggapin mo, nakita kong
wala kang baro; magbihis ka at mahiga ka kung saan mo ibig, sa
bangko o sa kusina.
Nag-alis ng balabal ang di kilala, isinuot ang baro at nahiga sa bangko.

Pinatay ni Matrena ang ilaw at sinunggaban ang balabal at nahiga sa
silid sa siping ni Semel; ginamit ang balabal nguni't hindi makatulog;
ang sumasaulo niya ay yaon di kilala at saka kanyang naiisip na naubos
ang lahat ng tinapay na nalabi at wala silang makakain sa kinabukasan.
Naibigay pa ang baro at salawal ni Semel; siya'y namamanlaw at hindi
mapalagay. Nguni't sa pagkaalala niya ng ngiti niyaong taong hindi
kilala ay nasiyahan ang kanyang loob. Maluwat-luwat na di nakatulog
si Matrena. Si Semel man ay hindi rin makatulog at namimilipit sa
balabal.
--Semel!
--Ay!
--Ating naubos ang lahat ng tinapay. Hindi ako nagtinapay ngayon.
Anong gagawin natin bukas? Manghihiram ba kaya ako kay Melania
ng ating makakain bukas?
--Bahala na. Hindi magkukulang ng pagkain.
Sandaling napatahimik.
--Tila mabuti ang taong ito.
--Bakit kaya ayaw magsabi kung sino siya?
--Walang salang siya'y pinagbabawalan.
--Semel!
--Ano?
--Tayo'y nagbibigay, at sa atin ay walang nagbibigay.
Walang naisagot si Semel.
--Siya ka na ng kauusap,--ang sabi, saka pumihit.
At nangakatulog.

V
Si Semel ay gumising na maaga; natutulog pa ang mga bata; ang
asawa'y yumaon upang manghingi ng tinapay sa kapitbahay; yaon
lamang di kilala ang nakaupo sa bangko, na nakatingala sa kisame. Ang
kanyang pagmumukha ay lalong tiwasay kaysa tinalikdang araw.
Sinabi ni Semel:
--Ano nga kapatid; ang tiyan ay nangangailangan ng pagkain at ang
katawa'y nangangailangan ng damit. Kailangan ngang mamuhay,
magkasiya sa sarili. Marunong ka bang gumawa?
--Wala akong nalalaman.
Idinilat ni Semel ang mga mata at nagsabing.

--Natututuhan ang balang ibigin, kailan ma't di kukulangin ng
pagkukusa.
--Lahat ay nagsisigawa; gagawa rin akong gaya ng iba.
--Anong pangalan mo?
--Mikhail.
--Kung gayon, Mikhail, ayaw kang magsabi ng anuman tungkol sa
iyong buhay, mabuti, nguni't kailangang kumain; kung susundin mo
ang aking sasabihin, ay aampunin kita.
--Tulungan ka nawa ng Diyos! Turuan mo ako, ituro mo sa akin ang di
ko nalalaman.
Sumunggab si Semel ng kanyamo at binaluktot.
--Ito'y hindi gawain noong isang Huwubes; tignan mo.
Tinagnan ni Mikhail, tuloy inabot ang kanyamo, binaluktot, at agad
itinuro sa kan ya ni Semel ang pagtabas, pagtahi, pagbutas, paglalapat
ng suwelas, at pag-aanyo ng tahi. Sa ikatlong araw ay natutuhang lubos
ni Mikhail ang buong paraan ng paggawa; ang kanyang kaliksihan ay
gayon na lamang, na parang isang daan nang taong manggagawa ng
sapatos. Walang sinayang na sandali; kaunti kung kumain. Pagkatapos
ng kanyang gawa ay tumatabi sa kanyang sulok na nakatungong
walang imik; bahagya nang magsalita, hindi tumatawa kailanman;
hindi umaalis sa bahay; at hindi siya nakitang ngumiti, kundi miminsan,
nuong unang gabi na pahapunin siya ng asawa ni Semel.

VI
Nagdaan ang araw at araw, linggo at linggo hanggang sa umabot ng
isang taon. Si Mikhail ay patuloy pa rin ng pagtulong sa bantog na kay
Semel; walang ibang nakagagawa ng magagaling at matitibay na bota
na makahihigit pa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 13
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.