ka kapatid.
Pumutol ng tinapay, binasa at nagpasimulang kumain.
Si Matrena ay naupo sa isang sulok na nakapangalumbaba at nakapatong ang mga siko sa mga tuhod saka minasdan yaong hindi kilala.
Nagdalang habag siya; at nagtaglay siya ng habag sa kaaba-abang yaon. Agad nagalak ang kalooban ng di kilala at pagtataas ng ulo ay tuminging napangiti doon sa abang babae. Pagkatapos ng pagkain ay iniligpit ng asawa ang mga pinggan at nagsabing:
--Saan ka nanggaling?
--Ako ay hindi tagarito.
--Bakit nasa tabi ka ng simbahan?
--Hindi ko masabi.
--Sinong naghubad sa iyo?
--Pinarusahan ako ng Diyos.
--At hubad ka na bang ganyan?
--Nanatili ako roong hubad. Ako'y naninigas sa ginaw, nakita ako ni Semel at nahabag sa akin; isinuot sa akin ang kanyang damit at pinasunod ako sa kanya. Ikaw ay nagdalang habag sa aking hirap; iyo akong pinakain at pinainom. Pagpalain ka nawa ng Diyos!
Si Matrena ay tumindig, binuksan ang kanyang baul at kinuha ang limang baro ni Semel na kanyang sinursihan at upang maisuot sa kinabukasan, kinuha ang salawal at pagkabigay niya ng mga yaon doon sa di niya kilala ay magiliw na sinabing tanggapin mo, nakita kong wala kang baro; magbihis ka at mahiga ka kung saan mo ibig, sa bangko o sa kusina.
Nag-alis ng balabal ang di kilala, isinuot ang baro at nahiga sa bangko. Pinatay ni Matrena ang ilaw at sinunggaban ang balabal at nahiga sa silid sa siping ni Semel; ginamit ang balabal nguni't hindi makatulog; ang sumasaulo niya ay yaon di kilala at saka kanyang naiisip na naubos ang lahat ng tinapay na nalabi at wala silang makakain sa kinabukasan. Naibigay pa ang baro at salawal ni Semel; siya'y namamanlaw at hindi mapalagay. Nguni't sa pagkaalala niya ng ngiti niyaong taong hindi kilala ay nasiyahan ang kanyang loob. Maluwat-luwat na di nakatulog si Matrena. Si Semel man ay hindi rin makatulog at namimilipit sa balabal.
--Semel!
--Ay!
--Ating naubos ang lahat ng tinapay. Hindi ako nagtinapay ngayon. Anong gagawin natin bukas? Manghihiram ba kaya ako kay Melania ng ating makakain bukas?
--Bahala na. Hindi magkukulang ng pagkain.
Sandaling napatahimik.
--Tila mabuti ang taong ito.
--Bakit kaya ayaw magsabi kung sino siya?
--Walang salang siya'y pinagbabawalan.
--Semel!
--Ano?
--Tayo'y nagbibigay, at sa atin ay walang nagbibigay.
Walang naisagot si Semel.
--Siya ka na ng kauusap,--ang sabi, saka pumihit.
At nangakatulog.
V
Si Semel ay gumising na maaga; natutulog pa ang mga bata; ang asawa'y yumaon upang manghingi ng tinapay sa kapitbahay; yaon lamang di kilala ang nakaupo sa bangko, na nakatingala sa kisame. Ang kanyang pagmumukha ay lalong tiwasay kaysa tinalikdang araw.
Sinabi ni Semel:
--Ano nga kapatid; ang tiyan ay nangangailangan ng pagkain at ang katawa'y nangangailangan ng damit. Kailangan ngang mamuhay, magkasiya sa sarili. Marunong ka bang gumawa?
--Wala akong nalalaman.
Idinilat ni Semel ang mga mata at nagsabing.
--Natututuhan ang balang ibigin, kailan ma't di kukulangin ng pagkukusa.
--Lahat ay nagsisigawa; gagawa rin akong gaya ng iba.
--Anong pangalan mo?
--Mikhail.
--Kung gayon, Mikhail, ayaw kang magsabi ng anuman tungkol sa iyong buhay, mabuti, nguni't kailangang kumain; kung susundin mo ang aking sasabihin, ay aampunin kita.
--Tulungan ka nawa ng Diyos! Turuan mo ako, ituro mo sa akin ang di ko nalalaman.
Sumunggab si Semel ng kanyamo at binaluktot.
--Ito'y hindi gawain noong isang Huwubes; tignan mo.
Tinagnan ni Mikhail, tuloy inabot ang kanyamo, binaluktot, at agad itinuro sa kan ya ni Semel ang pagtabas, pagtahi, pagbutas, paglalapat ng suwelas, at pag-aanyo ng tahi. Sa ikatlong araw ay natutuhang lubos ni Mikhail ang buong paraan ng paggawa; ang kanyang kaliksihan ay gayon na lamang, na parang isang daan nang taong manggagawa ng sapatos. Walang sinayang na sandali; kaunti kung kumain. Pagkatapos ng kanyang gawa ay tumatabi sa kanyang sulok na nakatungong walang imik; bahagya nang magsalita, hindi tumatawa kailanman; hindi umaalis sa bahay; at hindi siya nakitang ngumiti, kundi miminsan, nuong unang gabi na pahapunin siya ng asawa ni Semel.
VI
Nagdaan ang araw at araw, linggo at linggo hanggang sa umabot ng isang taon. Si Mikhail ay patuloy pa rin ng pagtulong sa bantog na kay Semel; walang ibang nakagagawa ng magagaling at matitibay na bota na makahihigit pa kay Semel. Sa tanaw lamang ay kilala na siya at unti-unting yumaman si Semel.
Isang araw ng tag-inaw, na gumagawang magkatulong ang dalawang magpanginoon, ay sa darating ang isang voyok o karwahing hila ng tatlong magagaling na kabayo, na nagtutunugang masaya ang mga kampanilyang nakakuwintas, at sa titigil sa harap ng pintuan nila. Bumaba sa piskante ang isang alila na nagbukas ng pinto, at ang sakay na isang barini o isang maharlika ay bumaba na nababalot ng isang magaling na balabal. Nanhik sa hagdanan. Binuksan ni Matrena ang pintuan. Ang barini ay yumuko na nasok at tumayong matuwid; ang ulo ay halos masukdol sa kisame at nalalaganapan niyang mag-isa ang isang sulok ng kabahayan. Si Semel ay bumating may pagkamangha sa barini. Kailanman ay di siya nakakita ng taong gaya niyaon. Si Semel ay natigilan, si Mikhail ay walang imik; si Matrena ay naging parang isang tuyong punong kahoy. Ang taong yaon ay masasabing
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.