Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio | Page 6

Joaquin Tuason
lacad?
Ang bato balani ang siyang lumapit?lumapit sa bacal na di co ma-isip,??ano caya itong hiuaga nang lan~git,?hindi mapaghaca nang pantas na bait?
Isang arao n~gani ay parang nagtipan?itong si Hortensio,t, ang dalaga naman?sa bahay na isa,t, nagcasalitaan?nang tungcol sa mundong man[)g]a cahirapan.
Sa aming babayi, ani Eduvigis?ay loualhati nang pan~galauang lan~git,?ang cami tumama lalaquing mabait,?marunong dumamay sa hirap at saquit.
At cung mayroon pa sa sang maliuanag?na isang lalaqui na iyong catulad,?ó ibang Hortensiong asal na banayad?maiisban-isban ang tindi nang hirap.
Pagca,t, ang Hortensiong aquing capanayam,?uala manding aua sa boo cong damdam,?sa mauica ito mata,i, itinunghay?dito sa ulilang nagcacamamanghan.
Sa salitang ito,i, biglang namutla?ang buroc na pisn~gi nang ating binata,?at ang sumaisip nang lipos dalita?ang babaying yari,i, labis na manuya.
Hindi maniuala ang mababang loob?na sa lagay niya,i, mayroong iirog,?caya sa dalaga,i, ualang isinagot?cundi ?sucat na po ang iyong pag-ayop.?
Sa oras na ito ay siyang pagdating?niyong si Valeriong sa paring pamangquin,?ito,i, may pagsinta na laong inangquin?sa cay Eduvigis babaying butihin.
Isang bagong tauong marin~gal ang ticas?magandang lalaqui,t, marahang man~gusap,?man~ga panucala,i, lubhang matataas,?at ang pananamit ay nacagugulat.
Sa yama,i, sagana, malacas, matapang,?ualang pan~galaua sa binatang tanan,?laguing tinatanghal sa man~ga lansan~gan?sapagca,t, bihirang tumira nang bahay.
Ang tabas nang muc-ha niya ay mahauas,?at saca ang puti ay lubhang matingcad;?n~guni,t, maganda ma,i, parang nalilimbag?ang capalalua,t, pagcabudhing sucab.
Ualang hindi siya pinaghimasucan,?na sinalicsic ang sa ibang buhay;?ang malicsing bibig hindi nan~gan~galay?sa puri nang capoua niyong paghahapay.
Hindi bibihira ang nan~gatatacot?sa malicsing dilang ualang munting pagod,?naguguniguning matalas pa halos?sa talim nang tabac talagang panghamoc.
Mapusoc na loob hindi mapasucan?nang hatol na dapat sa ganoong asal,?tanang camag-anac pauang naninimbang?dito sa binatang lubhang tampalasan.
Masiglang cataua,i, hindi nagsasaua?sa ugali niyang magpagalagala;?ang man~ga casama,i, lalong nagpalalá?sa caniyang asal na dating masama.
Pagdating nang gabi,i, hindi linilisan?ang taglay touinang matulis na pu?al;?paglilibot niya,i, pinaglalamayan,?saca ang pagtulog naman ay sa arao.
Ito,i, nanibugho,t, acala,i, ninibig?yaong si Hortensio sa cay Eduvigis,?at sa salitaan siya ay lumapit?catulad nang isang tauong ualang bait.
Nag-uaualauala,t, nang di mahalata?ang lihim na galit na taglay nang diua;?n~guni,t, sa caniyang quilos at salita?ang sucal nang puso,i, mapag-uunaua.
Si Hortensio naman at si Eduvigis?sa pagdating niya,i, hindi na umimic,?na siya pang lalong na ipinagn[)g]alit?nang naninibughong haling sa pag-ibig.
Dito na nag-isip itong alibugha?nang cay Hortensiong icapan~ganyaya,?hindi nan~gilabot ang sariling diua?magnasang lasunin ang caaua-aua.
Lihim na sinabi sa cay Eliseo?nang may budhing sucab n~gala,i, si Valerio?ang lihis na nasang udioc nang demonio?pagca,t, malaon nang sila,i, magcatoto.
Nahambal ang puso nang pinagsabihan?caya,t, cay Hortensio sinabi ang bagay:?icao ay lalasunin niyong tampalasan?at sa panibugho yata ang dahilan.
Dito na lumayo ang ulilang aba?sa lilong Valerio hayop ang camuc-ha,?talaga nang lan~git at malaquing aua,i,?sa cuco nang ganid di napan~ganyaya.
Nagmula na rito ang pag-iibigan?nang dalauang laguing magcasalitaan?ang canilang puso,i, pinag-isang tunay?parang magcapatid ang nacacabagay.
Hindi man ugali nitong si Hortensio?ang siya,i, magtanim sa sinoman tauo;?gayon ma,i, nan~gilag sa nan~gin~gimbulo,?at di na minarapat na gauing catoto.
At si Eliseo naman ay gayon din?sa lilong Valerio,i, tantong narimarim;?na hindi mangyari cahima,t, pilitin?ang may asal hayop na gayo,i, guiliuin.
CAPíTULO VI.--_Ang uliran nang man~ga dalaga._
Ugali nang tauong maganda ang asal?sa may dalang hapis puso,i, nahahambal,?caya si Hortensio,i, tambing napaalam?sa nagcacalin~ga. Ganito ang saysay,
Houag pong magdalang cagalitan n~gayon,?at ang pag-alis co,i, hindi malalaon,?aquing sasamahan ang nalilingatong?na si Eliseong catoto cong bugtong.
Pinahintulutan siya sa pagpanao,?sa pagca,t, mabuti ang nasa at pacay;?n[)g]uni,t, nagdamdam din ang pari nang lumbay?dahil sa daquila niyang pagmamahal.
Nagcasama nan~gang parang magcapatid?itong si Hortensio,t, Eliseong ibig;?mana,i, isang hapo,i, canilang na-isip?na pa sa vintana,t, mag-alio nang dibdib.
Nagcataon naman siyang pagpapasial?sa jardin nang isang dalagang timtiman,?hindi sumasala yaong paglilibang?capag malapit nang lumubog ang arao.
Sapagca at hindi nalalayong lubha,?cun caya,t, naquita nang man~ga binata,?nagcaca-abutang suliap sa vintana,?di lamang macuha ang pagsasalita.
Ang tinatahanan ay calugod-lugod?libid nang halaman sa harap at licod;?ang ibig pumitas hindi mapapagod?mula sa vintana bun[)g]a,i, na-aabot.
Nagbibigay alio sa pusong may sindac?ang balabalaqui na man~ga bulaclac,?sa dacong umaga,i, cung namumucadcad?ang cahalimbaua,i, ang lupang mapalad.
Ang babaying ito,i, di lubhang maganda?dapoua,t, mayroon sucat icapuna,?masaya ang muc-ha,t, ang hinhin nang mata?ay cagalang-galang sa macacaquita.
Labi ay mapula sa pisn~gi may lunal,?ang tubo nang buhoc sa noo,i, mahusay,?catauang butihin ay bagay na bagay?sa catoua-touang maliit na bayuang.
Ang hubog candilang caniyang daliri?ay parang sinadya nang pagcayari,?n~guni,t, ang lalong nagbigay uri,?ang cabanayara,t, buti nang ugali.
Bihirang man~gusap at ang catabilan?malayong-malayo,t, quinayayamutan;?gayon ma,i, cung mayroon siyang capanayam?ang saya nang loob ay pinatatanao.
Maminsan-minsan lamang namintana,?ang catahimica,i, siyang laguing nasa:?at cung may pumanhic na man~ga binata?ay di maitunghay ang mata sa hiya.
Lalabing anim pa hustong cabilan[)g]an?nang caniyang taon na linalacaran,?na cun sa bulaclac cabubuca lamang?bagong calilipat sa cadalagahan.
Sucat cauiliha,t, lubhan matatamis?lahat nang caniyang man~ga bucang bibig,?mabini ang quilos na naca-aaquit?sa ibang dalagang palaring tumitig.
Hindi mayamuti,t, mababang man~gusap,?mapagbigay loob sa quinacaharap,?minsan man ay hindi narinig pumintas?cahima,t, sa tauong may loob na sucab.
Loob ay di hilig sa pagmamariquit,?magsoot nang madla,t, mahalagang damit:?sa catauan niya,t, ualang masisilip?cundi caraniuan lamang at malinis.
Sapagca,t, di taglay ang palalong nasa?nang ibang dalagang matan~gi sa madla,?na cung magcagayo,i, ang boong acala?pupulot nang puri,i, hindi pala,t, pula.
N~guni,t, ang ugali niyang pananamit?ay cauili-uili sa baua,t, tumitig,?yaong caayusa,t, palaguing malinis?larauan nang caniyang dalisay na dibdib.
Taglay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 18
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.