Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio | Page 9

Joaquin Tuason
Nacop sa aquin,
«at ang
icalaua,i, sa may sintang hain?
«Cayong sari-saring naritong bulaclac,
«ang sinasacsi co nitong
pan~gun~gusap,
«na sucdang maguho ang sang maliuanag
«di co
dudun~gisan yaring pagca-uagas.
«Sucdan sa madurog magcauaray-uaray
«ang laman at buto nang
aquing catauan,
»cay Jesus cong poon aquing iaalay
«ang libo
mang puso,t, ang libo mang buhay.
«Cung pag-uariin co,t, timban~gin sa isip
«ang lahat nang yaman
nitong sandaigdig,
«sa dalagang buhay at in~gat na linis

«alan~gang di palac na ipaquiparis.
«Icao, camatayang aquing iniirog,
«baga man sa iba,i, caquilaquilabot,

«gamitin mo hayo tabac na pang-lagot
«pagca,t, ang nasa co,i,

hinin~ga,i, matapos.
«Cung gunitain ca,i, iquinalulumbay
«nang pusong alipin nang
samundong layao,
«n~guni,t, cung sa aqui,i, quita,i, minamahal
«at
inaanantay ca sa gabi at arao.
«Camatayan lamang ang nacapipinid
«sa aqui,t, sa Poong ligaya nang
dibdib,
«icao,i, siyang uacas nang dalita,t, saquit,
«at mula nang
toua na hindi malirip.»
Sa mauica ito,i, tambing na linisan
ang masayang jardin na dating
aliuan,
binalot nang paño ang binasang liham
at saca nagtuloy
pumanhic sa bahay.
Pagca,t, binaui na sa sang maliuanag
nang arao ang huli,t, malamig
na sinag;
saca unti-unti namang nacacadcad
ang tabing sa gabing
maitim na ulap.
Nang macapanhic na ang bunying dalaga
umupo sa sillang malapit sa
mesa,
tintero,i, binuhat, guinamit ang pluma,
sinagot ang sulat
ganito ang badya.
«Sa may sintang handog.»
«Houag mong hanapin, sa imbi cong sulat
«ang maranghang tula
nang man~ga poetas
«ualang talinghaga aco cung man~gusap,
«dati
cong ugali,i, magsabi nang tapat.
«Averno,t,[7] Olimpio[8] hindi maquiquita
«sa titic nang aquing
maralitang pluma,
«gayon si Apolo,t,[9] masayang musa
«sucat ang
matanto ang ipagbabadya.
«Ligaya sa mundo ang iyong pan~gaco
«igauad sa aquing
tumatan~ging puso,
«dalisay na sinta,t, tunay na pagsuyo
«n~guni,t,
ualang daan ang iyong pagsamo.

«Tahas na nica cong bilang pahimacas
«na di magmamalio, buhay
ma,i, mautas
«at cung uulitin ang hin~gi co,i, tauad
«ito,i, mabuti
ring iyong matalastas.
«Madla na sa aquin ang nagsipagsaysay
«nang tungcol sa sinta na
gaya mo naman;
«n~guni,t, tiniyac cong anomang caratnan
«dili
matatangap niring calooban.
«Pagca,t, malaon nang tinica nang diua
«na aquing lisanin ang sa
mundong daya,
«at sa isang silid na lubhang payapa,i,
«maglingcod
sa Hari nang lan~git at lupa.
«Hanganan co rito,t, dapat nang mabatid
«na ang iyong nasa,i,
camandag sa dibdib:
«Pag-utusan naman itong nagnanais

«mabilang sa tanang lingcod mo at cabig».
Ang taguisuyo mo.
Ano,i, sa mayari,i, biglang isinara
nang bunying dalagang n~gala,i,
Eufrasia,
saca sinutsutan ang alilang isa,
cusang ibinulong ang
pagpapadala.
¿Anong loob caya itong nag-aantay
na pilit lalasap nang malaquing
lumbay?
mana,i, sa mabasa ang may lasong liham
limang buan
halos na umotay-otay.
Sa nagpipighati,i, marahang nag-uica
yaong si Hortensio,t, malaqui
ang aua
aco sa lagay mo,i, nagtatacang lubha
ang dating ugali,i, tila
sinisira.
Bayani mong loob cusang napatalo
sa dahas nang sintang
iquinagugulo,
iyong linilimot sampong pagca tauo,
anaqui,i, uala
nang babayi sa mundo.
Pag-uari catoto,i, dili yata dapat
na ang buong puso,i, lubos na
pabihag,
at siyang isipin sa lahat nang oras
ang di nabighani sa

iyong pagliyag.
Gayon ma,i, mabuti ang iyong parunan,
baca hari na n~gang siya,i,
malunusan:
isang gabi n~gani pinagsadya naman
pagsunod sa hatol
nitong caibigan.
Tinangap din siya nang magandang loob
bagaman sa nasa,i, ayao
pahinuhod,
anyong sasabihin ang haing pag-irog
mahal na dalaga,i,
tambing na sumagot.
Banta co,i, sucat na ang catagang uica
sa isang gaya mong marunong
maghaca;
doon pa sa sulat dapat na maunaua
ang aquing pag-ayao,
yamang di ca bata.
Sa pagcacagayo,i, hindi nacaquibo
itong sumisinta,t, parang ipinaco,

mata,i, itinun~go, at ang quinucuro
ang cahalay-halay na
pagcasiphayo.
Dalaga ay parang naacay nang habag
sa cay Eliseo,i, tambing na
nan~gusap:
puso,i, itahimic houag mabagabag:
¿anóng magagaua
ay hindi mo palad?
Ang nangyaring yao,i, parang di pinansin
at sa ibang bagay cusang
inahinguil
yaong salitaan, at nang di mailing,
malubos ang hiya at
pagcahilahil.
At ang uica niya,i, ang tauong mahiya
dapat cahabagan at caaua-aua,

baga ma,t, di ibig ayunang ang nasa
nang houag malubos ang
pagdaralita.
Mapamayamaya,i, parang natauhan
ang naabang sintang tumangap
nang ayao,
sa caniyang puso,i, nanariua naman
ang hatol nang pili
niyang caibigan.
Yaong si Hortensio, ang uica sa aquin,
ang talagang ayao ay houag
pilitin
at baca matulad aco sa nagtanim
nang halamang lanta ay

dinidilig din.
Inari lamang tunay na capatid
ang di nabighani sa suyo,t, pag-ibig,

sa sarili lamang nihang pag-iisip:
¿Anong gagauin co,i, di loob nang
lan~git?
Yayamang hindi mo aco capalaran,
uica nang dalaga, quita,i, tuturuan

«magmula na rito ay icao,i, bumilang
at sa icaualong bahay ca
humangan.»
CAPÍTULO IX.--May dalahirang banayad at may mahinhing
talipandas.
«Sa bahay na yaon ay may magcapatid
dalauang dalaga unahan nang
diquit,
aquing sasabihin nang iyong mabatid
ang cani-canilang
ugali at hilig.
Ang bilang pan~ganay n~gala,i, Esperanza,
malouag ang loob na
ualang balisa,
cataua,i, magaan at lubhang masigla
ang ano mang
hirap inaalintana.
Sa caniya,i, uala munti mang bagabag
parang namamayan sa lupang
mapalad,
sa capoua tauo,i, lubos ang pagliyag
inaari niyang capatid
na lahat.
Ang mumunting sira ay pinaraan,
hindi alumana cahit masahol man,

dunong na mag-in~gat sa capahamacan
nang paraang sucat na
macahahadlang.
May magandang nasa, at ang panaghili
ay di man sumun~gao sa
pinto nang budhi,
mababa ang loob na di caugali
ang nacacatulad
isang batang munti.
Cung maquita niya sino mang may hapis
ang luha sa mata,i, dadaloy
na pilit,
at di pa magcasiya sa habag ang dibdib
ang tulong at
lin~gap agad icacapit.

N[)g]uni,t, cung sacali nama,t, ang mamasdan
ay ang nagtatamong
toua,t, capalaran,
puso,i, lumulucso sa caligayahan,
iquinalulugod
ang sa ibang dan~gal.
Sa cay Esperanza,i, ualang masisilip
na hindi mabuti at ugaling
pan~git
liban sa salita
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 19
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.