Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio | Page 3

Joaquin Tuason
parito siyang catungculan?at ang inuuncat buhay nang may buhay.
Ang ganitong asal ay tantong malapit?sa madlang dalita, hirap at pan~ganib,?pagca palibhasa,i, hindi iniisip?ang huling sandaling sasapiting pilit.
Inaalintana,t, di nahihinayang?sa arao, at oras na nacararaan,?sa toui-touina,i, tila namamanglao?at ualang magaua na anoman lamang.
Tayong nauiuili sa pagsasalita?nang bago at bago na man~ga balita:??ano caya bagang ating mapapala?sa buhay na itong dapat icacutya?
?Dili natin tanto,t, darating na pilit?ang arao at oras, na tacda nang lan~git,?na hihin~gan tayo nang cuentang mahigpit?sa tanang guinauang buctot at matouid?
Tayo na n~ga lamang ay napararaya?sa hiling nang ating catauang masama;?ang mama mong imbi unang una na n~ga:??iyong patauarin Dios na daquila!
Di pa sucat ito ay idinuructong?parang pahimacas sa lahat nang hatol,?icao ay bata pa,i, dapat na magtipon?nang magandang asal habang may panahon.
At nang cung tumandai,i, houag cang magsisi?sa di carunun~gan nang bait mong imbi,?at pag nagcataon masasabisabi?dica tinuruan nang gauang mabuti.
Anopa,t, sa aral nang mama cong ibig?nabubucsan naman yaring pag-iisip,?saca unti-unti nanasoc sa dibdib?ang sintang dalisay sa Hari nang lan~git.?
Capagdating dito,i, nag-uica pagcouan?itong si Hortensiong parang napamaang:??pasalamatan mo yaong calan~gitan,?ang naguing mama mo,i, dunong na umaral.?
Sa cay Eliseo namang isinagot,??di co linilimot ang aua nang Dios,?palalaguiin co hangang sa malagot?ang tan~gang hinin~ga,t, buhay co,i, matapos.?
CAPíTULO II.--_Ang pinagcauta?gan nang buhay._
?Isa namang gabi,i, aco,i, quinauayan?nang guilio cong mamang labis na magmahal,?aniya,i, dinguin mo ang ipagsasaysay?cun sa natutulog ay parang pamucao.
Pacatandaan mo ito at iguhit?sa caibuturan nang puso at dibdib,?at isa sa samong utos niyong lan~git?sa lahat nang tauo nitong sangdaigdig.
Icao ay bata pa niyong camatayan?nang masintang ama,t, inang mapalayao:?houag mo rin, bunso, namang calimutan,?iyong idalan~gin sila nang mataman.
Liban na sa Dios bilang pan~galaua?dapat na suyuin ang ama at ina,?igalang at sundin utos na bala na?at houag bibig-yan anomang balisa,
Ang uica ni Platon,[2] filosofong paham,?ay Dios sa lupa ang man~ga magulang,?pagca,t, pan~galauang pinagcautan~gan,?nang tauo sa mundo nang in~gat na buhay.
Ang sila,i, igalang tantong nararapat,?suyo at pagdama,i, laguing igagauad,?tuloy abuluyan sa madlang bagabag,?pighati,t, dalita, ó anomang hirap.
At ang man~ga anac na nagsisigalang?sa canicanila na man~ga magulang,?tantong naghahanda nang caguinhauahan?dito,t, saca doon sa cabilang buhay.
Dapoua,t, ang lilo na may asal ganid?sa man~ga magulang culang nang pag-ibig,?dito pa sa lupa,i, lalasap na pilit?nang pait nang dusa,t, saclap nang hinagpis.
Para nang nasapit niyong si Absalon?nasabit ang buhoc sa puno nang cahoy?at doon namatay: ?Oh parusang ucol?niyong calan~gitan sa may pusong gayon!
Ang nasapit naman niyong ualang galang?na anac ni Noè na pan~galan ay Cam,?siya,i, naruhagui sampong boong angcan,?sa canilang muc-ha sumpa,i, napaquintal.
Caya, Eliseo, cung tanto mong ibig?na ang iyong buhay sa mundo,i, lumauig,?man~ga magulang mo,i, mamatay man cahit?sa lupa ay houag catcatin sa dibdib.
Yamang hindi na mangyayari naman?ang paglingcuran mo sila at igalang,?iyong idalan~gin sa Poong may capal?caloloua nilang sa mundo,i, pumanao.
CAPíTULO III.--Ang hiyas nang isip.
Icapitong taon nang aco,i, sumapit,?na capanahunang pagsilang nang bait,?tantong minarapat nang mama cong ibig?sa isang maestro aco,i, ipahatid.
Ang n~gala,i, Pancracio, pan~galauang Mentor[3]?cung sa cabaita,t, gayondin sa dunong,?siyang minabuting sa aqui,i, mag-ampon,?magturo,t, umaral nang gagauing ucol.
Sa anyo at muc-ha parang naquiquintal?ang caguilio-guilio na magandang asal;?at sa bahay niya,i, aco,i, pinatahan?yamang nalalapit ang caniyang bayan.
Minulan na niyang tiquis isinabog?ang lunas na aral sa bata cong loob,?at sa aquing bait ay ipinapasoc?yaong carunun~gang camahala,i, puspos.
N~guni,t, pahintulot niya ang maglibang?sa capoua co batang nagsisipag-aral,?at isa n~ga rito,i, naguing caibigan?mahiguit sa isang capatid na tunay.
Pan~galan ay Fidel, matalinong bait?pandac na lalaqui,t, mariquit ang voces,?quinauiuilihan nang balang dumin~gig?ang lubhang maayos niyang pagsusulit.
Mapusoc ang loob, lubhang salangapan?ang aquing napiling unang caibigan;?datapoua,t, dahil sa mabuting aral?ay cabaitan din ang namamag-itan.
Puso,i, bahag-ya na dalauin nang sindac,?anaqui ay laguing nasa sa panatag,?inaalintana anomang bagabag,?caya n~ga,t, malapit sa pagcapahamac.
Pagca,t, ualang hantong sa balang maisip?at dili gunita anomang pan~ganib,?houag lamang hindi masunod ang nais;?n~guni,t, sa hatol co,i, siya,i, naquiquinig.
Ang ugaling ito ay binagong cusa?nang naturang Fidel, aquing cababata?mulang mapag-uari niya,t, maunaua?na sa cotouira,i, tantong nalilisiya.
Aquing quinasama habang nag-aaral?ang tapat na loob na catotong hirang;?dito nalathala yaong catalasan?nang isip ni Fidel na quinahan~gaan.
Aming iniraos ang pagsusumaquit?nang maliuanagan ang malabong bait:?lacad nang bituin aming iniisip,?saca ang sa arao na laguing pagliguid.
Ang lahat nang bagay nating natitingnan?sa balat nang lupa na may caramdaman:?ang tauo,t, ang hayop, at ang uala naman?na para nan bato at man~ga halaman.
Gayon din n~ga naman yaong man~ga diua?na ualang cataua,t, espiritung paua:?ang Hari sa Lan~git na di matingcala,?caloloua nati,t, Angeles na madla.
At itinuturo nang maestro namin?ang ugaling dapat sa mundo,i, asalin:?na _ang catouirang aalinsunurin;?ang masamang gaui nama,i, susupilin_.
Ang tatlong daquila nating catungculan:?una ay sa Dios na dapat igalang,?at sintahin lalo sa lahat nang bagay,?itanim sa puso habang nabubuhay.
?At paano cayang hindi iibiguin?yaong cagalin~gang ualang macahambing??malauac na dagat na hindi malining?nang lalong mataas paham na Querubin.
Ang caniyang sinta,i, laguing nag-aalab?sa linic-hang tauo na aliping hamac,?na pinapanaog ang bugtong na Anac?sa caalipinan nang tayo,i, maligtas.
Tungcol sa sarili pan~galaua bilang?nang aquing sinabing man~ga catungculan,?pag-in~gatan baga,t, mahalin ang buhay;?n~guni,t, lalo pa n~ga yaong ualan hangan.
Saca ang icatlo,i, pag-ibig sa capoua,?tulun~gan sa dusa, pighati,t, dalita:?di co na sayuri,t, lalauig na lubha?ang itinuturong cagalin~gang paua.
Sa oras nang aming pagpapahin~galay?sari-saring
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 18
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.