m~ga cabinataang dumog sa pag-aaral, cunang halimbaua ang canyang m~ga pagsisicap. Si Rizal, hindi dito lamang sa Filipinas tinuclas ang caaya-ayang carunun~gan, cundi naglacbay sa Espa?a, niyong taong isang libo, walong daa't walong pu't dalaua, sa pang-ulong bayan nito, sa Paris, sa Bruselas sa Berlin, sa Londres, sa Gante at sa mga pan~gulong Ciudad ng Rhin at doon natutuhan ang ucol sa pangagamot, ?Filologia?, ?Etnologia?, ?Filosofía? at ?Letras?.
Iniwagayway ang nacamtan sa pagtitiyaga sa Capuluang ito, n~guni agad hinarang ng mga malicmatang mapagpahirap, sapagca't hindi maglalaon cung pababayaang magpapatuloy, at lilitaw ang itinatago-tago at kinikipkip na calayaan ng Filipinas, gayon man, hindi tumudla ng macamandag, at sucat ng tinugon ang pan~gun~gusap nila ng papaganito: ?Na ang lahat ng m~ga lahi ng tao ay nagcacaiba iba lamang sa canilang mga anyo, nguni alinsunod sa Psicologia, ang maputi, ang abo-abo, ang madilaw, ang cayumangui at ang maitim ay magcacaisa ng caramdaman, nagcacawan~gis ang mga umu-udyoc na budhi at hilig na magpapatiboc n~g puso, ang pinagcacaibhan lamang ay ang paraan n~g pagsasaysay ó pag-gawa.?
?Na walang napagkikilala ang mga Antropologo cundi ang mga lahi; na ang napagmamalas lamang ng m~ga mapagmasid n~g m~ga pamumuhay ng bawa't nación, ay ang pagcacaiba't iba ng calagayan, ng mayama't mahirap, ng mahal at timawa. Na sa m~ga nayong lalong m~ga paham ng Francia at Alemania, ang lalong marami sa m~ga nananahan doo'y casing pantay rin ng calagayan n~g pag-iisip n~g mga tagalog, at ang culay n~g balat, pananamit at wicang guinagamit ang bilang caibhan lamang.?
?Na ang pag-iisip ay tulad sa mga cayamanan at cung may mga naciong mayaman at mahirap, ay may m~ga tao ring mahirap at mayaman: Cung may nagbabalac na taong siya'y ipinan~ganac na pagdaca'y mayaman, ang gayong tao'y namamali, sapagca't siya'y sumilang n~g hubad na cawangis ng alipin at iba't iba pang lubhang mahahalaga, (Noli me tangere dahong icapito).?
Pinag-inutan din niyang sinulat ang Noli me tangere na naghahayag ng sari-saring halimbawa, na isinawicang frances ng taong isang libo, walong daa't walong pu't siyam ng man~gangalacal na capisanan ni Stock, gayon din ang isinulat ni Dr. Morga na canyang dinagdagán ng m~ga paliwanag ng siya'y macapangaling sa Japón at Norte America na nanahan sa Londres. Sa Madrid ay nagbukas ng isang pahayagan ng taong isang libo walong daa't siyam na pu at pinamagatang Solidaridad, pahayagang tuwing ica labing limang araw, at ang m~ga catulong sa pagsulat ay sina guinoong Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Dominador Gomez at iba pa.
Dito'y mahihinuha na ang canyang catalinuhang calakip ang pagsasangalang sa Bayan, sapagcat tumanghal ang canyang pan~galan sa pamamag-itan ng pakikibaca sa m~ga calapastanganang cumacalat sa mga paglulubog sa matwid hangang binawiang buhay ng hindi sa sakit cundi sa bilis ng punlong pamatay ?Oh catiwalian ng panahon! Bahagya pang umuusbong ang larawan iguinuguhit sa dulo ng mga sandata ay isinabog na ang apoy ng capahamacan ng isang namamahalang nacuha sa kintab ng cayamanan, dinaig n~g capangyarihan at nagwasac ng mahusay na pananangkilic.
?Natupad caya ang nais na hadlangan ang bawa't tungo ni Rizal? ?ah! hindi nga at lalong nagsigla, bagcus nag alab ang sidhi ng namumuksa, sumulac ang dugo at mandi'y iniukit sa pitac n~g dibdib, caya't hindi tinugutan hangang sa maibagsac ang pamamahalang walang matuid na pinananangnan ang sulsol at hicayat n~g ilang malabis nating kinapopootan.
Sa guitna n~g di maulatang pagpipighatí at pakikipanayam cay Simoun, ay nagsalita nitong sumusunod.
?Isang Dios ang nagpaparusa sa caculangan ng pananampalataya sa pagcagumon sa masamang hilig, sa casalatán natin n~g dalisay na pagsinta sa kinamulatang lupa at sa madalás nating pagpapaunlac sa mga cababayang nabubuhay sa pagpapahirap sa mga duc-ha, carapat dapat nga, lubha n~gang carapat dapat na ating tiisin ang bun~ga ng ating mga cagagawan at tiisin naman n~g ating m~ga anac, iyan nga ang Dios n~g kalayaan, guinoong Simoun na siyang sa ati'y pumipilit na ating iruguin ang calayaang iyan, upang hwag na lubhang magbigay cabigatan sa atin. Hindi ko sinasabing ating paghanapin sa patalim ng sandata ang ating iguiguinhawa, sapagca't hindi cailangan ang espada sa icagagalíng n~g Bayan, datapwa't tutuclasin natin ang cagalingang iyan sa pamamag-itan ng carapatan, sa pagbibigay unlac sa catwiran at sa sariling camahalan n~g isang tao, sa pag-sintang dalisay sa tapat na asal, sa ano mang bagay na mabuti at sa ano mang cadakilaan hangang sa ihayin ang buhay sa camatayan, at pagca dumatíng na ang Bayan sa gayong mataas na calagayan, ang Dios ang sa canya'y nagbibigay ng sandata at nabubulíd ang mga nagpapasamba, nabubual ang mga tampalasan, catulad n~g pagcalansag n~g mga bahay bahayang baraja. Tayo rin ang may gawa ng ating mga pagdaralita, hwag nating bigyan sala ang sino man cundi linilin~gap at pinababayaang tayo'y apihin n~g calupitan, sapagca't cung makita sana niyang tayo'y nahahandang makitungali at magtiis n~g cahirapan dahil sa pagsasangalang ng ating catuiran, maniuala cayong ang di dumidingig na iyan ang siyang una unang magcacaloob n~g calayaan, datapwa't samantalang hindi
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.