hindi na pu niya maisusuot. Nais sa inyo ng asawa ng barini na humaba nawa ang inyong buhay.
--Hindi pu nagawing dumating na buhay sa bahay. Namatay sa vozok o karwahe. Dumating kami, aking pinagbuksan at nakita kong nakatimbuwang at bangkay. Pinaghirapan namin ng paglalabas sa vozok. Inutusan ako sa inyo ng asawa ng _barini_, na sinabing:--Pumaroon kang sabihin mo sa magsasapatos, na ang gawin ay sandalyas na pansuot sa bangkay at huwag bota na gaya ng ipinasadya ng barini. Sabihin mong ipagmadalian. Ikaw ay maghintay at dalhin mo ang mga sandalyas.
Dinampot ni Mikhail ang sandalyas at pati ng pinagputulang katad, binalot na lahat at iniabot ang balutan sa alila, na naghihintay:
--Adiyos mga kapatid, tulungan nawa kayo ng Maykapal.
VIII
Nakaraan ang isang taon, dalawa, at may anim nang taon na si Mikhail ay na sa bahay ni Semel. Ang buong pamumuhay, ay di rin nagbabago. Kailanma'y hindi siya umaalis. Bahagya nang magsalita at mamakalawa lamang napangiti, na ang una, ay ng hainan siya ng asawa ni Semel, at ang ikalawa'y ng dumalaw ang barini. Si Semel ay tuwang-tuwa sa kanyang pangulong manggagawa at di niya tinatanong kung saan galing; iisang bagay ang kanyang pinapanimdim, na baka si Mikhail ay lumayas.
Isang araw ay nagkakapisan silang lahat. Ang mga bata ay naglalaruan at nangaghahagaran sa mga bangkong malapit sa mga dungawan. Si Matrena ay nagpapainit ng mga bakal na pambaluktot; si Semel ay may hawak na pambutas; at si Mikhail ay nagtatapos ng isang takong. Isa sa mga bata ay humilig sa balikat ni Mikhail na nasa tabi ng dungawan at nagsabing:
--Tignan mo, Mikhail, naito ang isang tindera na may kasamang dalawang batang babae; tila mandin paparito sa atin. Isa sa mga batang babae ay pipilay-pilay.
Pagkarinig ng mga salita ng bata ay iniwan ni Mikhail ang gawain at dinungaw. Si Semel ay napataka; si Mikhail ay hindi nanunungaw kailanman at ngayo'y nakikita niyang nakadukwang. Si Semel ay nakidungaw rin. Kanyang nakita nga, na may isang babaing lumalapit, na maigi ang pagkabihis at may kasamang dalawang batang babae na nangababalabalan ng katad at nangakapamindong sa ulo ng panyong lana. Ang dalawang bata ay magkamukha at halos hindi mawari ang pagkakaiba nilang dalawa, nguni't ang isa sa kanila ay napipilay at kinakaladkad ang paa.
Ang babae ay tumigil sa pintuan, ibinukas ang pinto, at nasok na kasunod ang dalawang bata.
--Magandang umaga po, mga maestro,
--Dumating nawa kayo ng maligayang oras. Anupung sadya ninyo?
Ang babae ay naupo, at ang mga bata ay hindi humiwalay sa kanyang siping.
--Ititingin ku po ng sapatos ang mga batang ito.
--Kailanman po ay hindi kami gumawa ng napakaliit, nguni't maigagawa namin kayo ng inyong ibigin. Amin pung titignan kung maigagawa namin kayo ng aporong basahan o ng katad. Sabihin ninyo ang inyong ibig. Si Mikhail na aking pangulong manggagawa ay totoong matalino.
Lumingon si Semel at nakita niya na walang kaalis-alis ang mata sa mga bata.
Si Semel ay napamangha ng higit at higit. Tunay na ang mga munting batang yaon ay magaganda, nakatutuwa, may mga pisnging namumula-mula at maiitim ang mata; ang mga balabal at ang mga pamindong ay napakarikit, nguni't hindi niya maunawa kung bakit nakahalina ng gayon na lamang kay Mikhail, na para bagang kilalang-kilala na niya. Si Semel ay nakipagsalitaan sa babae at kanyang kinuha ang sukat.
Kinalong ng babae ang pilay at nagsabing:
--Kunan ninyo ng dalawang sukat ito.
Igawa ninyo ng isang sapatos ang paang pilay at tatlo ang magaling, sapagka't kambal ay magkapara ng sukat.
Pagkatapos na masukatan, ay nagtanong si Semel na nakatingin sa pilay:
--Anu po ang ikinapilay? Ipinanganak na pu bang ganyan?
--Hindi po, natuntungan ng kanyang ina.
Si Matrena, na nakakapakinig ng salitaan ay nakisagot.
--Sino ka,--aniya--at sinu-sino ang mga batang ito? Ina ka ba nila?
--Ako'y hindi nila ina o kamag-anak man; sila'y mga inari kong anak.
--Diyata't pinakaiibig mong maigi ay hindi mga kadugo?
--Bakit hindi ko iibigin sila? Pinasuso ko sila ng aking gatas. Ako'y nagkaanak ng isang lalaki na kinuha sa akin ng Diyos; hindi ko totoong inibig na gaya ng mga ito.
--Kanino ngang anak sila?
IX
Si Matrena ay nakipagsalitaan sa babaing yaon, na nanalaysay ng ganito;
--May anim na taon nang ulila sila. Ang ama ay namatay ng martes at ang ina ay ng biyernes. Sila'y naulila sa ama bago naipanganak at ang kanilang ina ay hindi nabuhay ng isang araw man lamang pagkapanganak sa kanila. Nuon nga ay nakatira kami ng aking asawa sa nayong yaon, at sila'y aming kakapit-bahay. Ang ama'y gumagawa sa gubatan, at nabuwalan ng isang punong-kahoy; nasaktan ng di kawasa na anupa't pag-dating sa bahay ay inihandog ang kanyang kaluluwa sa Diyos. Ang kanyang asawa'y nanganak pagkaraan ng tatlong araw, na ang mga ito ang naging anak. Mga kaawa-awa at walang mag-andukha. Sa palibot ng kanilang higaan, ay walang hilot o alila; nanganak na mag-isa. Dinalaw ko kinaumagahan, ako'y pumasok at aking natagpuang patay na ang abang babae. Pagkamatay ay nadaganan ang munti at napilay ang paa nito. Dinaluhan
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.