Sa Ano Nabubuhay Ang Tao | Page 3

Leo Nikoleyevich Tolstoy
na iri dini sa iisang balabal. Hindi makapaglaba sa ilog ng wala niyan, at eto, upang makalakad ay dinala ang aking suot. Hindi ako makapanaog ng ganiri!... Pagkaluwat! Naparaan ba kaya sa tindahan ng alak?
Kabibitaw pa lamang sa bibig ng mga salitang ito, ay siyang pagkarinig ng mga yabag ni Semel sa may hagdanan. Iniwan ni Matrena ang sursihin at napatungo sa silid. Nakita niyang nasok, ay dalawang lalaki, na walang sombrero at nakabota. Malayo pa'y nahalata na ni Matrena, na ang kanyang asawa ay naglasing.
Siya ko na nga bang kutog ng loob, aniya.
Pagkakitang walang kapote at nangakalitaw ang mga kamay, walang imik at wari nahihiya, ay kumaba ang loob ng abang asawa.
Iniinom nga ang kuwarta. Nakipaglasingan sa isang hampas-lupa at ngayo'y dala rine. Wala na kami kundi ito lamang.
Pinabayaan niyang magtuloy sila at kanyang sinundan na di umiimik.
Napaghalata niya na ang kasama ay may kabataan, payat, putlain, nakakapote na walang baro sa katawan at wala ni gora. Ng makapasok na ay tumigil na walang kibo at nakatungo. Inisip ni Matrena.
Suwitik ito, nahihiya pa, naghihintay ng mangyayari.
Nag-alis ng gora si Semel at umupo sa bangko na parang isang batang mabait.
--Oy, Matrena,--aniya--pahahapunin mu ba kami?--Hindi pa ako kumakain.
Si Matrena ay hindi lumilingon na nagbububulong. Tumigil sa may kusina, saka minasdang isa-isa, na iiling-iling at di kumikibo.
Nahalata ni Semel na galit ang kanyang asawa; nguni't anong gagawin? Sapagka't walang may ibig, ay tinagnan niya sa kamay ang kasama at sinabing:
--Maupo ka, kapatid. Humapon tayo.
Ang kasama ay naupong walang imik.
--Ano Matrena; hindi ka ba naghanda ng hapunan?
--Oo't naghanda ako; nguni't hindi sa iyo; ikaw ay naglasing hanggang sa mawalan ka ng isip ... Ikaw ay bibili ng isang bagong balabal at umuwi ka pa ng walang kapote. Sa ikalulugmok natin ay nagsama ka pa ng isang hampas-lupa. Ako'y walang maipahahapon sa mga lasing.
--Siyana, Matrena; walang kailangang magsalita upang wala nang pag-usapan. Lalong magaling ang itanong mo sa akin kung sino ang taong ito.
--Pasimulan mong sabihin sa akin kung saan mo iniwala ang kuwarta,--ang tugon ng asawa.
Dumukot si Semel sa bulsa at inilitaw ang tatlong rublo.
--Eto ang kuwarta; si Trofimoy ay hindi nagbayad, nangako sa akin bukas na.
Si Matrena ay lalong nag-init. Sa aba ng balabal, at pati ng kaisa-isang kapote ay ibinigay pa sa isang hampas-lupa na dinala rini sa ikadaragdag sa hirap. Eto ang kuwarta at saka dinugtungan.
--Wala akong hapunan; hindi ako makapagpapakain sa mga hampas-lupang lasing.
--Oy, Matrena, huwag kang maingay at dinggin mo iring aking sinasabi!
--Ako! Makinig ng mga kaululan ng isang walang hiyang lasing! May matuwid ako na umayaw na maging asawa kita! Iniwanan ako ng aking ina ng pambili ng damit at iniinom mo ng alak; ngayo'y bibili ka ng isang balabal at iniinom mo rin.
Hindi magawing maipaaninaw ni Semel, na dalawampung kopek ang kanyang iniinom at gayon din na kung paanong kanyang nasumpungan ang kanyang kasama; ayaw paraanin ni Matrena ang kanyang salita, sunud-sunod ang kanyang salita, sunud-sunod kung tugunin siya. Pati nuong nangyari ng may sampung taon, ay ipinamumukha pa sa kanya. Salita pa ng salita, at saka tinagnan si Semel sa manggas.
--Isauli mo sa akin ang suot ko, wala kundi iyan at kinuha mu pa; siya mo ngayong suot, asong galisin. Hindi ka pa tangayin ng diyablo!
Huhubdin na ni Semel; binaltak ng asawa at natastas ang mga tahi; sa katapus-tapusan ay tinagnan ni Matrena ang suot, isinuot at napasa dakong pinto upang yumaon, nguni't agad napatigil sa galit; wari ibig makipagkaalit kahi't kanino at mabatid kung sino ang taong yaon,

IV
Tumigil si Matrena sa tabi ng pinid at nagsabing:
Kung iya'y mabuting tao, ay hindi sana hubad; magkakaroon man lamang ng baro. Kung ikaw ay gumawa ng isang mabuting gawa, ay sasabihin mu sana sa akin kung saan nanggaling ang palaboy na ito.
--May tatlong oras nang sinasabi ko sa iyo, nguni't di mo ako dinidinig. Nagdaraan ako sa tabi ng simbahan, ay nakita ko ang binatang ito na halos naninigas at hubad; wala nga tayo sa panahong tag-araw. Inakay ako ng Diyos sa kanya; na kung di gayon ay namatay sana ito ngayong gabi. Anong gagawin ko? Siya'y aking binihisan, binalabalan at aking ipinagsama. Tumahimik ka nga, Matrena, iya'y isang kasalanan. Tayong lahat ay para-parang mamamatay.
Si Matrena ay nagbuka ng bibig upang sumagot. Biglang napatingin doon sa di kilala at tumahimik. Nakaupo sa bangko na di umiimik, Ang kanyang dibdib ay nanlalaki, halos magputok, na nakayakap ang mga kamay sa mga tuhod, nakatungo ang ulo, naka-pikit ang mga mata, na parang napipighati. Napatahimik si Matrena. Siya'y malugod na pinagsabihan ni Semel.
--Matrena; nawala na ba kaya ang Diyos sa iyong kalooban?
Pagkarinig nito ng asawa ay napatingin doon sa di kilala, na nakatingin naman sa kanya, at ang kanyang kalooban ay nabagbag. Siya'y muling nasok at upang maghanda ng hapunan. Siya nga ay naghain at kanyang inihain ang kahuli-hulihang tinapay.
--Hala, kumain ka,--ang sabi.
Binatak ni Semel ang binata hanggang sa dulang.
--Lumapit
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 13
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.