Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio | Page 5

Joaquin Tuason
dila,

»siyang pagsacdalan sa hirap, dalita
»habang nabubuhay sa balat
nang lupa.
»At ang balang duc-hang sa iyo,i, dumulog
»ay paquitaan mo nang
magandang loob,
»houag mahinayang masayang iabot
»ang
macacayanang ipagcacaloob.
»Ang sinomang tauong may magandang asal
»siyang catotohing
itan~gi sa tanan;
»puso mo,i, cung baga,i, may capighatian
»ay
maguiguing lunas at caguinhauahan.

»At sa balang sucab magpacailag ca,
»pagca,t, ang casaman ay
nacahahaua:
»iyong hihiran~gin ang macacasama
»nang di ang
buhay mo ay mapalamara.
»Cung magca utang cang loob sa sinoman
»ay iyong gantihin nang
loob din naman:
»ang na sa sacuna,i, agad saclolohan
»mayaman
ma,t, duc-ha ó cahit caauay.
»Icao na bunso co, bahalang maglining,
»yamang batid mo na
masama,t, magaling,
»malibing man aco,i, houag lilimutin
»ang
madla cong aral, ¡ay pamangquing guilio!
»Bucod dito,i, dapat, yamang panahon na
»na icao,i, humanap nang
macacasama,
»ang ibig co sana,i, maraos ca muna
»hangang aco,i,
buhay matulun~gan quita.
»¿Anong gagauin ta,i, ito na ang guhit,
»ito na ang hanga na taning
nang lan~git?
»n~guni,t, ang bilin co,i, magpapaca-bait
»at ang
pipiliin timban[)g]in sa isip.
»Houag cang hihirang nang lubhang butihin,
»cundi yaong lalong
timtima,t, mahinhin,
»pagca,t, aco,i, ayao n~g quequendeng
quendeng
»lason sa mata co,t, nacaririmarim.
»Hindi co rin ibig ang sumasagadsad
»laylayan nang saya ay puno
nang lusac,
»anaqui,i, may buntot na quinacaladcad
»hayop na
mistula ang nacacatulad.
»Ang hahanapin mo,i, may loob sa Dios,
»banayad man~gusap at
hindi mataros,
»ayao naman aco nang iin~gos-in~gos
»na sa
tingnan lamang ay nacayayamot.
»Cung baga sacali,t, icao ay macasal
»ang pagtitiis mo ay
cararagdagan
»sa asaua,t, bayao, hipag at bianan,
»gayon din sa
iyong boong casambahay.

»Hangan dito aco,t, pagpalain ca rin,
»amponin touina nang
mag-Inang Virgen,
»sa capayapaa,i, tantong palaguiin;
»at houag
mo namang aco,i, lilimutin.»
Pagcauica nito,i, nagtindig pagcouan,
umacbay sa aqui,t,
napasahihigan,
saca nagpatauag isang paring banal
at ang tanang
sala,i, ipinan~gumpisal.
Mapamayamaya,i, aquing nahalata
siya,i, nalalagnat mainit ang
muc-ha;
n~guni,t, hindi naman totoong malubha,
¿paano bagang
ito,i, mamamatay caya?
At ang médico mang sa caniya,i, tumin~gin,
malayong mamatay, ang
uica sa aquin;
n[)g]uni,t, unti-unti naming napaglining
na tunay ang
sabi na ipinagturing.
¿Sino cayang tauo ang hindi mamaang
sa lubhang magandang sa
mundo,i, pagpanao?
totoo n~ga palang _cung ano ang buhay
ay
siya ring hanga nama,t, camatayan_.
At quinabucasan ay biglang naglubha
cataua,i, balisa,t, malatang
malata,
hindi macaquiling sa cana,t, caliua,
at nagagaril na sa
pagsasalita.
Aco,i, pajesusan ang ipinagturing
at sa santo Cristo,i, mata,i,
itinin~gin,
aniya,i, _sa camay mo,i, inihahabilin
yaring caloloua
nang iyong alipin_.
Nang mauica ito,i, siyang pagcalagot
nang tan[)g]ang hinin~ga nang
mama cong irog,
ang puso co nama,i, parang pinaglabot
nang lahat
nang dusa nitong sang sinucob.
Nagsipagcatipon mapamayamaya
ang man[)g]a catotong dinatnang
balita,
sila,i, para parang mata,i, lumuluha
sa panghihinayang na
ualang camuc-ha.

N~gayo,i, natapos na ang lahat mong hirap,
at ang humalili ualang
hangang galac:
aco,i, iniuan mo na tiguib nang sindac
sa guitna
nang mundong lipos nang bagabag.
Lan~git ang gumanti sa iyong pag-ibig
nang ligayang hindi sucat na
malirip;
aco,i, iniuan mo sa madlang pan~ganib,
¡oh
pan~gun~gulila na cahapis-hapis!
Di co na narinig cahit alin~gao-n~gao
nang iyong pagtauag na
lubhang malayao:
aco,i, iniuan mo sa capighatian,
nacaisa-isa,t,
ualang caaliuan.
Anopa,t, sa aquin ay naguing camandag
ang pagpapalayao niya at
paglin[)g]ap;
¡oh buhay na imbi at cahabag-habag!
¿saan ihahanga,
lan~git, yaring hirap?
Ito,i, siyang dahil nang aquing dalita
na dini sa puso,i, laguing umiiua:

¿batid mo na baga, catoto, ang mula
niring dalamhati at
linuhaluha?
Caya,t, cung ibig mo, hirang na Hortensio,
ay samahan mo na ang
abang catoto,
upang matiuasay ang sinicdosicdo
niring gulong
dibdib na di magcatuto.
CAPÍTULO V.--Si Hortensio at ang pagcabaligtad nang mundo.
Ito,i, bagong tauo, na lalabing siyam
ang bilang nang taon na
linalacaran,
naguing caquilala,t, laguing capanayam
niyong Eliseo
sa caulilahan.
Siya,i, unang bugtong na ipinan~ganac
nang inang si Florang di na
nagcapalad
na hagca,t, calun~gin ang angel sa dilag,
caya,t, sa cay
Fabiong ama ay nalagac.
N[)g]uni,t, inihandog nang masintang ina
nang bago malagot ang
tan~gang hinin~ga
sa mapagcalin[)g]a,t, lubhang macalara,
dalisay

na Virgeng ualang bahid sala.
Naiuan sa ama na caaua-aua,
salat sa ligaya,t, sa dusa,i, sagana,

naualay sa ina baquit batang bata
bagama,t, sa bait ay lubhang
matanda.
Dan~gang may capatid isang binibini
dito sa mag-ama ay siyang
nag-iui:
pan~gala,i, Emilia, mahinhing babayi,
matalinong isip,
daig ang lalaqui.
Ang caniyang edad apat na puo,t, isa
na di nabighani nang pag-aasaua,

at sa boong loob tantong pinasiya
ihandog cay Jesus puso,t,
caloloua.
Bagama,t, marami niyong dacong arao
nabihag nang ganda niya,t,
cariquitan;
dapoua,t, ang baua,t, magsabi nang pacay
hindi na
macuhang muling ipagsaysay.
Sapagca,t, pagdaca,i, cusang tinatapat
nang uicang mariing, conoua,i,
banayad;
«Sa bagay na iyan ang hin~gi co,i, tauad
«at dini sa puso,i,
lason at camandag.»
Cung pinaliligoy ang pagsasalita
nang adhicang sinta ninomang
binata,
agad sasagutin nang ganitong uica:
«Linauan po ninyo at
nang maunaua.»
Saca sasabihing masasayang lamang
tanang guguguling dusa,t,
capagalan,
idinudugtong pa nang lalong tumibay:
«Ito,i, una,t,
huling aquing casagutan.»
At cung maramdamang ibig magtiyaga
di na paquiquita,t,
magtatagong cusa,
cundi macaiuas sasabihing bigla:
«Sucat na sa
iyo ang catagang uica.»
Ito ang nag-iui dito cay Hortensio,
capatid nang amang pan~galan ay
Fabio,
at sa isang pinsan ipinaquinuso,
ang batang ulila paglabas sa

mundo.
Icapitong taon ang edad nang bata
ay sa isang pare,i, ipinacalin~ga

mabait, marunong, at ang labi,t, dila
ay batis nang aral na
cahan~ga-han~ga.
Daquila ang toua mula nang mamalas
ang sa cay Hortensiong loob na
banayad,
at ang cabaitang caguila-guilalas
anaqui,i, sinusong
casama nang gatas.
Lalo nang matantong lubhang mapagtiis
sa pagod at puyat, sa
pighati,i, hapis;
at cahit mayroong maramdaming dibdib
ay hindi
sumuco sa dahas nang saquit.
Baquit parang sadya
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 19
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.