Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio | Page 7

Joaquin Tuason
na palagui ang magandang loob,?cahiman at duc-ha,i, hindi inaayop,?ang pag-ibig, niya ay lubos na lubos?di sa bibig lamang at sa puso,i, taos.
Sa mag-uumagang tila nag-aauay?ang ulap nang dilim at caliuanagan,?unang tutun~guhin yaong pag-aalay?nang cay Jesucristong dugo at catauan.
At sa bahay nitong lumic-ha nang lahat?tantong nauiuili yaong pusong uagas,?ang pagsinta niya,i, lalong nag-aalab?na cung mangyayari,i, doon ay lumagac.
Muli,t, muli niya na iniluluhog?ang icagagaling nitong isang sinucob,?na inihahadlang sa galit nang Dios?ang sa anac niyang dugong ibinuhos.
Saca ihahain ang cataua,t, buhay?Sa napapalihim na anyong tinapay?at bago aalis nang boong pag-galang,?mahinhing uui sa caniyang bahay.
Cung na sa bahay na,t, iyong mapanood?yaong paglilinis niya,t, pag-aayos,?ay mauiuica mo sa sariling loob?ito ay babaying sa iba,i, nabucod.
At cung maquita mo yaong casipagan?niyong pananahi at paghabi naman,?baca mo sabihin ito ang matapang?babaying pinuri ni Salomong paham.
Ito,i, siyang bun~ga nang laguing paglapit?sa mahal na dulang na piguing nang Lan~git,?cung caya ang diua,i, lagui nang tahimic?mahinhin ang asal na caibig-ibig.
Cabaitang ito,i, napag-uunaua?nang na sa bintanang dalauang binata,?at ang isa rito,i, malaon nang lubhang?nag-in~gat sa puso nang lihim na nasa.
Dili iba,t, ito ay si Eliseo,?caya n~ga,t, nag-uica dito cay Hortensio:??sa dalagang iyan ano ang uica mo,?iibiguin baga ang abang lagay co?
Napan~giti muna,t, mata,i, itinunghay?nitong tinatanong, at saca nagsaysay:?panain~gahan mo yaring casagutan?at hatol nang isang matandang datihan.
CAPíTULO VII.--_Ang pagpili nang cacasamahin[5] at ang mabuting paraan nang nangyaring macamtan_.[6]
Niyong dacong arao cami,i, nag-uusap?para-parang batang casiglahang lahat,?may isang matandang tambing naquisabad,?aquing sasabihin ang ipinahayag:
?Man~ga bata, aniyang aquing guilio,?ang magandang palad nasa sa atin din,?sapagca,t, cung ano ang punla,t, pananim?ay siya ring bun~ga namang aanihin.
N~gayo,i, panahon na dapat na magpunla,?cayo na n~gang lahat nang mabuting gaua,?nang upang maputi ang catoua-toua?matamis na bun~ga sa bayang payapa.
Mana ay sumagot ang isa sa amin?ang ituro ninyo,i, cung anong magaling?paraang marapat na alinsunurin?tungcol sa pagpili nang cacasamahin.
Sagot nang matanda ay maraming bagay?diyan sa pagpili na dapat tandaan,?nang di lumalauig ay atin nang lisan?ang hindi totoong man~ga cailan~gan.
Houag maniuala sa balibalita?na ang caraniua,i, cabulaanang paua;?gayon ma,i, sa lagay nang nagsasalita?ang catotohana,i, mapag-uunaua.
Cung saca-sacaling cayo,i, may mamasdan?na isang dalagang mahinhin ang asal,?houag mabighani mana capagcouan?hangang di mauri ang catotohanan.
Ang balang babaying maraming salita?caraniua,i, tamad ualang guinagaua,?at ang mapintasin ay lalong masama?sa pinipintasan siya caipala.
Capag nagsabi dalagang sinoman?nang sarili niyang man[)g]a cailan~gan,?ay isa nang tanda nang capalaluan,?malupit na ina nang casamang tanan.
At cung batiin man ay ayao sumagot?ay tandaan ninyong ang tono,i, matayog,?ang naghihicab nama,i, pala-antoc?na ualang adhica cung hindi matulog.
Capag ang dalaga,i, madaling pa oo?ay tandang maraming lubhang catrato,?ang mahinanacti,i, itatan[)g]i ninyo,t,?may lihim na sinta at malaquing gusto.
At capag sa gabi,i, ang ulo,i, may bigquis?houag maniualang tunay na may saquit,?ang dahilan nito,i, tantong naiinip?at di dumadating ang toua nang dibdib.
Saca ang dalaga na taua nang taua,i,?ibig nang totoong macapag-asaua,?cung aling binata ang pinagmumura?ay siya cung minsang bubugbog sa caniya.
Dapoua,t, ang ayao na maquipanayam?at cung sumagot ma,i, nagmumuc-hang calan,?ay hindi malayo na mapagculian,?sinintang sandali,t, saca inayauan.
Ang gayong babayi ay nacacataua?na tila aayao na totoong tumugpa;?n~guni,t, cung lumao,t, tumandang dalaga?caraniua,i, bao naguiguing asaua.
Sapagca,t, ang dapat sila,i, tumahimic?capag tumanda na,t, sa bahay lumigpit?harapin nang lubos ang santong pag-ibig?at ang paglilingcod sa Hari nang lan~git.
Ipalagay nating maganda ang ticas,?mabait, mahinhi,t, ualang ipipintas;?n~guni,i, ang dapat namang matalastas?cung sa inyong hiling caya ay papayag.
Caya cailan~gang inyong maunaua?ang man[)g]a paraang mabubuting paua,?at uala munti man na cahalong daya?ganito ay dinguin nang man~ga binata.
Iyong dadagdagan ang paquitang loob,?susunod na tambing sa balang iutos;?paca-iin[)g]atan ang iyong icapopoot?at ang pagpipilita,i, ang icalulugod.
Laguing huhulihin ang caugalian,?cun baga,t, may galit houag lalapitan?n~guni,t, ang babayi,i, may caugalian?cahit umiibig conoua,i, aayao.?
Hindi na napiguil biglang napataua?ang hinahatula,t, nag-uica pagdaca:???datihang matanda,t, lubhang dulubasa?dapoua,t, ang iba,i, dagdag mo na tila.?
Sagot ni Hortensio,i, catoto cong liyag,??baquit baga icao ay nanguiguilalas??tauo,i, tumatanda,i, dapat matalastas?ang caliua,t, canan nang sa mundong lacad.
Datapoua,t, n~gayon atin nang tapusin?ang lahat nang bagay na dapat mong gauin,?cung baga sacali,t, iyo nang malining?na may daan ca nang sucat pasuquin.
Taunin mo siyang mabuti ang loob?saca mo lapitan nang galang na puspos,?bago mo sabihin ang iyong pag-irog?ay macaitlo ca munang maghimutoc.
N~guni,t, nauucol iyong pag-in~gatan?ang masamang anyo,t, quilos na mahalay?gaya nang ugali nang hindi nag-aral?at ualang inimpoc na magandang asal.
Pag-ayusin naman ang pagsasalita?sa dalagang iyan,nang di ca malisiya,?sapagca,t, ang tauo,i, sa gaua at uica?mapagquiquilala ang may turo,t, uala.
Cahit natatanto na may capintasan?sinomang binatang nagnanasa naman,?ay houag sabihin nang hindi mahapay?ang puri nang capouang dapat pag-in~gatan.
Hindi natin tanto na cung tayo pa n~ga?sa mata nang Dios ang lalong masama;?caya cailan~gang piguilin ang dila?nang houag man[)g]ahas sa iba,i, pumula.
Di dapat saysayin ang yamang sarili,?sapagca n[)g]a,t, ito ay pagmamapuri?bagcus na ilihim na cung mangyayari?ay ipagcaila cung baga,t, masabi.
Dapoua,t, houag acalain naman?na ang iyong nasa,i, agad aayunan,?at macalilibong naca-iibig man?di caraca-raca ay magpapamalay.
Sapagca,t, totoong malaqui ang hiya?cung caya aayao na magpahalata,?at baca uicain nang masamang dila?sila sa lalaqui,i, nagcacandarapa.
Sa madlang paraan na sinabi co na?cung baca sacali,t, di mo rin macuha,?aco ay mayroon na ituturo pa,?cagalin~gan nito,i, mahiguit sa una.
Cundi mabighani ipalagay natin?sa muli,t, muli mong himutoc at daing,?ang maraming pagod houag nang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 18
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.