malapit nang
lumubog ang arao.
Sapagca at hindi nalalayong lubha,
cun caya,t, naquita nang man~ga
binata,
nagcaca-abutang suliap sa vintana,
di lamang macuha ang
pagsasalita.
Ang tinatahanan ay calugod-lugod
libid nang halaman sa harap at
licod;
ang ibig pumitas hindi mapapagod
mula sa vintana bun[)g]a,i,
na-aabot.
Nagbibigay alio sa pusong may sindac
ang balabalaqui na man~ga
bulaclac,
sa dacong umaga,i, cung namumucadcad
ang
cahalimbaua,i, ang lupang mapalad.
Ang babaying ito,i, di lubhang maganda
dapoua,t, mayroon sucat
icapuna,
masaya ang muc-ha,t, ang hinhin nang mata
ay
cagalang-galang sa macacaquita.
Labi ay mapula sa pisn~gi may lunal,
ang tubo nang buhoc sa noo,i,
mahusay,
catauang butihin ay bagay na bagay
sa catoua-touang
maliit na bayuang.
Ang hubog candilang caniyang daliri
ay parang sinadya nang
pagcayari,
n~guni,t, ang lalong nagbigay uri,
ang cabanayara,t, buti
nang ugali.
Bihirang man~gusap at ang catabilan
malayong-malayo,t,
quinayayamutan;
gayon ma,i, cung mayroon siyang capanayam
ang
saya nang loob ay pinatatanao.
Maminsan-minsan lamang namintana,
ang catahimica,i, siyang
laguing nasa:
at cung may pumanhic na man~ga binata
ay di
maitunghay ang mata sa hiya.
Lalabing anim pa hustong cabilan[)g]an
nang caniyang taon na
linalacaran,
na cun sa bulaclac cabubuca lamang
bagong calilipat sa
cadalagahan.
Sucat cauiliha,t, lubhan matatamis
lahat nang caniyang man~ga
bucang bibig,
mabini ang quilos na naca-aaquit
sa ibang dalagang
palaring tumitig.
Hindi mayamuti,t, mababang man~gusap,
mapagbigay loob sa
quinacaharap,
minsan man ay hindi narinig pumintas
cahima,t, sa
tauong may loob na sucab.
Loob ay di hilig sa pagmamariquit,
magsoot nang madla,t,
mahalagang damit:
sa catauan niya,t, ualang masisilip
cundi
caraniuan lamang at malinis.
Sapagca,t, di taglay ang palalong nasa
nang ibang dalagang matan~gi
sa madla,
na cung magcagayo,i, ang boong acala
pupulot nang
puri,i, hindi pala,t, pula.
N~guni,t, ang ugali niyang pananamit
ay cauili-uili sa baua,t, tumitig,
yaong caayusa,t, palaguing malinis
larauan nang caniyang dalisay
na dibdib.
Taglay na palagui ang magandang loob,
cahiman at duc-ha,i, hindi
inaayop,
ang pag-ibig, niya ay lubos na lubos
di sa bibig lamang at
sa puso,i, taos.
Sa mag-uumagang tila nag-aauay
ang ulap nang dilim at caliuanagan,
unang tutun~guhin yaong pag-aalay
nang cay Jesucristong dugo at
catauan.
At sa bahay nitong lumic-ha nang lahat
tantong nauiuili yaong
pusong uagas,
ang pagsinta niya,i, lalong nag-aalab
na cung
mangyayari,i, doon ay lumagac.
Muli,t, muli niya na iniluluhog
ang icagagaling nitong isang sinucob,
na inihahadlang sa galit nang Dios
ang sa anac niyang dugong
ibinuhos.
Saca ihahain ang cataua,t, buhay
Sa napapalihim na anyong tinapay
at bago aalis nang boong pag-galang,
mahinhing uui sa caniyang
bahay.
Cung na sa bahay na,t, iyong mapanood
yaong paglilinis niya,t,
pag-aayos,
ay mauiuica mo sa sariling loob
ito ay babaying sa iba,i,
nabucod.
At cung maquita mo yaong casipagan
niyong pananahi at paghabi
naman,
baca mo sabihin ito ang matapang
babaying pinuri ni
Salomong paham.
Ito,i, siyang bun~ga nang laguing paglapit
sa mahal na dulang na
piguing nang Lan~git,
cung caya ang diua,i, lagui nang tahimic
mahinhin ang asal na caibig-ibig.
Cabaitang ito,i, napag-uunaua
nang na sa bintanang dalauang binata,
at ang isa rito,i, malaon nang lubhang
nag-in~gat sa puso nang
lihim na nasa.
Dili iba,t, ito ay si Eliseo,
caya n~ga,t, nag-uica dito cay Hortensio:
¿sa dalagang iyan ano ang uica mo,
iibiguin baga ang abang lagay
co?
Napan~giti muna,t, mata,i, itinunghay
nitong tinatanong, at saca
nagsaysay:
panain~gahan mo yaring casagutan
at hatol nang isang
matandang datihan.
CAPÍTULO VII.--_Ang pagpili nang cacasamahin[5] at ang mabuting
paraan nang nangyaring macamtan_.[6]
Niyong dacong arao cami,i, nag-uusap
para-parang batang
casiglahang lahat,
may isang matandang tambing naquisabad,
aquing sasabihin ang ipinahayag:
«Man~ga bata, aniyang aquing guilio,
ang magandang palad nasa sa
atin din,
sapagca,t, cung ano ang punla,t, pananim
ay siya ring
bun~ga namang aanihin.
N~gayo,i, panahon na dapat na magpunla,
cayo na n~gang lahat nang
mabuting gaua,
nang upang maputi ang catoua-toua
matamis na
bun~ga sa bayang payapa.
Mana ay sumagot ang isa sa amin
ang ituro ninyo,i, cung anong
magaling
paraang marapat na alinsunurin
tungcol sa pagpili nang
cacasamahin.
Sagot nang matanda ay maraming bagay
diyan sa pagpili na dapat
tandaan,
nang di lumalauig ay atin nang lisan
ang hindi totoong
man~ga cailan~gan.
Houag maniuala sa balibalita
na ang caraniua,i, cabulaanang paua;
gayon ma,i, sa lagay nang nagsasalita
ang catotohana,i,
mapag-uunaua.
Cung saca-sacaling cayo,i, may mamasdan
na isang dalagang
mahinhin ang asal,
houag mabighani mana capagcouan
hangang di
mauri ang catotohanan.
Ang balang babaying maraming salita
caraniua,i, tamad ualang
guinagaua,
at ang mapintasin ay lalong masama
sa pinipintasan siya
caipala.
Capag nagsabi dalagang sinoman
nang sarili niyang man[)g]a
cailan~gan,
ay isa nang tanda nang capalaluan,
malupit na ina nang
casamang tanan.
At cung batiin man ay ayao sumagot
ay tandaan ninyong ang tono,i,
matayog,
ang naghihicab nama,i, pala-antoc
na ualang adhica cung
hindi matulog.
Capag ang dalaga,i, madaling pa oo
ay tandang maraming lubhang
catrato,
ang mahinanacti,i, itatan[)g]i ninyo,t,
may lihim na sinta at
malaquing gusto.
At capag sa gabi,i, ang ulo,i, may bigquis
houag maniualang tunay na
may saquit,
ang dahilan nito,i, tantong naiinip
at di dumadating ang
toua nang dibdib.
Saca ang dalaga na taua nang taua,i,
ibig nang totoong
macapag-asaua,
cung aling binata ang pinagmumura
ay siya cung
minsang bubugbog sa caniya.
Dapoua,t, ang ayao na maquipanayam
at cung sumagot ma,i,
nagmumuc-hang calan,
ay hindi malayo na mapagculian,
sinintang
sandali,t, saca inayauan.
Ang gayong babayi ay nacacataua
na tila aayao na totoong tumugpa;
n~guni,t, cung lumao,t, tumandang dalaga
caraniua,i, bao
naguiguing asaua.
Sapagca,t, ang dapat sila,i, tumahimic
capag tumanda na,t, sa bahay
lumigpit
harapin nang lubos ang santong pag-ibig
at ang
paglilingcod sa Hari nang lan~git.
Ipalagay nating maganda ang ticas,
mabait, mahinhi,t, ualang
ipipintas;
n~guni,i, ang dapat namang matalastas
cung sa inyong
hiling caya ay
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.