ᾚ
Rizal sa Harap ng Bayan
Project Gutenberg's Rizal sa Harap ng Bayan, by Pilar J. Lazaro Hipolito This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org
Title: Rizal sa Harap ng Bayan Talumpating Binigkas sa Look ng Bagumbayan
Author: Pilar J. Lazaro Hipolito
Release Date: May 4, 2006 [EBook #18306]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK RIZAL SA HARAP NG BAYAN ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
=Si RIZAL sa HARAP n~g BAYAN=
TALUMPATING BINIGKáS SA LOOK N~G BAGUMBAYAN N~G BINIBINING
=PILAR J. LAZARO HIPOLITO=
Ika 30 ng Diciembre ng taong 1906
LIMBAGAN
Daang Carriedo Bl.101 Ni,
=FAJARDO AT KASAMA=
=SI RIZAL SA HARAP N~G BAYAN=
Talumpating Binigkas N~g Bb. Pilar J. Lázaro Hipolito Sa Look N~g Bagumbayan, Alang-alang Sa Ika Sampung Taón Nang Pagkakabaril Sa Ating Bayani.
Bayan cong pinacaiirog: Ang unang pinasasalubungan ng maligayang pagbati at pagpipitagan, sampu ng lahat n~g mga napipisan, lalong lalo na ang mga ginoong bumubuo n~g pagpapaonlac sa caran~galán ng dakilang Rizal na casalucuyang ipinagdidiwang n~g capuluang Filipinas, cayo'y hinahandugan ngayon n~g di mabilang na pasasalamat, sanhi ng pagcatanim sa kaibuturan ng puso ng araw na itong di co rin nililimot.
Baga man culang pa sa tapat na cagulan~gan ang cutad na pag-iisip sa tungculing n~gayo'y ipinamahala, datapuwa, pinagtamanan cahit anong hirap, macatupad lamang sa adhica ng mga capatid sa mabigat na pasaning aco'y maging isa sa magpapaonlac, sa pamamag-itan n~g bigcás, gayon sa pamimintuho sa Bayan cong kinamulatan.
Cung ang pupulas sa labi sa oras na ito ay culang sa timyas, ang madlang nai-ipon na ang macatataroc ng lalim ng aking pagcapahat, nguni magi-ging isang pamucaw, isang pagcantig sa pintuan ng calooban, bagay sa caramihang nagwawacsi pa n~g tunay na damdamin at sumasampalataya sa hiduang aral ng mga nagcucubling halimaw na nag aanyon mabait, bago'y caaway ng cagalingan, na di pa nasiyahan sa tinalicdang pagtatamasa ng mga cahirapan, cundi bagcus namamalagtas sa lalong pag-api at pagdustang nacalalagim sa isang hindi nan~gimi sa camatayan macapagbucás sa tulóg na loob n~g canyang cababayan, at naging mananacop ng Filipinas sa paghahayin n~g buhay ng icatutubós sa tanán, nguni, ?anong hapding salangin! ?anong pait namnamin! cung madilidiling yuco sa dating caugalian ang pinaghabinlang ilán n~g canyang m~ga talinghaga.
?Ibig ninyong makilala? ?ah! wala acong carapatang tumurol at sucat na lamang ipatalastas ang nacapanghihilacbot na usapan ng mga lahing Lacandula rin, upang man~gakilalang sila'y dapat pacasumpain, na anila'y: Si Rizal ang tunay na may casalanan at nagcalat ng caguluhan at cahirapang tinatangkilic ngayon n~g Bayan, m~ga pangun~gusap na di napag labanan ng puso cong iwi at naramdamang lumuha ng dugó, at naipucol naman tuloy ang wicang: bakit hindi mangatal at mapipi ang cumacatal n~g walang catotohanan; datapua't ng macapaghunos dili sa paglalatang ng galit sa sumandaling iyon ay dagling binawi at pinapaghari ang capatawarang naisigao ang mahalagang bigcas ng Póong si Jesús, n~g napapaco sa Cruz n~g casalanan: Dios co sila'y patawarin mo sapagcat hindi nalalaman ang canilang guinagawa_ (Palacpacan).
Talastas ng lahat ang Bayan sinilan~gan ng ating ipinag-gagalac ngayon, iyang dacong sinisicatan ng maliwanag na araw, na pinamumutictican ng mga bagong silang na pagmamalasakit, diyan sa Calamba, niyong ika labing siyam ng Junio ng taong isang libo, walong daa't anim na pu't isa, sa macatuid, ganap na apat na pu't limang taon limang buan at labing isang araw ngayon, at buhat naman ng gupuin ang canyang iniingatang buhay n~g mga lihim na caaway, ay sampung taon n~gayon walang culang.
Bakibaki-in mga napipisang caguinoohan cung anong tabác ng mapanglupig ang lumagpac sa ulo ng mga Bayaning nagsipagnasang humawi ng mga calihimang mapagparusa, panaho'y tumatacas at tumatacbong matulin n~g wala pang ninicat na pag-asa, iyang pag-asang pag-aagawanan pa cung totoong mapa atin na. Siya'y hindi nalulupaypay cahiman nauumang sa bagsic n~g paratang, nagpatuloy sa layong pawang icagagaling natin, nguni hindi kinilalang utang na loob n~g mga sumasamba sa capangyarihan ng mga mapagbalat cayóng wari ay catulong bago'y tunay na calaban.
Bahagya pang tumutuntong sa guhit n~g pagbibinata, ay nagpakilála na si Rizal ng nacahahan~gang catalasan ng pagiisip, caya't minarapat n~g magagandang pusong canyáng magulang na papag-aralin dito sa Maynila, at hindi naman nalaon at nagpamalas n~g catalinuhan, at sa catotohana'y lalabing tatlong taon pa lamang ang gulang ay sumulat at cumatha ng melodramang tula, na pinamagatan n~g: Junto al Pasig_, at saca isinunod ang A la Juventud Filipina, El consejo de los Dioses at iba pang nacalulugod.
Tayo naman, lalo na cayong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.