Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio | Page 6

Joaquin Tuason
na itinalaga
nang lan~git sa madla,t, sari-saring
dusa,
quinaguisna,i, lucsa,t, ulila sa ina
at ang caruc-haa,i, ualang
pan~galaua.
Sa lahat nang bagay ay capos na capos
sa canin at damit, sampong sa
pagtulog;
sa tanang casama na sa paring lingcod
ay uala isa man na
nagdalang lunos.
Puso,i, nalipos nang lumbay at hapis,
ang luha sa mata,i, laguing
nagbabatis,
naualay sa ama,t, aling nagtangquilic:
anopa at naguing
hantun~gan nang saquit.
May alagang pari sabihin ang aua,
dapoua,t, quinusang di nagpahalata,

nang lalong mauagas ang puso at diua,
luminis sa apoy nang
madlang dalita.
¿Aling cabaitan ang hindi magmalio
sa guitna nang gayong hirap at
hilahil,
n~guni,t, ang bayaning lubhang matiisin
dusa ay hindi man
lamang naidaing.
Capag dinadatnan anomang balisa
sa lan~git na lamang siya umaasa,

sa sariling loob ay ang uica niya
«Maguing bayad naua sa lahat

cong sala.»
Napagtanto mo na, bumabasang liyag
ang cay Eliseo na causap-usap,

caya naquilala,i, siya ang nagligtas
sa lubhang daquila na
pagcapahamac.
Sapagca,t, ang isang pamangquin nang pari,
Valerio ang n~galan ay
may panaghili,
doon cay Hortensio,t, ang mula at sanhi
dahil sa
dalagang sa iba,i, natan~gi.
Sari-saring bagay ipinadadala
nito cay Hortensio,t, natatanto niya,

na ualang mabisang pang-aquit sa sinta
gaya nang mabuting loob na
paquita.
Puso ni Hortensio,i, hindi naligalig
sa mapulang pisn~gi,t, malagquit
na titig,
at maputing noong capilas nang lan~git
nang isang
babaying n~gala,i, Eduvigis.
¡Oh diamanteng pusong ualang casing tigas
at quinucusa na,i, ayao
pang pumayag!
n~guni,t, ¿ano caya,t, tila nabaligtad
ang dating
ugali nang sa mundong lacad?
Ang bato balani ang siyang lumapit
lumapit sa bacal na di co ma-isip,

¿ano caya itong hiuaga nang lan~git,
hindi mapaghaca nang pantas
na bait?
Isang arao n~gani ay parang nagtipan
itong si Hortensio,t, ang dalaga
naman
sa bahay na isa,t, nagcasalitaan
nang tungcol sa mundong
man[)g]a cahirapan.
Sa aming babayi, ani Eduvigis
ay loualhati nang pan~galauang
lan~git,
ang cami tumama lalaquing mabait,
marunong dumamay sa
hirap at saquit.
At cung mayroon pa sa sang maliuanag
na isang lalaqui na iyong
catulad,
ó ibang Hortensiong asal na banayad
maiisban-isban ang

tindi nang hirap.
Pagca,t, ang Hortensiong aquing capanayam,
uala manding aua sa
boo cong damdam,
sa mauica ito mata,i, itinunghay
dito sa ulilang
nagcacamamanghan.
Sa salitang ito,i, biglang namutla
ang buroc na pisn~gi nang ating
binata,
at ang sumaisip nang lipos dalita
ang babaying yari,i, labis
na manuya.
Hindi maniuala ang mababang loob
na sa lagay niya,i, mayroong
iirog,
caya sa dalaga,i, ualang isinagot
cundi «sucat na po ang iyong
pag-ayop.»
Sa oras na ito ay siyang pagdating
niyong si Valeriong sa paring
pamangquin,
ito,i, may pagsinta na laong inangquin
sa cay Eduvigis
babaying butihin.
Isang bagong tauong marin~gal ang ticas
magandang lalaqui,t,
marahang man~gusap,
man~ga panucala,i, lubhang matataas,
at ang
pananamit ay nacagugulat.
Sa yama,i, sagana, malacas, matapang,
ualang pan~galaua sa
binatang tanan,
laguing tinatanghal sa man~ga lansan~gan

sapagca,t, bihirang tumira nang bahay.
Ang tabas nang muc-ha niya ay mahauas,
at saca ang puti ay lubhang
matingcad;
n~guni,t, maganda ma,i, parang nalilimbag
ang
capalalua,t, pagcabudhing sucab.
Ualang hindi siya pinaghimasucan,
na sinalicsic ang sa ibang buhay;

ang malicsing bibig hindi nan~gan~galay
sa puri nang capoua
niyong paghahapay.
Hindi bibihira ang nan~gatatacot
sa malicsing dilang ualang munting
pagod,
naguguniguning matalas pa halos
sa talim nang tabac

talagang panghamoc.
Mapusoc na loob hindi mapasucan
nang hatol na dapat sa ganoong
asal,
tanang camag-anac pauang naninimbang
dito sa binatang
lubhang tampalasan.
Masiglang cataua,i, hindi nagsasaua
sa ugali niyang magpagalagala;

ang man~ga casama,i, lalong nagpalalá
sa caniyang asal na dating
masama.
Pagdating nang gabi,i, hindi linilisan
ang taglay touinang matulis na
puñal;
paglilibot niya,i, pinaglalamayan,
saca ang pagtulog naman
ay sa arao.
Ito,i, nanibugho,t, acala,i, ninibig
yaong si Hortensio sa cay Eduvigis,

at sa salitaan siya ay lumapit
catulad nang isang tauong ualang
bait.
Nag-uaualauala,t, nang di mahalata
ang lihim na galit na taglay nang
diua;
n~guni,t, sa caniyang quilos at salita
ang sucal nang puso,i,
mapag-uunaua.
Si Hortensio naman at si Eduvigis
sa pagdating niya,i, hindi na
umimic,
na siya pang lalong na ipinagn[)g]alit
nang naninibughong
haling sa pag-ibig.
Dito na nag-isip itong alibugha
nang cay Hortensiong
icapan~ganyaya,
hindi nan~gilabot ang sariling diua
magnasang
lasunin ang caaua-aua.
Lihim na sinabi sa cay Eliseo
nang may budhing sucab n~gala,i, si
Valerio
ang lihis na nasang udioc nang demonio
pagca,t, malaon
nang sila,i, magcatoto.
Nahambal ang puso nang pinagsabihan
caya,t, cay Hortensio sinabi
ang bagay:
icao ay lalasunin niyong tampalasan
at sa panibugho

yata ang dahilan.
Dito na lumayo ang ulilang aba
sa lilong Valerio hayop ang camuc-ha,

talaga nang lan~git at malaquing aua,i,
sa cuco nang ganid di
napan~ganyaya.
Nagmula na rito ang pag-iibigan
nang dalauang laguing
magcasalitaan
ang canilang puso,i, pinag-isang tunay
parang
magcapatid ang nacacabagay.
Hindi man ugali nitong si Hortensio
ang siya,i, magtanim sa sinoman
tauo;
gayon ma,i, nan~gilag sa nan~gin~gimbulo,
at di na
minarapat na gauing catoto.
At si Eliseo naman ay gayon din
sa lilong Valerio,i, tantong
narimarim;
na hindi mangyari cahima,t, pilitin
ang may asal hayop
na gayo,i, guiliuin.
CAPÍTULO VI.--_Ang uliran nang man~ga dalaga._
Ugali nang tauong maganda ang asal
sa may dalang hapis puso,i,
nahahambal,
caya si Hortensio,i, tambing napaalam
sa
nagcacalin~ga. Ganito ang saysay,
Houag pong magdalang cagalitan n~gayon,
at ang pag-alis co,i, hindi
malalaon,
aquing sasamahan ang nalilingatong
na si Eliseong catoto
cong bugtong.
Pinahintulutan siya sa pagpanao,
sa pagca,t, mabuti ang nasa at pacay;

n[)g]uni,t, nagdamdam din ang pari nang lumbay
dahil sa daquila
niyang pagmamahal.
Nagcasama nan~gang parang magcapatid
itong si Hortensio,t,
Eliseong ibig;
mana,i, isang hapo,i, canilang na-isip
na pa sa
vintana,t, mag-alio nang dibdib.

Nagcataon naman siyang pagpapasial
sa jardin nang isang dalagang
timtiman,
hindi sumasala yaong paglilibang
capag
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 19
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.