na
payapa.
Halay ay di gayon, nitong mama co,
nang batang lagui nang
naquipagtalo,
palalong man~gusap, anaqu,i, demonio,
ualang
munting aua sa capoua tauo.
Dila,i, tampalasa,t, ualang pacundan~gan
sa matandang tauo,i, hindi
gumagalang,
ang masamang bibig binubuca lamang
ay ang
sinasabi,i, di na-aalaman.
Ang pagbubulaa,t, pag-uupasala,
paninirang puri, paglibac, pagcuta
at iba pang sin~gao nang masamang dila
inuulit-ulit na ibinabala.
Di mamacailang sabihin sa aquin
na ang catamara,i, aquing susupilin,
at hangang bata pa,i, dapat hiratihin
sa pagod at puyat ang catauan
co rin.
Ang tauong touina,i, ualang guinagaua
sa boong maghapon cundi
magsalita,
sa nacaquiquita ay cahiyahiya,
at nacamumuhi sa loob
nang madla.
Cataua,i, masagal, di paquinaban~gan
tungcol sa gagauin na may
casaysayan,
paroo,t, parito siyang catungculan
at ang inuuncat
buhay nang may buhay.
Ang ganitong asal ay tantong malapit
sa madlang dalita, hirap at
pan~ganib,
pagca palibhasa,i, hindi iniisip
ang huling sandaling
sasapiting pilit.
Inaalintana,t, di nahihinayang
sa arao, at oras na nacararaan,
sa
toui-touina,i, tila namamanglao
at ualang magaua na anoman lamang.
Tayong nauiuili sa pagsasalita
nang bago at bago na man~ga balita:
¿ano caya bagang ating mapapala
sa buhay na itong dapat icacutya?
¿Dili natin tanto,t, darating na pilit
ang arao at oras, na tacda nang
lan~git,
na hihin~gan tayo nang cuentang mahigpit
sa tanang
guinauang buctot at matouid?
Tayo na n~ga lamang ay napararaya
sa hiling nang ating catauang
masama;
ang mama mong imbi unang una na n~ga:
¡iyong
patauarin Dios na daquila!
Di pa sucat ito ay idinuructong
parang pahimacas sa lahat nang hatol,
icao ay bata pa,i, dapat na magtipon
nang magandang asal habang
may panahon.
At nang cung tumandai,i, houag cang magsisi
sa di carunun~gan nang
bait mong imbi,
at pag nagcataon masasabisabi
dica tinuruan nang
gauang mabuti.
Anopa,t, sa aral nang mama cong ibig
nabubucsan naman yaring
pag-iisip,
saca unti-unti nanasoc sa dibdib
ang sintang dalisay sa
Hari nang lan~git.»
Capagdating dito,i, nag-uica pagcouan
itong si Hortensiong parang
napamaang:
«pasalamatan mo yaong calan~gitan,
ang naguing
mama mo,i, dunong na umaral.»
Sa cay Eliseo namang isinagot,
«di co linilimot ang aua nang Dios,
palalaguiin co hangang sa malagot
ang tan~gang hinin~ga,t, buhay
co,i, matapos.»
CAPÍTULO II.--_Ang pinagcautañgan nang buhay._
«Isa namang gabi,i, aco,i, quinauayan
nang guilio cong mamang labis
na magmahal,
aniya,i, dinguin mo ang ipagsasaysay
cun sa
natutulog ay parang pamucao.
Pacatandaan mo ito at iguhit
sa caibuturan nang puso at dibdib,
at
isa sa samong utos niyong lan~git
sa lahat nang tauo nitong
sangdaigdig.
Icao ay bata pa niyong camatayan
nang masintang ama,t, inang
mapalayao:
houag mo rin, bunso, namang calimutan,
iyong
idalan~gin sila nang mataman.
Liban na sa Dios bilang pan~galaua
dapat na suyuin ang ama at ina,
igalang at sundin utos na bala na
at houag bibig-yan anomang
balisa,
Ang uica ni Platon,[2] filosofong paham,
ay Dios sa lupa ang man~ga
magulang,
pagca,t, pan~galauang pinagcautan~gan,
nang tauo sa
mundo nang in~gat na buhay.
Ang sila,i, igalang tantong nararapat,
suyo at pagdama,i, laguing
igagauad,
tuloy abuluyan sa madlang bagabag,
pighati,t, dalita, ó
anomang hirap.
At ang man~ga anac na nagsisigalang
sa canicanila na man~ga
magulang,
tantong naghahanda nang caguinhauahan
dito,t, saca
doon sa cabilang buhay.
Dapoua,t, ang lilo na may asal ganid
sa man~ga magulang culang
nang pag-ibig,
dito pa sa lupa,i, lalasap na pilit
nang pait nang
dusa,t, saclap nang hinagpis.
Para nang nasapit niyong si Absalon
nasabit ang buhoc sa puno nang
cahoy
at doon namatay: ¡Oh parusang ucol
niyong calan~gitan sa
may pusong gayon!
Ang nasapit naman niyong ualang galang
na anac ni Noè na
pan~galan ay Cam,
siya,i, naruhagui sampong boong angcan,
sa
canilang muc-ha sumpa,i, napaquintal.
Caya, Eliseo, cung tanto mong ibig
na ang iyong buhay sa mundo,i,
lumauig,
man~ga magulang mo,i, mamatay man cahit
sa lupa ay
houag catcatin sa dibdib.
Yamang hindi na mangyayari naman
ang paglingcuran mo sila at
igalang,
iyong idalan~gin sa Poong may capal
caloloua nilang sa
mundo,i, pumanao.
CAPÍTULO III.--Ang hiyas nang isip.
Icapitong taon nang aco,i, sumapit,
na capanahunang pagsilang nang
bait,
tantong minarapat nang mama cong ibig
sa isang maestro aco,i,
ipahatid.
Ang n~gala,i, Pancracio, pan~galauang Mentor[3]
cung sa cabaita,t,
gayondin sa dunong,
siyang minabuting sa aqui,i, mag-ampon,
magturo,t, umaral nang gagauing ucol.
Sa anyo at muc-ha parang naquiquintal
ang caguilio-guilio na
magandang asal;
at sa bahay niya,i, aco,i, pinatahan
yamang
nalalapit ang caniyang bayan.
Minulan na niyang tiquis isinabog
ang lunas na aral sa bata cong loob,
at sa aquing bait ay ipinapasoc
yaong carunun~gang camahala,i,
puspos.
N~guni,t, pahintulot niya ang maglibang
sa capoua co batang
nagsisipag-aral,
at isa n~ga rito,i, naguing caibigan
mahiguit sa
isang capatid na tunay.
Pan~galan ay Fidel, matalinong bait
pandac na lalaqui,t, mariquit ang
voces,
quinauiuilihan nang balang dumin~gig
ang lubhang maayos
niyang pagsusulit.
Mapusoc ang loob, lubhang salangapan
ang aquing napiling unang
caibigan;
datapoua,t, dahil sa mabuting aral
ay cabaitan din ang
namamag-itan.
Puso,i, bahag-ya na dalauin nang sindac,
anaqui ay laguing nasa sa
panatag,
inaalintana anomang bagabag,
caya n~ga,t, malapit sa
pagcapahamac.
Pagca,t, ualang hantong sa balang maisip
at dili gunita anomang
pan~ganib,
houag lamang hindi masunod ang nais;
n~guni,t, sa
hatol co,i, siya,i, naquiquinig.
Ang ugaling ito ay binagong cusa
nang naturang Fidel, aquing
cababata
mulang mapag-uari niya,t, maunaua
na sa cotouira,i,
tantong nalilisiya.
Aquing quinasama habang nag-aaral
ang tapat na loob na catotong
hirang;
dito nalathala yaong catalasan
nang isip ni Fidel na
quinahan~gaan.
Aming iniraos ang pagsusumaquit
nang maliuanagan ang malabong
bait:
lacad nang bituin aming iniisip,
saca ang sa arao na laguing
pagliguid.
Ang lahat nang bagay nating natitingnan
sa balat nang lupa na may
caramdaman:
ang tauo,t, ang hayop, at ang uala naman
na para nan
bato at man~ga halaman.
Gayon
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.