䙼The Project Gutenberg EBook of Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio, by Joaquin Tuason
This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio
Author: Joaquin Tuason
Release Date: July 16, 2005 [EBook #16312]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
? START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK PATNUBAY NANG CABATAAN ó ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad,?Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders. Special?thanks to Elmer Nocheseda for providing the material for?this project. This ebook edition was typed page by page?from digital images taken of the book which was too fragile to scan.
[Transcriber's note: Two diacritical marks on g were used by the original publisher of this book. We have marked breve g as [)g] and tilde g is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: Dalawang klaseng tuldík ang ginamit sa g ng orihinal na naglimbag ng librong ito. Minarka namin ang breve g na [)g] at ang tilde naman ay minarka ng ~g.]
PATNUBAY NANG CABATAAN
ó
TALINHAGANG BUHAY
NI
ELISEO AT NI HORTENSIO
NA QUINATHA
NI JOAQUIN TUASON
nang may cunang uliran ang sinomang babasa.
Inihandog sa calinislinisan at lubhang
MAPAGCALI?GANG PUSO NI MARíA
Sa dulo,i, linag-yan nang isang pagpupuri
CAY S. LUIS GONZAGA
TA?GING PINTACASI NANG CABATAAN
May lubos na capahintulutan
MANILA
Establecimiento Tipográfico de Modesto Reyes y C.^{a}
Salcedo núm. 190 (Sta Cruz)
1901
?Quod mimus Reiplublicae majus, meliusve?affere possumus, quam si docemus, atque?erudimus juventutem? Cic. II, de Div.
SA CALINIS-LINISAN AT LUBHANG MAPAGCALI?GANG PUSO NI MARíA
O Pusong hindi man nalahirang libag?nang sala ni Adang minana nang lahat,?magsaganang bucal na di na-aampat?pagdaloy nang aua?sa balang dumulog na napalilin~gap.
Cutang sadyang tibay na nacababacod?sa canino pa man palaring pacupcop,?mariquit na jarding hindi mapapasoc?nang lalong pan~gahas,?sucab na caauay at may budhing hayop.
Oh daong ni Noé, na pinagpitagan?nang gahasang tubig sa mundo,i, gumunao,?tantong maliligtas sa capahamacan?ang lumulang tauo,?cahima,t, busabos na macasalanan.
Gayon ma,i, ang lalong iyong quinucupcop?ang napa-aauang malinis na loob,?ipinan~gan~ganib ang lubhang marupoc?na catauang lupa?na sa ati,i, laguing naquiquihamoc.
Caya ang samo co, Pusong lubhang uagas;?aco,t, ang babasa,i, tapunan nang lin~gap,?na houag itulot cami,i mapahamac?habang nabubuhay?sa balat nang lupang lipos nang bagabag.
Mapagpalang Ina,i, iyong calin~gain?aco nang Puso mong lubhang mahabaguin;?houag pabayaang quita ay purihin?sa mundo, at saca?doon sa cabilang buhay caaua-yin.
Cundi ang luhog co,i, yaring pagdiriuang?n~gayon sa dan~gal mo, buti,t, cariquitan,?lubos na lumagui habang aco,i, buhay?at hangang sapitin?yaong bayang puspos nang caligayahan.
JOAQUIN TUASON.
Sa ma?ga dalagang babasa nito.
Cung capanahunan nang pamumucadcad?nang balabalaqui na man~ga bulaclac,?sa mata at puso,i, nagsisipag-gauad?nang caligayahang lubhang aliualas.
Di sucat masabi ang pagcacalin~ga?nang baua,t, may-ari na nag-aalaga,t,?baca cun malanta ang pananariua?tambing na malagas, lumagpac sa lupa.
Sapagca n[)g]a,t, cayo ang nacacatulad?nang aquing binanguit na man~ga bulaclac,?at capanahunan nang pamumucadcad?nang sigla nang iyong catauang marilag.
Sa arao at gabi pauang caaliuan?sa iyo ay halos ang pumapatnubay,?ang dusang mapait bahag-ya na lamang?ihandog ang caniyang lilong caban~gisan.
Ang masayang tinig nang man~ga música?ay iguinagauad sa inyo touina;?sa bayan ó nayon, cayo ang ligaya?anopa,t, cauan~gis nang man~ga sampaga.
Alin mang ligaya anaqui ay culang?cundi macasama ang cadalagahan,?malungcot ang bahay, ualang cahusayan?ito,i, hindi sucat ipag-alinglan~gan.
Cayo n~ga ang laguing hinahanap-hanap?nang ibig cumita nang maguiguing palad;?baga ma,t, cung minsa,i, napapauacauac?ang mapanibulos sa inyo,i, lumiyag.
At cayo rin naman ang guinagauaran?nang labis na puri at lampas na galang,?sa inyo ay madla ang nag-uunahan?sumunod nang baua ninyong maibigan.
Bagama,t, marahil ang inadhica,i,?ang bun~ga nang inyong pagcapan~ganyaya,?cahima,t, di ninyo sinasapantaha,t,?malayong malayo uari sa gunita.
At sa inyo naman aquing inihandog?yaring duc-hang gugol nang isip na capos,?marapatin nauang tangapin nang loob?ang inadhica co na icalulugod.
Sa oras na tila ibig mamanglao?ang dibdib na gaui sa caligayahan:?at nang sa pagbasa ay houag manamnam?ang saclap na gauad nang capighatian.
Bumabasang irog, houag ipagtaca?ang lagda nang aquing mabagal na pluma?sa gusot na hanay acalain mo nang?sa salat ay ?anong hahanapin baga?
Inaasahang cong mayroon din naman?na puputihin cang bun~ga,t, paquinabang,?at houag man[)g]amba sa catitisuran?na macarurun~gis sa pusong dalisay.
Sa may tauang uica na parang aglahi?ang magandang aral parang itinahi?at sa di nangyaring buhay ay nagbinhi?nang isang maayos na pag uugali.
Cung baga,t, mabuti ang iyong matunghan?Dios ang purihin at pasalamatan;?n~guni,t, cung masama nama,i, cahabagan?ang laqui nang aquing hindi carunun~gan.
PASIMULA
Sa tabi nang isang malauac na dagat?na pinanununghan nang bundoc at gubat,?may isang lalaquing doo,i, lumalacad?ulol ang cauan~gis, ualang tinatahac.
Sa lagay nang anyo,t, mapanglao na muc-ha?mapagquiquilalang may dinaralita,?ang buntong hinin~gang hindi quinucusa?nag-aabot-abot na uala nang tila.
Ang pananamit pa,i, ualang munting ayos?at basa nang pauis sa harap at licod,?hindi anumana munti man sa loob?ang init nang arao na catacot-tacot.
Mariquit na buhoc gulong gulong lubha?anopa,t, mistulang guinusot na cusa,?at namamalisbis na manacanaca?sa mata ang lalong mapait na luha.
Anaqui ay ualang matutuhan gauin?lalacad nang munti, at saca titiguil,?uupo sa cahoy, papagdadaupin?ang dalauang camay, labi,i, cacagatin.
Itong tauong lipos nang dalita,t, dusa,i,?marilag ang tindig na caaya-aya,?ang tabas nang muc-ha,i, caliga-ligaya?at buháy na buháy ang daluang mata.
Noo,i, maliuanag, malago ang buhoc,?mapula ang pisn~gi, ilong ay matan~gos,?ang guitling nang liig
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.