Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio | Page 5

Joaquin Tuason
saya ay puno nang lusac,??anaqui,i, may buntot na quinacaladcad??hayop na mistula ang nacacatulad.
?Ang hahanapin mo,i, may loob sa Dios,??banayad man~gusap at hindi mataros,??ayao naman aco nang iin~gos-in~gos??na sa tingnan lamang ay nacayayamot.
?Cung baga sacali,t, icao ay macasal??ang pagtitiis mo ay cararagdagan??sa asaua,t, bayao, hipag at bianan,??gayon din sa iyong boong casambahay.
?Hangan dito aco,t, pagpalain ca rin,??amponin touina nang mag-Inang Virgen,??sa capayapaa,i, tantong palaguiin;??at houag mo namang aco,i, lilimutin.?
Pagcauica nito,i, nagtindig pagcouan,?umacbay sa aqui,t, napasahihigan,?saca nagpatauag isang paring banal?at ang tanang sala,i, ipinan~gumpisal.
Mapamayamaya,i, aquing nahalata?siya,i, nalalagnat mainit ang muc-ha;?n~guni,t, hindi naman totoong malubha,??paano bagang ito,i, mamamatay caya?
At ang médico mang sa caniya,i, tumin~gin,?malayong mamatay, ang uica sa aquin;?n[)g]uni,t, unti-unti naming napaglining?na tunay ang sabi na ipinagturing.
?Sino cayang tauo ang hindi mamaang?sa lubhang magandang sa mundo,i, pagpanao??totoo n~ga palang _cung ano ang buhay?ay siya ring hanga nama,t, camatayan_.
At quinabucasan ay biglang naglubha?cataua,i, balisa,t, malatang malata,?hindi macaquiling sa cana,t, caliua,?at nagagaril na sa pagsasalita.
Aco,i, pajesusan ang ipinagturing?at sa santo Cristo,i, mata,i, itinin~gin,?aniya,i, _sa camay mo,i, inihahabilin?yaring caloloua nang iyong alipin_.
Nang mauica ito,i, siyang pagcalagot?nang tan[)g]ang hinin~ga nang mama cong irog,?ang puso co nama,i, parang pinaglabot?nang lahat nang dusa nitong sang sinucob.
Nagsipagcatipon mapamayamaya?ang man[)g]a catotong dinatnang balita,?sila,i, para parang mata,i, lumuluha?sa panghihinayang na ualang camuc-ha.
N~gayo,i, natapos na ang lahat mong hirap,?at ang humalili ualang hangang galac:?aco,i, iniuan mo na tiguib nang sindac?sa guitna nang mundong lipos nang bagabag.
Lan~git ang gumanti sa iyong pag-ibig?nang ligayang hindi sucat na malirip;?aco,i, iniuan mo sa madlang pan~ganib,??oh pan~gun~gulila na cahapis-hapis!
Di co na narinig cahit alin~gao-n~gao?nang iyong pagtauag na lubhang malayao:?aco,i, iniuan mo sa capighatian,?nacaisa-isa,t, ualang caaliuan.
Anopa,t, sa aquin ay naguing camandag?ang pagpapalayao niya at paglin[)g]ap;??oh buhay na imbi at cahabag-habag!??saan ihahanga, lan~git, yaring hirap?
Ito,i, siyang dahil nang aquing dalita?na dini sa puso,i, laguing umiiua:??batid mo na baga, catoto, ang mula?niring dalamhati at linuhaluha?
Caya,t, cung ibig mo, hirang na Hortensio,?ay samahan mo na ang abang catoto,?upang matiuasay ang sinicdosicdo?niring gulong dibdib na di magcatuto.
CAPíTULO V.--Si Hortensio at ang pagcabaligtad nang mundo.
Ito,i, bagong tauo, na lalabing siyam?ang bilang nang taon na linalacaran,?naguing caquilala,t, laguing capanayam?niyong Eliseo sa caulilahan.
Siya,i, unang bugtong na ipinan~ganac?nang inang si Florang di na nagcapalad?na hagca,t, calun~gin ang angel sa dilag,?caya,t, sa cay Fabiong ama ay nalagac.
N[)g]uni,t, inihandog nang masintang ina?nang bago malagot ang tan~gang hinin~ga?sa mapagcalin[)g]a,t, lubhang macalara,?dalisay na Virgeng ualang bahid sala.
Naiuan sa ama na caaua-aua,?salat sa ligaya,t, sa dusa,i, sagana,?naualay sa ina baquit batang bata?bagama,t, sa bait ay lubhang matanda.
Dan~gang may capatid isang binibini?dito sa mag-ama ay siyang nag-iui:?pan~gala,i, Emilia, mahinhing babayi,?matalinong isip, daig ang lalaqui.
Ang caniyang edad apat na puo,t, isa?na di nabighani nang pag-aasaua,?at sa boong loob tantong pinasiya?ihandog cay Jesus puso,t, caloloua.
Bagama,t, marami niyong dacong arao?nabihag nang ganda niya,t, cariquitan;?dapoua,t, ang baua,t, magsabi nang pacay?hindi na macuhang muling ipagsaysay.
Sapagca,t, pagdaca,i, cusang tinatapat?nang uicang mariing, conoua,i, banayad;??Sa bagay na iyan ang hin~gi co,i, tauad??at dini sa puso,i, lason at camandag.?
Cung pinaliligoy ang pagsasalita?nang adhicang sinta ninomang binata,?agad sasagutin nang ganitong uica:??Linauan po ninyo at nang maunaua.?
Saca sasabihing masasayang lamang?tanang guguguling dusa,t, capagalan,?idinudugtong pa nang lalong tumibay:??Ito,i, una,t, huling aquing casagutan.?
At cung maramdamang ibig magtiyaga?di na paquiquita,t, magtatagong cusa,?cundi macaiuas sasabihing bigla:??Sucat na sa iyo ang catagang uica.?
Ito ang nag-iui dito cay Hortensio,?capatid nang amang pan~galan ay Fabio,?at sa isang pinsan ipinaquinuso,?ang batang ulila paglabas sa mundo.
Icapitong taon ang edad nang bata?ay sa isang pare,i, ipinacalin~ga?mabait, marunong, at ang labi,t, dila?ay batis nang aral na cahan~ga-han~ga.
Daquila ang toua mula nang mamalas?ang sa cay Hortensiong loob na banayad,?at ang cabaitang caguila-guilalas?anaqui,i, sinusong casama nang gatas.
Lalo nang matantong lubhang mapagtiis?sa pagod at puyat, sa pighati,i, hapis;?at cahit mayroong maramdaming dibdib?ay hindi sumuco sa dahas nang saquit.
Baquit parang sadya na itinalaga?nang lan~git sa madla,t, sari-saring dusa,?quinaguisna,i, lucsa,t, ulila sa ina?at ang caruc-haa,i, ualang pan~galaua.
Sa lahat nang bagay ay capos na capos?sa canin at damit, sampong sa pagtulog;?sa tanang casama na sa paring lingcod?ay uala isa man na nagdalang lunos.
Puso,i, nalipos nang lumbay at hapis,?ang luha sa mata,i, laguing nagbabatis,?naualay sa ama,t, aling nagtangquilic:?anopa at naguing hantun~gan nang saquit.
May alagang pari sabihin ang aua,?dapoua,t, quinusang di nagpahalata,?nang lalong mauagas ang puso at diua,?luminis sa apoy nang madlang dalita.
?Aling cabaitan ang hindi magmalio?sa guitna nang gayong hirap at hilahil,?n~guni,t, ang bayaning lubhang matiisin?dusa ay hindi man lamang naidaing.
Capag dinadatnan anomang balisa?sa lan~git na lamang siya umaasa,?sa sariling loob ay ang uica niya??Maguing bayad naua sa lahat cong sala.?
Napagtanto mo na, bumabasang liyag?ang cay Eliseo na causap-usap,?caya naquilala,i, siya ang nagligtas?sa lubhang daquila na pagcapahamac.
Sapagca,t, ang isang pamangquin nang pari,?Valerio ang n~galan ay may panaghili,?doon cay Hortensio,t, ang mula at sanhi?dahil sa dalagang sa iba,i, natan~gi.
Sari-saring bagay ipinadadala?nito cay Hortensio,t, natatanto niya,?na ualang mabisang pang-aquit sa sinta?gaya nang mabuting loob na paquita.
Puso ni Hortensio,i, hindi naligalig?sa mapulang pisn~gi,t, malagquit na titig,?at maputing noong capilas nang lan~git?nang isang babaying n~gala,i, Eduvigis.
?Oh diamanteng pusong ualang casing tigas?at quinucusa na,i, ayao pang pumayag!?n~guni,t, ?ano caya,t, tila nabaligtad?ang dating ugali nang sa mundong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 18
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.