mo.
Ano,i, sa mayari,i, biglang isinara?nang bunying dalagang n~gala,i, Eufrasia,?saca sinutsutan ang alilang isa,?cusang ibinulong ang pagpapadala.
?Anong loob caya itong nag-aantay?na pilit lalasap nang malaquing lumbay??mana,i, sa mabasa ang may lasong liham?limang buan halos na umotay-otay.
Sa nagpipighati,i, marahang nag-uica?yaong si Hortensio,t, malaqui ang aua?aco sa lagay mo,i, nagtatacang lubha?ang dating ugali,i, tila sinisira.
Bayani mong loob cusang napatalo?sa dahas nang sintang iquinagugulo,?iyong linilimot sampong pagca tauo,?anaqui,i, uala nang babayi sa mundo.
Pag-uari catoto,i, dili yata dapat?na ang buong puso,i, lubos na pabihag,?at siyang isipin sa lahat nang oras?ang di nabighani sa iyong pagliyag.
Gayon ma,i, mabuti ang iyong parunan,?baca hari na n~gang siya,i, malunusan:?isang gabi n~gani pinagsadya naman?pagsunod sa hatol nitong caibigan.
Tinangap din siya nang magandang loob?bagaman sa nasa,i, ayao pahinuhod,?anyong sasabihin ang haing pag-irog?mahal na dalaga,i, tambing na sumagot.
Banta co,i, sucat na ang catagang uica?sa isang gaya mong marunong maghaca;?doon pa sa sulat dapat na maunaua?ang aquing pag-ayao, yamang di ca bata.
Sa pagcacagayo,i, hindi nacaquibo?itong sumisinta,t, parang ipinaco,?mata,i, itinun~go, at ang quinucuro?ang cahalay-halay na pagcasiphayo.
Dalaga ay parang naacay nang habag?sa cay Eliseo,i, tambing na nan~gusap:?puso,i, itahimic houag mabagabag:??anóng magagaua ay hindi mo palad?
Ang nangyaring yao,i, parang di pinansin?at sa ibang bagay cusang inahinguil?yaong salitaan, at nang di mailing,?malubos ang hiya at pagcahilahil.
At ang uica niya,i, ang tauong mahiya?dapat cahabagan at caaua-aua,?baga ma,t, di ibig ayunang ang nasa?nang houag malubos ang pagdaralita.
Mapamayamaya,i, parang natauhan?ang naabang sintang tumangap nang ayao,?sa caniyang puso,i, nanariua naman?ang hatol nang pili niyang caibigan.
Yaong si Hortensio, ang uica sa aquin,?ang talagang ayao ay houag pilitin?at baca matulad aco sa nagtanim?nang halamang lanta ay dinidilig din.
Inari lamang tunay na capatid?ang di nabighani sa suyo,t, pag-ibig,?sa sarili lamang nihang pag-iisip:??Anong gagauin co,i, di loob nang lan~git?
Yayamang hindi mo aco capalaran,?uica nang dalaga, quita,i, tuturuan??magmula na rito ay icao,i, bumilang?at sa icaualong bahay ca humangan.?
CAPíTULO IX.--May dalahirang banayad at may mahinhing talipandas.
?Sa bahay na yaon ay may magcapatid?dalauang dalaga unahan nang diquit,?aquing sasabihin nang iyong mabatid?ang cani-canilang ugali at hilig.
Ang bilang pan~ganay n~gala,i, Esperanza,?malouag ang loob na ualang balisa,?cataua,i, magaan at lubhang masigla?ang ano mang hirap inaalintana.
Sa caniya,i, uala munti mang bagabag?parang namamayan sa lupang mapalad,?sa capoua tauo,i, lubos ang pagliyag?inaari niyang capatid na lahat.
Ang mumunting sira ay pinaraan,?hindi alumana cahit masahol man,?dunong na mag-in~gat sa capahamacan?nang paraang sucat na macahahadlang.
May magandang nasa, at ang panaghili?ay di man sumun~gao sa pinto nang budhi,?mababa ang loob na di caugali?ang nacacatulad isang batang munti.
Cung maquita niya sino mang may hapis?ang luha sa mata,i, dadaloy na pilit,?at di pa magcasiya sa habag ang dibdib?ang tulong at lin~gap agad icacapit.
N[)g]uni,t, cung sacali nama,t, ang mamasdan?ay ang nagtatamong toua,t, capalaran,?puso,i, lumulucso sa caligayahan,?iquinalulugod ang sa ibang dan~gal.
Sa cay Esperanza,i, ualang masisilip?na hindi mabuti at ugaling pan~git?liban sa salita nang masamang bibig?na ang cahinhina,i, nagculang nang muntic.
Sapagca,t, sa loob na lubhang masaya?at magaang bibig sa balang maquita,?ang naguiguing dahil ipula nang iba?dito sa uliran nang man~ga dalaga.
Capatid na bunso n~gala,i, Eduvigis,?timtimang babayi, anaqui,i, tahimic,?at sa silid niya,i, laguing lumiligpit?anopa at parang buhay, taga lan~git.
Yaong cagaslaua,i, malayong malayo,?at ang cahihina,i, parang catutubo,?ang lahat nang quilos mabini at uasto;?n~guni,t, hindi gayon ang lagay nang puso.
Ang man[)g]a salita,i, hindi nasisinsay?sa iguinuguhit nang magandang asal,?dili maibiguin lumabas nang bahay?at cung sacali ma,i, tun~go,i, sa simbahan.
Caya,t, sa caniyang isip, uica,t, gaua?ualang ipipintas, mabuting paua,?sampo pa nang tanang man~ga binabanta?n~guni,t, nalilihim ang nacasasama.
Sapagca,t, ang boo niyang pagca-isip?ay caniya na lamang ang tan~ging matouid:?ang sa ibang uica cung baga,t, marinig?cahit di masama ay minamapait.
Ang quilos nang iba cahit hindi mahalay?ay minamasama,t, quinamumuhían,?ang caniyang haca ay siya na lamang?babaying nabucod sa sang sinucuban.
Ualang puno,t, mula biglang napopoot?ang babaying itong cabanala,i, bantog,?lahat nang marinig iquinababagot,?at hindi macuhang magtipid nang loob.
Baquit lubhang hilig sa pagtataniman?ang dalagang bunyi cung sa cabaitan,?ang muc-hang payapa,t, quilos na timtiman?di taglay sa puso,t, paimbabao lamang.
Sucat masuclam ang macamamalas?capag-nagagalit mata,i, nagninin~gas,?at uala mang quibo,t, hindi nan~gun~gusap?ay daig ang tanang halimao sa gubat.
N~guni,t, ang lalong camandag sa budhi?ang siya,i, magcusa na unang bumati,?ito,i, catutubong caniyang ugali?na inaari pang caran~galang tan~gi.
Capag nangyayari ang nasa at ibig?muc-ha,i, maligayang parang taga lan~git;?n~guni,t, pag hindi na,i, agad magn~gin~gitn~git?at ualang demonio acong maiparis.
Magandang ugali,i, agad mabibiling?sisin~gao na pilit ang casamang lihim,?ang capalaloua,t, pagca-masumbatin?at saca ang nasa na siya,i, purihin.
At cung sacali pa,t, mayroon umayo?lalong mag-uulol ang malaquing labo,?at ang paimbabao na hinhing palalo?ay di na maquita,t, cung saan nagtago.
Lubos sa uari co,i, ang nacacabagay?ay tubig sa laua cundi guinagalao,?anaqui ay bubog na lubhang malinao,?n[)g]uni,t, ang ilalim ay carumal-dumal.
Itong magcapatid alit ang ugali,?caya sa dalaua icao ay mamili,?nang houag sisihin aco cung sacaling?mapalisiya ca sa iyong pagpili.
Ang cay Eliseo na ipinagturing?aco,i, uala riang itulac cabiguin;?ang isa,i, masaya,t, ang isa,i, mahinhin;?n~guni,t, ang pan[)g]anay yata ang magaling.
Cung gayon ang uica nitong capanayam,?icao ang bahala nang upang macamtan;?ang isa cong bili,i, pacatatandaan?sa paquiquiusap ay magpacarahan.
CAPíTULO X.--_Ang catampalasanan ni Neron at ang matandang?mangagauay_.
Mana,i, sa matapos yaong salitaan?ay si Eliseo,i, umoui nang bahay;?agad sinalubong mula sa hagdanan?nang parang capatid niyang caibigan.
Di agad tinanong muna ang nasapit?nitong si
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.