Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio | Page 4

Joaquin Tuason
laro,i, pinag-aaliuan,?na may tumutula,t, may nag-aauitan:?tignan mo ang aquing sa Virgen ay alay:
?Pag-asa sa Ina nang aua.?
?Icau na tacbuhan niyaring abang puso??sa anomang dusa na sumisiphayo,??sa lilim nang iyong ampo,i, nagtatago??itong alipin mo, taglay ang pagsuyo.
?Icao ang ligaya cung aco,i, malumbay,??matibay na moog niring cahinaan,??saclolo cong tan~gi sa capan~ganiban??at sa aquing isip ay caliuanagan.
?Icao ang tinudlá nang aquing pag-irog,??bilang pan~galaua nang anac mong Jesus,??pagsambit sa iyong n~gala,i, naghahandog,??sa puso nang lalong dalisay na lugod.
?Icao ang maestra nang di carunun~gan,??mabisa cang lunas nang saquit na tanan,??masaganang batis na binubucalan??nang tubig nang graciang mapagbigay buhay
?Dahilan sa iyo,i, ang bayan nang hirap??ay inaari co na Edeng[4] mapalad,??mahina cong loob ay mapapanatag??sa huling sandali na casindac-sindac.
?Dahil sa tulong mo ay madadalisay,??lilinis ang pusong sa dilag mo,i, alay;??ang bininhing sinta,i, iyong alalayan??nang houag malanta magpacailan man.
?Dahilan sa iyo,i, mapapauing pilit??ang ulap nang ibang sintang maligalig,??lulucso ang diuá, tatahip ang dibdib??sa caligayahan na gauad nang lan~git.
?Hangan dito, Ina,t, ticang pagtamanan??pagpuri sa iyong man~ga cagalin~gan;??di linilimot naman ang pag-galang??sa iyong Esposong calinis-linisan.?
Ano,i, nang matapos ang pagbasa nito;?tila mabuti na, uica ni Hortensio,?na tayo,i, umoui, at sa cuarto mo?ay ualang dirin~gig cundi lamang aco.
CAPíTULO IV.--Cung ano ang buhay siyang camatayan.
Sa bahay nang isang laqui,i, ugali,?pinto,i, bahag-ya na nabuc-san nang munti,?at sa loob nito ay may natatali?isang asong galgo na nacalupagui.
Sa lual nang bahay may isang halaman?na di co masabi cung ano ang n~galan,?daho,i, malalapad, san~ga,i, malalabay?at ang isang silid ay nalililiman.
Sa lupa,i, nagcalat na lumilipana?yaong tinatauag nating macahiya,?ito,i, tumutungo,t, nan~gan~gayupapa?sa capoua damo, anang man~ga bata.
Nang isang tanghali mana ay pumasoc?dalauang binatang tumatacbo halos,?sa pauis nang muc-ha,t, hin~gang nan~gan~gapos?mapagquiquilalang malaqui ang pagod.
Ang dalauang ito,i, di co na sabihin?at quilala mo na, bumabasang guilio,?ating pabayaan cung anong gagauin,?salitaan nila,i, pilit tatapusin.
Di naghantonghantong camunti man lamang?nagtuloy pumanhic sa naturang bahay,?at ang isang silid agad na binucsan?at capagcapasoc ay muling sinarhan.
Nag-upuan sila,t, tica,i, mag-uusap?sa dalauang silla na nagcacatapat,?isa sa canila,i, pagdaca,i, nan~gusap:?ganito ang dinguin, bumabasang liyag.
Ani Eliseo sa catotong ibig,?labing ualong taon ano,i, nang sumapit,?dumating ang isang sulat na pahatid?niyong aquing mama, ganito ang sulit:
?Guilio cong pamanquin, yaring carain~gan??ay talastasin mo at panain~gahan,??na cung mangyayari,i, muling pagbalican??ang bahay na itong iyong quinaguisnan.
?Tanto mo na, bunso,t, aco,i, nag-iisa??ualang magcalin~ga baquit matanda na,??icao ang pangdugtong nang tan~gang hininga??at caligayahan nang dalauang mata.
?Icao ang tuncod cong pan~gun[)g]unyapitan??nang mahinang lacas niring catandaan??at cung ang buhay co,i, malapit nang manao??sa man[)g]a camay mo nasa cong mamatay?.
Nahambal ang aquing puso sa pagbasa?nang liham na lagda nang boong pagsinta,?caya n~ga,t, niyon din aquing pinasiya?na ganaping agad ang caniyang pita.
Linisan co na n~ga iyong pag-aaral?at aquing tinun~go, ang iniuang bayan,?nang aco,i, dumating sa mama cong bahay?toua,i, dili gayon nang aco,i, mamasdan.
At saca nag-uica, guilio cong pamanquin,?paquimat-yagan mo yaring sasabihin,?pagca,t, panahon nang dapat mong lasapin?ang pait nang dusang pamana sa atin.
Nang nunong si Adan na pinatamaan?nang sumpa nang Hari nang sangcalan~gitan,?na sa iyong pauis_, aniya,t, capagalan?doon mo cucunin ang icabubuhay_.
Munti man ay hindi nagdamdam nang hapis?yaring aquing puso sa gayong narinig,?sapagca n~ga,t, tantong ayon sa matouid?ang caniyang aral na ipinagsulit.
Bagcus pa n~gang aquing pinasalamatan?ang paglin~gap niya sa aba cong buhay,?tuloy na tinicang siya,i, paglincoran?hangang may hinin~ga na iniin~gatan.
Mangyayari caya ang maghinanaquit?sa hatol na lagda nang boong pag-ibig,?pagca,t, ang mama co,i, may tapat na dibdib?at lubhang marunog siyang magmasaquit.
Nagsama na caming hustong pitong boan?niton~g amain cong labis na magmahal;?mana,i, isang hapo,i, nag-uica pagcouan:??di na malalaon yaring aquing buhay.?
Tila di mangyaring aco,i, maniuala?sa bagay na yaong caniyang uinica;?n~guni,i, niyong din cusang inihanda?ang naquiquinitang pagpanao sa lupa.
Uala acong sucat na pagcaquitaan?nang icalalagot nang hinin~gang tan~gan;?malacas na lubha naman ang catauan,?bagama,t, ang muc-ha,i, uari namamanglao.
Hindi co napiguil pagtulo nang luha?sa paglin[)g]ap niya touing magunita,?dinguin mo ang caniyang matamis na uica?udyoc nang malaquing pag-ibig at aua.
?Itanim sa iyong puso at panimdim??itong sa mama mong huling tagubilin:??sa arao at gabi,i, houag lilimutin??ang Dios na Haring lumic-há sa atin.
?Ang pananagano sa Ina nang aua??ay palaguiin mo sa puso at dila,??siyang pagsacdalan sa hirap, dalita??habang nabubuhay sa balat nang lupa.
?At ang balang duc-hang sa iyo,i, dumulog??ay paquitaan mo nang magandang loob,??houag mahinayang masayang iabot??ang macacayanang ipagcacaloob.
?Ang sinomang tauong may magandang asal??siyang catotohing itan~gi sa tanan;??puso mo,i, cung baga,i, may capighatian??ay maguiguing lunas at caguinhauahan.
?At sa balang sucab magpacailag ca,??pagca,t, ang casaman ay nacahahaua:??iyong hihiran~gin ang macacasama??nang di ang buhay mo ay mapalamara.
?Cung magca utang cang loob sa sinoman??ay iyong gantihin nang loob din naman:??ang na sa sacuna,i, agad saclolohan??mayaman ma,t, duc-ha ó cahit caauay.
?Icao na bunso co, bahalang maglining,??yamang batid mo na masama,t, magaling,??malibing man aco,i, houag lilimutin??ang madla cong aral, ?ay pamangquing guilio!
?Bucod dito,i, dapat, yamang panahon na??na icao,i, humanap nang macacasama,??ang ibig co sana,i, maraos ca muna??hangang aco,i, buhay matulun~gan quita.
??Anong gagauin ta,i, ito na ang guhit,??ito na ang hanga na taning nang lan~git???n~guni,t, ang bilin co,i, magpapaca-bait??at ang pipiliin timban[)g]in sa isip.
?Houag cang hihirang nang lubhang butihin,??cundi yaong lalong timtima,t, mahinhin,??pagca,t, aco,i, ayao n~g quequendeng quendeng??lason sa mata co,t, nacaririmarim.
?Hindi co rin ibig ang sumasagadsad??laylayan nang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 18
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.