tinataglay n~g Bayang Filipinas ang casucatang lacás n~g loob upang isigaw na nacatunghay ang noo at hubad ang dibdib sa canyang carapatang magtamó n~g catuirang makisalamuha sa lahat at papagtibayin ang catuirang iyan n~g canyang sariling dugó; hangang ating nakikitang ang m~ga cababayan nati'y sa sariling calooba'y nagdaramdam ng hiya at dinirin~gig ang atun~gal n~g tinig ng masamang budhi na nagngin~gitngit at tumutol na sa hayag ay ayaw umimic at nakikisang-ayon sa nagpapahirap upang cutyain ang pinasakitan at pinarurusahan, samantalang nananatili ang ating m~ga carugo sa tacsil na asal na walang ini-ibig cundi ang sariling cagalin~gan; ?bakit sila'y bibigyang calayaan? Na sa sa camay man at wala n~g iba, sila'y magcacagayon din at marahil ay lalong sasama pa sa dati. ?Anong cabuluhan ng ?Independencia? cung ang mga busabos n~gayon ay siyang kinabucasa'y magmamalupit? At walang salang sila'y mananampalasan n~ga, sapagca't umiibig sa catampalasanan ang sa catampalasana'y sumusunod Guinoong Simoun, samantalang hindi nahahanda ang ating Bayan, hangang tumutungo sa pakikihamoc ang ating mga cababayan dahil lamang sa sila'y dinaya ó ipinagsumulong, na walang maliwanag na pagcakilala n~g canilang dapat na gawin, ay malulugso ang lalong pantas at mabuting balac, at mabuti pa n~ga namang mawacsi, sapagca't.... ?ano't ibibigay ang panali ó pangapos sa nangingibig sa canya, cundi din lamang tunay na sinisinta? (Noli me tangere, m~ga dahong 13,14 at 15.)
Ating panimbulanan ang canyang m~ga sinabi, patuluyang sampalatayanan na siyang macapaghahatid sa ating icaguiguinhawa, at sumandaling pacaisipn ang m~ga macabubuhay na pananalita na dapat itanim cailan man n~g mahinang puso at tutupin ang dibdib at itanong sa sarili:
?Taglay na baga natin ang kinacailangang tapang ng loob, upang biglang pacaualan ang pinagtitipunan n~g bucal at minimithi?
?Kupás na caya na di muling sisilang ang calimitang mangyari na hindi na nacatutulong sa pagtatangol ng carangalan ay nacabibigat pa sa pagdamay sa mga mapagparusa n~g paglibac at pag-oyam sa ibinabangong catuiran?
?Nalipol na caya dito sa atin ang lahi ni Iscariote at ni Galalon na nagpahamac sa cabalat sa pamag-itan n~g carimarimarim na paglililo?
?Pusó caya'y tumitiboc ng naaayos at di napapatlangan sumandasandali ng mga ibang damdamin?
?Ang caual caya ni Cain na pumatay ng lamán ng caniyang lamán at dugo ng caniyang dugo sa udyoc n~g mapanganib na pananaghili, ay wala na caya rito?
?May pagyayacap na cayang maaasahan, yayamang dapat sa isang hirap ó ginhawa tayo mamahay?
?Hindi na caya naghahari sa calooban n~g marami sa atin ang malupit na asal na mapagaling lamang ang canyang sariling catawan ay hindi na inaalintana ang cahabaghabag na kinasasapitan n~g lupang kinakitaan n~g unang liwanag?
?Naubos na caya sa sangcapuluang ito ang m~ga nagsisi-irog sa caalipnan, caya sa caalipna'y nagsisisuco?
?May dugo pa cayang may dungis na catacsilan sa ating mga calahi?
?Ah! ang canilang loob ay hindi matuturin~gan hangan sa di naipamamalas sa gawa, pagcat cung aking pakimatyagan baga man sa harapang ito ay nagcacatusac ang nakikipagdiwang sa mabunying Rizal, may mangilan ngilan ding binabayo ang dibdib sa matinding pag cagalit na hindi lamang maibulalas pagcat daig sila sa bilang ?oh cay saclap na matalos! Sayang ang bayang humahanap n~g icalalaya cung sa bawa't pulutong ay may nasisin~git na palamara. (Palacpacan).
?Hindi dapat pagtachan, sapagca't ang dakilang Jesús ay Dios n~g humirang n~g labing dalawa lamang na caniyang cacasamahin ay may nalahog na isang Judas, ?gasino pa cayang hindi magcaroon n~g libo libo at lacsa lacsang namamayan?
Tacpan ang panin~gin sa paglacad ay malaking camalian; gapusin ang camay, lalong cahiduaan at cung susian ang bibig sa paglalathala sa harap ng may capangyarihan ng ating lubos na cabihasnan at carapatán, ay isang bagay na hindi totoong catampatang pabayaan, sapagca't ang dilang nacacabit sa ngalan~gala ay tanda ng pagcapahamac, pagca-alipusta sa pagcalubog n~g bayan, at cung walát na ang Bayan ay lansag-lansag na rin ang namamayan (Masigabong palacpacan).
Hwag nawang magcaganito, nguni ang sagabal n~g mga mapagpiguil ang siyang nacapagpapasindac at nacapagpapaudlot sa bawa't maguing bucal ng loob ?oh! sayang na buhay cung magcacaganitong man~gingilabot sa bantang sinun~galing, at cung tunay na namamayang may wagás na pag-ibig sa Bayang pinagcautangan ng unang liwanag, ay macapag-wiwicang ?minsan acong nabuhay ay ?minsan naman acong mamatay sa harap n~g Bayan.? (Palacpacan.)
Ngayo'y araw na calumbay-lumbay, araw na ipinagsaya n~g mga humatol na Ulupong at ang araw ding ito nang taóng isang libo, walong daa't siyam na pu't anim at sa bagong pamimitac, sa casilanganan ng Astrong tumatanglaw sa boong sangsinacpan, ang Bagumbayang itong ating kinaiipunan ay siyang naging sacsing tayo ay lalong inilucloc sa caran~galan, pagcat pinatay ang isang Rizal, hindi magtatagal at may sisipot pang dalawa, tatlo ó daan mang caloobang Rizal.--(Palacpacan at bravo.)
Natulad nga ang umagang iyon sa culun~gan n~g mababangis na hayop na may mabibisang camandag ang look na itong ngayo'y tanda rin ng ating pagaalaala sa canya, siya'y naliliguid ng mga artillerong buhat sa cuta ng Santiago na inihatid dito, upang tuparin ang mga maling cahilingan at cahatulan, at pinanood n~g mga nag-gagandahang babaye na ang suot ay catulad
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.