Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio | Page 8

Joaquin Tuason
sayan~gin?sapagca,t, ang ayao di dapat pilitin.
Cundi gumanito, ay matutulad ca?doon sa nagtanim nang isang sampaga,?ang lahat nang daho,i, naquita nang lanta?cung anong dahil at dinidilig pa.
Ani Eliseo,i, tila cailan~gan?na ang ating gauin muna ay sulatan,?Sagot ni Hortensio,i, mangyayari naman?sa lahat nang bagay quita,i, tutulun~gan.
Sa oras ding yao,i, tambing isinulat?ang cay Eliseo na sa pusong in~gat?saca nang mayari,i, cusang iguinauad?sa caniyang catoto,t, baca may pintas.
Marahang binasa nitong caibigan,?baua,t, isang letra ay pinagninilay,?sa sobre nang sulat ay nababalatay?ang ganitong uica: _Sa tinatan~gisan_.
?Magpahangan oras na tan~gan sa camay??ang plumang lumagda nitong carain~gan,??iniisip co pa cung aquin nang taglay??yaong catutubong limang caramdaman.
?Sa pagca,t, touinang pilitin ang dila??na ipasalual ang lihim na nasa,??parang tumatapon sa aquin ang diua??at di co macuha ang pagsasalita.
?Dan~gang nan~gan~ganib baca magtumulin??tacbo niring buhay patun~go sa libing,??mag-ulol ang unos nang madlang hilahil??at sa dalamhati hinin~ga,i, maquitil.
?Caya mabalinong daluyan nang aua??itong lumuluhog na napacaaba,??gutom sa ligaya,t, busog sa dalita,??mata ay uala nang ipatac na luha.
?At cung mangyayaring sa iyo,i, igauad??ang lahat nang toua sa sang maliuanag,??disi,i, inihandog sa mahal mong yapac??calaquip ang aquing tunay na pagliyag.
?Dapoua,t, yayamang ualang maihain??cundi yaring pusong tiguib nang hilahil,??isinasamo cong iyong marapatin??sapagca,t, di baual nang lan~git ang daing.
?Iyong paglubaguin matigas na loob??para nang pagsaguip cung sa nalulunod,??icao ay may puso,i, ?baquit di malunos??sa capoua puso na naghihimutoc?
?Di co calauigan ang hinibic-hibic??yamang dili bato ang mahal mong dibdib;??gayon ma,i, cung lalong hirap ang icapit??mangyaring sabihi,t, nang aquing mabatid.?
=Ang iyong alipin na suma sa yapac=.
Iya,i, ma-aari, cay Hortensiong uica;?n~guni,t, caraniua,i, lampas ang salita,?gayon ma,i, sa sobre ipasoc mo na n~ga?saca ipadala sa isang alila.
CAPíTULO VIII.--Ang pusong garing na di malamuyot.
Nagcataon namang doroon sa jardin?ang bunying dalaga na may pusong garing,?ang sariling diua parang inaalio,?sa tanang bulaclac at simoy nang han~gin.
Siyang pag-aabot nang naturang liham?sa parang linalic at maputing camay,?quinuha at saca tumanong pagcouan:??sino caya baga ang pinangalin~gan?
Basahin po ninyo upang matalastas,?uica nang alila, cung sinong may sulat,?ang pagcatin~gin co,i, sa puso,i, may sugat?at ang ninanasa marahil ay lunas.
Agad napan~giti at di napiguilan?niyong catutubong bait, cahinhinan,?sa malaquing hiya,i, tumun~go na lamang;?pinunit ang sobre,t, binasa pagcouan.
Sa calaguitnaan nang pagbasa niya?sandaling tumiguil nagmasid pagdaca,?at baca sacaling may nacacaquiquita,?cauicaan niya,i, cahiyahiya pa.
Mana,i, nang matapos pagbasa nang sulat?sa puno nang cahoy humilig na agad,?na larauang bato ang nacacatulad:?ganito ay dinguin man~ga pan~gun~gusap.
?Mundong sinon~galing, sumandaling layao,??touang sa sangquisap, asóng mapaparam,??lumayo ca hayo,t, ualang cararatnan??sa aquin ang iyong camandag na alay.
?Caran~gala,t, yaman agad cumucupas,??tulad sa sampagang biglang nalalagas,??isinusumpa cong di ca matatangap??niring aquing pusong dili pabibihag.
?Malicmatang ganda,t, balo-balong diquit,??magdarayang touang may paing pan~ganib,??magbago cang hanay at di mahihilig??aco sa ligayang puno nang ligalig.
?Mahabaguin lan~git, iyong tinutunghan??acong na sa guitna nang casacunaan,??mahina cong lacas iyong saclolohan??nang upang matamo ang pagtatagumpay.
?At icao, o Virgeng matibay na cuta,??sa baua,t, dumulog na napa-aaua,??sa mahal mong puso,i, nagtatagong cusa??itong alipin mong napacacalin~ga.
?Sa harap co,t, licod sa caliua,t, canan??nagcalat ang silo nang lilong caauay,??cundi mo amponi,t, anong cararatnan??niring catutubong aquing cahinaan.
??Mangyayari caya namang paghatiin??yaring aquing puso,t, papagdalauahin,??ang isa,i, ibigay sa Nacop sa aquin,??at ang icalaua,i, sa may sintang hain?
?Cayong sari-saring naritong bulaclac,??ang sinasacsi co nitong pan~gun~gusap,??na sucdang maguho ang sang maliuanag??di co dudun~gisan yaring pagca-uagas.
?Sucdan sa madurog magcauaray-uaray??ang laman at buto nang aquing catauan,??cay Jesus cong poon aquing iaalay??ang libo mang puso,t, ang libo mang buhay.
?Cung pag-uariin co,t, timban~gin sa isip??ang lahat nang yaman nitong sandaigdig,??sa dalagang buhay at in~gat na linis??alan~gang di palac na ipaquiparis.
?Icao, camatayang aquing iniirog,??baga man sa iba,i, caquilaquilabot,??gamitin mo hayo tabac na pang-lagot??pagca,t, ang nasa co,i, hinin~ga,i, matapos.
?Cung gunitain ca,i, iquinalulumbay??nang pusong alipin nang samundong layao,??n~guni,t, cung sa aqui,i, quita,i, minamahal??at inaanantay ca sa gabi at arao.
?Camatayan lamang ang nacapipinid??sa aqui,t, sa Poong ligaya nang dibdib,??icao,i, siyang uacas nang dalita,t, saquit,??at mula nang toua na hindi malirip.?
Sa mauica ito,i, tambing na linisan?ang masayang jardin na dating aliuan,?binalot nang pa?o ang binasang liham?at saca nagtuloy pumanhic sa bahay.
Pagca,t, binaui na sa sang maliuanag?nang arao ang huli,t, malamig na sinag;?saca unti-unti namang nacacadcad?ang tabing sa gabing maitim na ulap.
Nang macapanhic na ang bunying dalaga?umupo sa sillang malapit sa mesa,?tintero,i, binuhat, guinamit ang pluma,?sinagot ang sulat ganito ang badya.
?Sa may sintang handog.?
?Houag mong hanapin, sa imbi cong sulat??ang maranghang tula nang man~ga poetas??ualang talinghaga aco cung man~gusap,??dati cong ugali,i, magsabi nang tapat.
?Averno,t,[7] Olimpio[8] hindi maquiquita??sa titic nang aquing maralitang pluma,??gayon si Apolo,t,[9] masayang musa??sucat ang matanto ang ipagbabadya.
?Ligaya sa mundo ang iyong pan~gaco??igauad sa aquing tumatan~ging puso,??dalisay na sinta,t, tunay na pagsuyo??n~guni,t, ualang daan ang iyong pagsamo.
?Tahas na nica cong bilang pahimacas??na di magmamalio, buhay ma,i, mautas??at cung uulitin ang hin~gi co,i, tauad??ito,i, mabuti ring iyong matalastas.
?Madla na sa aquin ang nagsipagsaysay??nang tungcol sa sinta na gaya mo naman;??n~guni,t, tiniyac cong anomang caratnan??dili matatangap niring calooban.
?Pagca,t, malaon nang tinica nang diua??na aquing lisanin ang sa mundong daya,??at sa isang silid na lubhang payapa,i,??maglingcod sa Hari nang lan~git at lupa.
?Hanganan co rito,t, dapat nang mabatid??na ang iyong nasa,i, camandag sa dibdib:??Pag-utusan naman itong nagnanais??mabilang sa tanang lingcod mo at cabig?.
Ang taguisuyo
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 18
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.