papayag.
Caya cailan~gang inyong maunaua
ang man[)g]a paraang
mabubuting paua,
at uala munti man na cahalong daya
ganito ay
dinguin nang man~ga binata.
Iyong dadagdagan ang paquitang loob,
susunod na tambing sa balang
iutos;
paca-iin[)g]atan ang iyong icapopoot
at ang pagpipilita,i, ang
icalulugod.
Laguing huhulihin ang caugalian,
cun baga,t, may galit houag
lalapitan
n~guni,t, ang babayi,i, may caugalian
cahit umiibig
conoua,i, aayao.»
Hindi na napiguil biglang napataua
ang hinahatula,t, nag-uica
pagdaca:
«¡datihang matanda,t, lubhang dulubasa
dapoua,t, ang
iba,i, dagdag mo na tila.»
Sagot ni Hortensio,i, catoto cong liyag,
¿baquit baga icao ay
nanguiguilalas?
tauo,i, tumatanda,i, dapat matalastas
ang caliua,t,
canan nang sa mundong lacad.
Datapoua,t, n~gayon atin nang tapusin
ang lahat nang bagay na dapat
mong gauin,
cung baga sacali,t, iyo nang malining
na may daan ca
nang sucat pasuquin.
Taunin mo siyang mabuti ang loob
saca mo lapitan nang galang na
puspos,
bago mo sabihin ang iyong pag-irog
ay macaitlo ca munang
maghimutoc.
N~guni,t, nauucol iyong pag-in~gatan
ang masamang anyo,t, quilos
na mahalay
gaya nang ugali nang hindi nag-aral
at ualang inimpoc
na magandang asal.
Pag-ayusin naman ang pagsasalita
sa dalagang iyan,nang di ca
malisiya,
sapagca,t, ang tauo,i, sa gaua at uica
mapagquiquilala ang
may turo,t, uala.
Cahit natatanto na may capintasan
sinomang binatang nagnanasa
naman,
ay houag sabihin nang hindi mahapay
ang puri nang
capouang dapat pag-in~gatan.
Hindi natin tanto na cung tayo pa n~ga
sa mata nang Dios ang lalong
masama;
caya cailan~gang piguilin ang dila
nang houag
man[)g]ahas sa iba,i, pumula.
Di dapat saysayin ang yamang sarili,
sapagca n[)g]a,t, ito ay
pagmamapuri
bagcus na ilihim na cung mangyayari
ay ipagcaila
cung baga,t, masabi.
Dapoua,t, houag acalain naman
na ang iyong nasa,i, agad aayunan,
at macalilibong naca-iibig man
di caraca-raca ay magpapamalay.
Sapagca,t, totoong malaqui ang hiya
cung caya aayao na magpahalata,
at baca uicain nang masamang dila
sila sa lalaqui,i,
nagcacandarapa.
Sa madlang paraan na sinabi co na
cung baca sacali,t, di mo rin
macuha,
aco ay mayroon na ituturo pa,
cagalin~gan nito,i, mahiguit
sa una.
Cundi mabighani ipalagay natin
sa muli,t, muli mong himutoc at
daing,
ang maraming pagod houag nang sayan~gin
sapagca,t, ang
ayao di dapat pilitin.
Cundi gumanito, ay matutulad ca
doon sa nagtanim nang isang
sampaga,
ang lahat nang daho,i, naquita nang lanta
cung anong
dahil at dinidilig pa.
Ani Eliseo,i, tila cailan~gan
na ang ating gauin muna ay sulatan,
Sagot ni Hortensio,i, mangyayari naman
sa lahat nang bagay quita,i,
tutulun~gan.
Sa oras ding yao,i, tambing isinulat
ang cay Eliseo na sa pusong
in~gat
saca nang mayari,i, cusang iguinauad
sa caniyang catoto,t,
baca may pintas.
Marahang binasa nitong caibigan,
baua,t, isang letra ay pinagninilay,
sa sobre nang sulat ay nababalatay
ang ganitong uica: _Sa
tinatan~gisan_.
«Magpahangan oras na tan~gan sa camay
«ang plumang lumagda
nitong carain~gan,
«iniisip co pa cung aquin nang taglay
«yaong
catutubong limang caramdaman.
«Sa pagca,t, touinang pilitin ang dila
«na ipasalual ang lihim na nasa,
«parang tumatapon sa aquin ang diua
«at di co macuha ang
pagsasalita.
«Dan~gang nan~gan~ganib baca magtumulin
«tacbo niring buhay
patun~go sa libing,
«mag-ulol ang unos nang madlang hilahil
«at sa
dalamhati hinin~ga,i, maquitil.
«Caya mabalinong daluyan nang aua
«itong lumuluhog na napacaaba,
«gutom sa ligaya,t, busog sa dalita,
«mata ay uala nang ipatac na
luha.
«At cung mangyayaring sa iyo,i, igauad
«ang lahat nang toua sa sang
maliuanag,
«disi,i, inihandog sa mahal mong yapac
«calaquip ang
aquing tunay na pagliyag.
«Dapoua,t, yayamang ualang maihain
«cundi yaring pusong tiguib
nang hilahil,
«isinasamo cong iyong marapatin
«sapagca,t, di baual
nang lan~git ang daing.
«Iyong paglubaguin matigas na loob
«para nang pagsaguip cung sa
nalulunod,
«icao ay may puso,i, ¿baquit di malunos
«sa capoua
puso na naghihimutoc?
«Di co calauigan ang hinibic-hibic
«yamang dili bato ang mahal
mong dibdib;
«gayon ma,i, cung lalong hirap ang icapit
«mangyaring sabihi,t, nang aquing mabatid.»
=Ang iyong alipin na suma sa yapac=.
Iya,i, ma-aari, cay Hortensiong uica;
n~guni,t, caraniua,i, lampas ang
salita,
gayon ma,i, sa sobre ipasoc mo na n~ga
saca ipadala sa isang
alila.
CAPÍTULO VIII.--Ang pusong garing na di malamuyot.
Nagcataon namang doroon sa jardin
ang bunying dalaga na may
pusong garing,
ang sariling diua parang inaalio,
sa tanang bulaclac
at simoy nang han~gin.
Siyang pag-aabot nang naturang liham
sa parang linalic at maputing
camay,
quinuha at saca tumanong pagcouan:
¿sino caya baga ang
pinangalin~gan?
Basahin po ninyo upang matalastas,
uica nang alila, cung sinong may
sulat,
ang pagcatin~gin co,i, sa puso,i, may sugat
at ang ninanasa
marahil ay lunas.
Agad napan~giti at di napiguilan
niyong catutubong bait, cahinhinan,
sa malaquing hiya,i, tumun~go na lamang;
pinunit ang sobre,t,
binasa pagcouan.
Sa calaguitnaan nang pagbasa niya
sandaling tumiguil nagmasid
pagdaca,
at baca sacaling may nacacaquiquita,
cauicaan niya,i,
cahiyahiya pa.
Mana,i, nang matapos pagbasa nang sulat
sa puno nang cahoy
humilig na agad,
na larauang bato ang nacacatulad:
ganito ay
dinguin man~ga pan~gun~gusap.
«Mundong sinon~galing, sumandaling layao,
«touang sa sangquisap,
asóng mapaparam,
«lumayo ca hayo,t, ualang cararatnan
«sa aquin
ang iyong camandag na alay.
«Caran~gala,t, yaman agad cumucupas,
«tulad sa sampagang biglang
nalalagas,
«isinusumpa cong di ca matatangap
«niring aquing
pusong dili pabibihag.
«Malicmatang ganda,t, balo-balong diquit,
«magdarayang touang
may paing pan~ganib,
«magbago cang hanay at di mahihilig
«aco
sa ligayang puno nang ligalig.
«Mahabaguin lan~git, iyong tinutunghan
«acong na sa guitna nang
casacunaan,
«mahina cong lacas iyong saclolohan
«nang upang
matamo ang pagtatagumpay.
«At icao, o Virgeng matibay na cuta,
«sa baua,t, dumulog na
napa-aaua,
«sa mahal mong puso,i, nagtatagong cusa
«itong alipin
mong napacacalin~ga.
«Sa harap co,t, licod sa caliua,t, canan
«nagcalat ang silo nang lilong
caauay,
«cundi mo amponi,t, anong cararatnan
«niring catutubong
aquing cahinaan.
«¿Mangyayari caya namang paghatiin
«yaring aquing puso,t,
papagdalauahin,
«ang isa,i, ibigay sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.