din n~ga naman yaong man~ga diua
na ualang cataua,t,
espiritung paua:
ang Hari sa Lan~git na di matingcala,
caloloua
nati,t, Angeles na madla.
At itinuturo nang maestro namin
ang ugaling dapat sa mundo,i, asalin:
na _ang catouirang aalinsunurin;
ang masamang gaui nama,i,
susupilin_.
Ang tatlong daquila nating catungculan:
una ay sa Dios na dapat
igalang,
at sintahin lalo sa lahat nang bagay,
itanim sa puso habang
nabubuhay.
¿At paano cayang hindi iibiguin
yaong cagalin~gang ualang
macahambing?
malauac na dagat na hindi malining
nang lalong
mataas paham na Querubin.
Ang caniyang sinta,i, laguing nag-aalab
sa linic-hang tauo na aliping
hamac,
na pinapanaog ang bugtong na Anac
sa caalipinan nang
tayo,i, maligtas.
Tungcol sa sarili pan~galaua bilang
nang aquing sinabing man~ga
catungculan,
pag-in~gatan baga,t, mahalin ang buhay;
n~guni,t, lalo
pa n~ga yaong ualan hangan.
Saca ang icatlo,i, pag-ibig sa capoua,
tulun~gan sa dusa, pighati,t,
dalita:
di co na sayuri,t, lalauig na lubha
ang itinuturong
cagalin~gang paua.
Sa oras nang aming pagpapahin~galay
sari-saring laro,i,
pinag-aaliuan,
na may tumutula,t, may nag-aauitan:
tignan mo ang
aquing sa Virgen ay alay:
«Pag-asa sa Ina nang aua.»
«Icau na tacbuhan niyaring abang puso
»sa anomang dusa na
sumisiphayo,
»sa lilim nang iyong ampo,i, nagtatago
»itong alipin
mo, taglay ang pagsuyo.
»Icao ang ligaya cung aco,i, malumbay,
»matibay na moog niring
cahinaan,
»saclolo cong tan~gi sa capan~ganiban
»at sa aquing isip
ay caliuanagan.
»Icao ang tinudlá nang aquing pag-irog,
»bilang pan~galaua nang
anac mong Jesus,
»pagsambit sa iyong n~gala,i, naghahandog,
»sa
puso nang lalong dalisay na lugod.
»Icao ang maestra nang di carunun~gan,
»mabisa cang lunas nang
saquit na tanan,
»masaganang batis na binubucalan
»nang tubig
nang graciang mapagbigay buhay
»Dahilan sa iyo,i, ang bayan nang hirap
»ay inaari co na Edeng[4]
mapalad,
»mahina cong loob ay mapapanatag
»sa huling sandali na
casindac-sindac.
»Dahil sa tulong mo ay madadalisay,
»lilinis ang pusong sa dilag
mo,i, alay;
»ang bininhing sinta,i, iyong alalayan
»nang houag
malanta magpacailan man.
»Dahilan sa iyo,i, mapapauing pilit
»ang ulap nang ibang sintang
maligalig,
»lulucso ang diuá, tatahip ang dibdib
»sa caligayahan na
gauad nang lan~git.
»Hangan dito, Ina,t, ticang pagtamanan
»pagpuri sa iyong man~ga
cagalin~gan;
»di linilimot naman ang pag-galang
»sa iyong
Esposong calinis-linisan.»
Ano,i, nang matapos ang pagbasa nito;
tila mabuti na, uica ni
Hortensio,
na tayo,i, umoui, at sa cuarto mo
ay ualang dirin~gig
cundi lamang aco.
CAPÍTULO IV.--Cung ano ang buhay siyang camatayan.
Sa bahay nang isang laqui,i, ugali,
pinto,i, bahag-ya na nabuc-san
nang munti,
at sa loob nito ay may natatali
isang asong galgo na
nacalupagui.
Sa lual nang bahay may isang halaman
na di co masabi cung ano ang
n~galan,
daho,i, malalapad, san~ga,i, malalabay
at ang isang silid
ay nalililiman.
Sa lupa,i, nagcalat na lumilipana
yaong tinatauag nating macahiya,
ito,i, tumutungo,t, nan~gan~gayupapa
sa capoua damo, anang
man~ga bata.
Nang isang tanghali mana ay pumasoc
dalauang binatang tumatacbo
halos,
sa pauis nang muc-ha,t, hin~gang nan~gan~gapos
mapagquiquilalang malaqui ang pagod.
Ang dalauang ito,i, di co na sabihin
at quilala mo na, bumabasang
guilio,
ating pabayaan cung anong gagauin,
salitaan nila,i, pilit
tatapusin.
Di naghantonghantong camunti man lamang
nagtuloy pumanhic sa
naturang bahay,
at ang isang silid agad na binucsan
at capagcapasoc
ay muling sinarhan.
Nag-upuan sila,t, tica,i, mag-uusap
sa dalauang silla na nagcacatapat,
isa sa canila,i, pagdaca,i, nan~gusap:
ganito ang dinguin,
bumabasang liyag.
Ani Eliseo sa catotong ibig,
labing ualong taon ano,i, nang sumapit,
dumating ang isang sulat na pahatid
niyong aquing mama, ganito
ang sulit:
»Guilio cong pamanquin, yaring carain~gan
»ay talastasin mo at
panain~gahan,
»na cung mangyayari,i, muling pagbalican
»ang
bahay na itong iyong quinaguisnan.
»Tanto mo na, bunso,t, aco,i, nag-iisa
»ualang magcalin~ga baquit
matanda na,
»icao ang pangdugtong nang tan~gang hininga
»at
caligayahan nang dalauang mata.
»Icao ang tuncod cong pan~gun[)g]unyapitan
»nang mahinang lacas
niring catandaan
»at cung ang buhay co,i, malapit nang manao
»sa
man[)g]a camay mo nasa cong mamatay».
Nahambal ang aquing puso sa pagbasa
nang liham na lagda nang
boong pagsinta,
caya n~ga,t, niyon din aquing pinasiya
na ganaping
agad ang caniyang pita.
Linisan co na n~ga iyong pag-aaral
at aquing tinun~go, ang iniuang
bayan,
nang aco,i, dumating sa mama cong bahay
toua,i, dili gayon
nang aco,i, mamasdan.
At saca nag-uica, guilio cong pamanquin,
paquimat-yagan mo yaring
sasabihin,
pagca,t, panahon nang dapat mong lasapin
ang pait nang
dusang pamana sa atin.
Nang nunong si Adan na pinatamaan
nang sumpa nang Hari nang
sangcalan~gitan,
na sa iyong pauis_, aniya,t, capagalan
doon mo
cucunin ang icabubuhay_.
Munti man ay hindi nagdamdam nang hapis
yaring aquing puso sa
gayong narinig,
sapagca n~ga,t, tantong ayon sa matouid
ang
caniyang aral na ipinagsulit.
Bagcus pa n~gang aquing pinasalamatan
ang paglin~gap niya sa aba
cong buhay,
tuloy na tinicang siya,i, paglincoran
hangang may
hinin~ga na iniin~gatan.
Mangyayari caya ang maghinanaquit
sa hatol na lagda nang boong
pag-ibig,
pagca,t, ang mama co,i, may tapat na dibdib
at lubhang
marunog siyang magmasaquit.
Nagsama na caming hustong pitong boan
niton~g amain cong labis
na magmahal;
mana,i, isang hapo,i, nag-uica pagcouan:
«di na
malalaon yaring aquing buhay.»
Tila di mangyaring aco,i, maniuala
sa bagay na yaong caniyang
uinica;
n~guni,i, niyong din cusang inihanda
ang naquiquinitang
pagpanao sa lupa.
Uala acong sucat na pagcaquitaan
nang icalalagot nang hinin~gang
tan~gan;
malacas na lubha naman ang catauan,
bagama,t, ang
muc-ha,i, uari namamanglao.
Hindi co napiguil pagtulo nang luha
sa paglin[)g]ap niya touing
magunita,
dinguin mo ang caniyang matamis na uica
udyoc nang
malaquing pag-ibig at aua.
«Itanim sa iyong puso at panimdim
»itong sa mama mong huling
tagubilin:
»sa arao at gabi,i, houag lilimutin
»ang Dios na Haring
lumic-há sa atin.
»Ang pananagano sa Ina nang aua
»ay palaguiin mo sa puso at
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.