ay calugod-lugod,?daliri,i, maliit at sadyang bibilog.
Ang dibdib ay buo, paa ay cabagay?nang ugaling laqui nang pan~gan~gatauan,?malicsi ang quilos; n~guni,t, namamasdan?na nahahalo rin ang cabanayaran.
Sa caniyang lagay ay mapaghuhulo?na may catiisan siyang catutubo?baga ma,t, cung minsan ay tila susuco?sa dahas nang dusang nanaca sa puso.
At sa muc-ha niya,i, mapag-uunaua?nang macaquiquitang siya,i, batang bata?cahit nalilipos nang hindi cauasa?at lubhang maban~gis na pagdaralita.
Sa guitna nang saquit niya,t, pag-iisa?humahanap mandin nang macacasama,?ang boong acala ay cung maihin~ga?maiisban-isban ang tindi nang dusa.
Di caguinsaguinsa siya,i, nacarinig?nang yabag nang paa sa dacong malapit,?agad natilihan, at ang sumaisip,?ito,i, capara cong may sucal sa dibdib.
Mapamaya maya lamang ay naquita?ang quinaugitlahang hinabol nang mata,?pagdating sa harap niya ay nagbadya???Eliseo,i, baquit, at narito ca??
?Salamat, Hortensio, catoto cong liyag?at natagpuan mo acong lipos hirap,?sa lagay na yari ay humahaguilap?nang isang gaya mong may loob na tapat.
?At aquing bubucsan laman niyaring dibdib?na pauang dalita,t, suson-susong hapis,?diua ay uala nang lunas na macapit?sa binilogbilog nitong sang daigdig.
?Caya naparito,i, aquing linilibang?ang dusang habilin nang mama cong hirang,?tila tumatangui sampong calan~gitan?umalio sa aquing pusong nalulumbay.?
?Houag magca-gayon, anang bagong dating,?laganap ang aua nang Dios sa atin:?pacaasahan mong hindi magmamalio?ang dating calin~ga sa nahihilahil.
?Caya sabihin mo ang puno at ugat?niyang dalita mong sa muc-ha,i, nalimbag:?isinusumpa cong caramay mo, liyag,?ang bagong catoto, bagama,t, di dapat.
?At cung sacali ma,t, sa sang lingo lamang?pagquiquilala ta, Eliseong hirang,?sumapanatag ca,t, iyong namamasdan?ang uri nang aquing pag-ibig na tunay.
?Tahas na uica cong malayong di palac?sa abang Hortensio ang gauang magsucab,?lalo,t, sa para mong sa aqui,i, nagligtas?doon sa nagnasang buhay co,i, mautas.
?Yaring boong buhay alan~gan pa mandin?ibayad sa iyong paglin~gap sa aquin,?dahil sa tulong mo,i, siyang nacapiguil?sa camatayan cong biglang sasapitin.?
?Cung gayo,i, halica,t, tayo,i, mag-agapay?sa lilim nang cahoy na lubhang malabay:?di lamang ang dusa cundi boong buhay?ang sasalitin co,i, mangyaring paquingan.
?At ligaya co nang iyong matalastas?ang buhay na yaring silo-silong hirap,?nang ang paglin~gap mo,i, siyang maguing lunas?na lubhang mabisa sa pusong may sugat.
CAPíTULO I.--_Ang magandang asal na dapat pasimulan mula sa cabataan_.
?Sa Limang[1] capital nang Perúng calac-han?masaganang ciudad nang maraming yaman;?siyang naguing palad na quinamulatan?niring man~ga matang sa pagluha,i, laan.
Nanariua n~gayon dini sa gunita?ang camusmusan cong quinandong nang toua;?man~ga magulang co,i, ang laquing adhica?masunod ang aquing balang ninanasa.
Caya,t, ang uica co,i, sa buhay nang tauo,?oh catotong ibig, guilio na Hortensio,?ay maicacapit ang n~galang paraiso?sa buhay nang batang bago pa sa mundo.
Sapagca at ualang munting ala-ala?sa gutom at puyat, sa dusa,t, pan~gamba;?loob ay payapa, laguing nagsasaya?sa inang candun~gan na nagcacalara.
Ang lahat nang bagay sa sang daigdigan?pauang naghahandog nang caligayahan,?di nagugunita yaong camatayan?quiquitil nang buhay sa sang catauhan.
Balang macaquita ay nan~galulugod?at catuoa-toua ang lahat nang quilos,?pagca palibhasa,i, malinis ang loob?at ang cumacasi,i, ang gracia nang Dios.
Ganito ang aquing dinaanang buhay?nang cabataan co cay inang namatay:??oh cung mangyayari sanang pagbalican?ang cauili-uili,t, mapalad na arao!
Di co na nalasap ang layao cay ama,?yayamang hindi co siya naquiquilala,?icalauang taon nang edad cong dala?siyang pagcamatay aco,i, nan[)g]ulila!
Nang aquing sapitin icapat na taon?pan~gun~gulila co,i, lalo pang nag-ulol,?ang masintang inang lubhang mapag-ampon?binauiang buhay nang Dios na Poon.
Sa pagpipighati di lubhang nalugmoc,?palibhasa aco,i, cabataang puspos,?natuyo ang luhang sa mata,i, naagos,?ang ama co,t, ina,i, lubos na nalimot.
Naguing parang ama na nagcacalin~ga?capatid na bunso nang ina cong mutya,?ang pagpapalayao ay cahan~ga-han~ga?sa palad cong yari na napaca-aba.
Ang mama cong ito,i, isang bagong tauo,?ang edad na dala ay dalauang puo,t, pito,?may loob matanda at di nagugulo?sa man~ga dalagang paroo,t, parito.
Pan~gala,i, Prudencio, banayad ang asal?at sampo nang quilos ay hindi magaslao,?mahusay man~gusap naman at magalang?sa cahima,t, sino na macapanayam.
Ualang pan~galauang magturo,t, humatol?sa nasasalatan, para co n~ga n~gayon,?dunong na umalio sa nalilingatong,?sa ulila nama,i, lubhang mapag-ampon.
Sa boong maghapo,i, hindi nauaualan?nang quinacalin~ga na caabalahan,?at namamahala sa naiuang yaman?nang man~ga nuno cong caniyang magulang.
Pagdating nang gabi aco,i, tinatauag,?at tinuturuan nang gagauing dapat,?caya sa puso co,i, dili nacacatcat?ang aral nang aquing mamang liniliyag.
Nang aco,i, arala,i, bata pang maliit?nang dapat asalin nang tauong may bait:?pinan~gun~gunahan aco sa pagsambit?sa n~galan nang Dios, lumic-ha nang lan~git.
Sa touing umaga, ay bago co lisan?ang lubhang malambot na aquing hihigan,?unang babatii,t, pasasalamatan?ang lan~git sa dilang biyayang quinamtan.
Pinag-iin~gatan ang bata cong dibdib?na houag sayaran nang sa salang dun~gis,?at lagui na acong pinapananalig?sa aua ni Mariang Inang matangquilic.
Tacot ay di gayon nang mama cong irog?aco ay mahilig sa may lasong lugod,?na ipinapain sa bata cong loob?nang marayang mundong madaling matapos.
At sa aquing puso ay ipinupunla?pagsinta sa Hari nang lan~git at lupa,?gayon sa sarili, at sa tauong capoua,?saca ang maganda,t, loob na payapa.
Halay ay di gayon, nitong mama co,?nang batang lagui nang naquipagtalo,?palalong man~gusap, anaqu,i, demonio,?ualang munting aua sa capoua tauo.
Dila,i, tampalasa,t, ualang pacundan~gan?sa matandang tauo,i, hindi gumagalang,?ang masamang bibig binubuca lamang?ay ang sinasabi,i, di na-aalaman.
Ang pagbubulaa,t, pag-uupasala,?paninirang puri, paglibac, pagcuta?at iba pang sin~gao nang masamang dila?inuulit-ulit na ibinabala.
Di mamacailang sabihin sa aquin?na ang catamara,i, aquing susupilin,?at hangang bata pa,i, dapat hiratihin?sa pagod at puyat ang catauan co rin.
Ang tauong touina,i, ualang guinagaua?sa boong maghapon cundi magsalita,?sa nacaquiquita ay cahiyahiya,?at nacamumuhi sa loob nang madla.
Cataua,i, masagal, di paquinaban~gan?tungcol sa gagauin na may casaysayan,?paroo,t,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.